Ang Programang Paggalaw ng mga Kalakal ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi ng hangin mula sa kagamitan na pangunahing ginagamit sa paglipat ng mga kargada at pangkomersiyong kalakal sa kahabaan ng mga pangunahing ruta ng kalakalan sa California.
Lahat ng daungan, mga intermodal rail yard at mga pasilidad ng kargada sa apat na pangunahing koridor ng kalakal ng estado, ang mga gawad ng Programang Paggalaw ng mga Kalakal ay magagamit upang palitan o muling patakbuhin ang ginagatungan ng diesel na kagamitan sa paghawak ng kargada at Mga Yunit ng Repriherasyon sa Transportasyon, mag-instala ng impra-istruktura ng pagkarga at paggatong, o mag-instala ng impra-istruktura ng pagbihag ng mga emisyon o shore-side power para sa lugar sa piyer ng barko.
Taon 5 ng Programang Paggalaw ng mga Kalakal – Kagamitan sa Paghawak ng Kargo at Mga Yunit ng Repriherasyon sa Transportasyon
Ang Distrito ng Hangin ay tatanggap ng mga aplikasyon para sa mga proyektong pagpapalit ng kagamitan at impra-istruktura ng paggatong ng Programang Paggalaw ng Mga Kalakal sa pagitan ng Lunes, Enero 25 – Biyernes, Abril 15, 2016. Ang mga karapat-dapat na may-ari ng pinatatakbo-ng-diesel na kagamitan ay iniimbitahang lumahok sa programang ito. Ang kagamitan ay dapat tumakbo sa mga rail yard, daungan, o mga pasilidad ng kargada sa apat na pangunahing koridor ng kalakal ng California. Lahat ng aplikasyon para sa programang ito ay dapat isumite nang hindi lalampas ang Biyernes, Abril 15, 2016.
Mangyaring suriin ang impormasyon sa ibaba upang malaman kung ang iyong kagamitan ay nakatutugon sa mga iniaatas sa pagiging karapat-dapat sa programa bago isumite ang iyong aplikasyon. Ang mga aplikasyon ay dapat na kumpleto upang isaalang-alang para sa pagpopondo.
Mga Uri ng Proyekto
Ang mga sumusunod na proyekto ay karapat-dapat para sa pagpopondo sa ilalim ng programang ito:
- Pagpapalit ng kagamitan/sasakyan – pagpapalit ng mga yard truck, rubber-tired gantry crane (RTG), forklift, at ibang gumagalaw na kagamitan sa pag-angat ng de-kuryente o fuel-cell na kagamitan.
- Pag-iiba ng kagamitan – pag-iiba ng pinatatakbo ng diesel na mga yard truck o pagtataas ng pinatatakbo-ng-diesel na mga RTG upang maging pinatatakbo-ng-kuryente.
- Pagpapalit ng Yunit ng Repriherasyon sa Transportasyon (Transportation Refrigeration Unit, TRU) – pagpapalit ng pinatatakbo ng diesel ng de-kuryente, cryogenic, o fuel cell na mga TRU.
- Impra-istruktura ng pagkarga at paggatong – Mag-instala ng impra-istruktura ng de-kuryenteng pagkarga, hydrogen a paggatong o cryogenic na pagkarga para sa mga trak, kagamitan sa paghawak ng kargo, o mga TRU (Ang ilang mapipili sa proyekto ay nangangailangan ng pagpapalit ng kagamitan.)
Pagiging Karapat-dapat
Kagamitan sa paghawak ng kargo at Mga Yunit ng Repriherasyon sa Transportasyon
Ang mga sumusunod na pamantayan sa pagiging karapat-dapat ay dapat matugunan ng kasalukuyang kagamitang diesel para isaalang-alang:
Impra-istruktura ng impra-istruktura ng de-kuryenteng pagkarga o cryogenic na paggatong
- Ang may-ari ng kagamitan ay dapat sumang-ayon na palitan ang pinakamababang bilang ng pinatatakbo-ng-diesel na mga yunit (gaya ng inilarawan sa mga papel na dapat malaman sa ibaba) ng kaparehong bilang ng bagong kagamitan na pinatatakbo ng uri ng gatong na kapares ng impra-istruktura ng pagkarga o paggamot na nakainstala para sa proyekto.
- Ang aplikante ay dapat makatugon sa iniaatas na pambatas, para sa permiso, at inhinyeriya para sa instalasyon.
Taon 5 ng Programang Paggalaw ng mga Kalakal – Mga Proyektong mga Barko sa Lugar ng Piyer (Shore Power)
Ang Distrito ng Hangin ay tatanggap ng mga aplikasyon para sa mga proyektong barko sa lugar ng piyer ng Programang Paggalaw ng mga Kalakal (shore power) sa pagitan ng Lunes, Enero 25 – Biyernes, Abril 15, 2016. Ang mga karapat-dapat na opereytor ng mga pasilidad ng marine port sa apat na pangunahing koridor ng kalakal ng California ay iniimbitahan na lumahok sa programang ito. Lahat ng aplikasyon para sa programang ito ay dapat isumite nang hindi lalampas ang Biyernes, Abril 15, 2016.
Mga Uri ng Proyekto
Ang mga sumusunod na proyekto ay karapat-dapat para sa pagpopondo sa ilalim ng programang ito:
- Sa mga kasalukuyang lugar sa piyer o terminal ng barko ng kargo – pag-iinstala ng sistema ng pagbihag at pagkontrol ng mga emisyon ng barko (halimbawa, hood, bonnet).
- Sa mga di-pinangangasiwaan na mga lugar sa piyer – pag-instala ng nakabase-sa-grid o hindi-nakabase-sa-grid na shore-side power sa mga kasalukuyang lugar sa piyer ng barko ng kargo na binibisita ng mga sasakyang-dagat lamang na hindi napapailalim sa mga iniataas sa pagkonrol ng Regulasyon sa mga Barko sa Lugar ng Piyer ng ARB na may-bisa noong 2015.
Ang mga proyekto ay dapat namabisang paggasta – gaya ng angkop, tanging ang mga proyektong nakatutugon sa pinakamababang mga pormula sa pagiging mabisang paggasta ang isasaalang-alang para sa pagpopondo (tingnan ang papel ng dapat malaman(1 Mb PDF, 6 pgs, posted 11/17/2020) para sa mga detalye).
Mga Iniaatas na Pagsunod sa Regulasyon
Ang mga insentibong pondo ay hindi magagamit upang pondohan ang mga proyektong kagamitan o impra-istruktura na napapailalim na sa mga huling-araw sa pagsunod sa regulasyon kabilang ang pang-estado, pederal, o lokal na mga batas at regulasyon, mga utos ng hukuman o mga kasunduan, mga memo ng pagkakaunawaan, mga kontrata, o ibang may-bisang mga obligasyon na nag-aatas ng pagpapatupad ng anumang bahagi ng proyekto.
Paano Dapat Mag-aplay
- Suriin ang mga dokumento sa tulong sa aplikasyon sa seksiyon na Karagdagang Impormasyon sa ibaba.
- Alamin ang pagiging karapat-dapat ng iyong kasalukuyang kagamitan at fleet.
- Piliin ang uri ng proyekto.
- Magtipon ng impormasyon tungkol sa iyong kagamitan at mga makina (at anumang mga filter ng diesel particulate (DPF) na nainstala) bago simulan ang iyong aplikasyon.
- Gaya ng angkop - Makipagtulungan sa mga tagabenta at awtoridad upang maghanda ng mga mungkahi at alok (mga pagtaya) para sa mga proyektong impra-istruktura.
- Kontakin ang aming mga tauhan para sa impormasyon tungkol sa kung paano dapat mag-aplay. Depende sa uri ng proyekto, maaari kang makapag-aplay online. Lahat ng proyektong impra-istruktura ay nangangailangan ng isang nakasulat na mungkahi bilang karagdagan sa pagsumite ng basikong aplikasyon.
Karagdagang impormasyon