Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Glosaryo ng Pamparumi

Alamin ang tungkol sa maraming pamparumi sa hangin na nakakaapekto sa Bay Area.

Pagdeposito ng Asido

Ang pagdeposito ng asido ay isang pangkalahatang katawagan para sa isang paghahalo ng basa at tuyong presipitasyon na hindi pangkaraniwang maasido (tulad ng asidong ulan, niyebe, fog, at mist). Itinuturing na isang malaking problemang pangkapaligiran, ang pagdeposito ng asido ay nangyayari kapag ang mga emisyon ng carbon dioxide, sulfur dioxide, at mga nitrogen oxide ay tumutugon sa mga molecule ng tubig sa atmospera upang lumikha ng maasidong mga timplada. 

Sa Canada at Scandinavia, ang asidong ulan ay nakapatay ng mga populasyon ng isda at ibang buhay sa tubig sa maraming maliliit na lawa, at ang asidong ulap-usok ay responsable para sa ilang libong mga pagkamatay sa London noong 1952. Ang California ay may mas mababang mga emisyon ng mga sulfur oxide kaysa ibang mga bahagi ng mundo, kaya ang pangunahing pinanggagalingan ng asidong patak ng ulan dito ay nitric acid mula sa mga emisyon ng sasakyang de-motor.

carbon monoxide

Ang carbon monoxide ay isang walang-kulay, hindi nakikita, maaaring magliyab na gas na maaaring maging mapanganib sa kalusugan ng tao sa matataas na konsentrasyon, lalo na sa mga loob ng gusali na mahina ang bentilasyon.

Halos 70% ng carbon monoxide ng Bay Area ay nanggagaling sa mga sasakyang de-motor. Ang marami ay nanggagaling din mula sa pagsunog ng kahoy sa mga fireplace at mga kalan ng kahoy. Ang pang-estado at pederal na mga pagkontrol sa mga bagong kotse at pana-panahong pagsunog ng kahoy ay itinatag upang pigilang makarating ang carbon monoxide sa mga antas na nakakapinsala. Ang Bay Area ay hindi humigit sa pambansa o pang-estadong pamantayan para sa carbon monoxide sa maraming taon, at pormal na kinikilala bilang isang lugar ng pagtatamo na kaugnay ng carbon monoxide.

Lebel-ng-Lupa na Ozone (O3)

Ang lebel-ng-lupa sa ozone (kilala rin bilang ulap-usok) ay nililikha ng mga kemikal na reaksiyon sa pagitan ng ozone precursors¾oxides ng nitrogen at pabagu-bagong mga timplada kapag may liwanag ng araw. Ang mga emisyon mula sa mga pasilidad na pang-industriya at mga utilidad ng kuryente, mga pasingawan ng sasakyang de-motor, mga singaw ng gasolina, at mga solvent na kemikal ay ilan sa malalaking pinanggagalingan nitong mga pinagmumulan ng ozone. Ang ozone ay malamang na mabuo sa tag-init at unang bahagi ng taglagas sa maiinit, walang-hangin, maaraw na mga araw. Ang paglanghap na ozone ay maaaring magpalala sa hika at ibang mga sakit sa paghinga, magpakati sa mga mata, magbawas ng bisibilidad, at makapinsala ng mga halaman.

Ang mga sasakyang de-motor ay ang pinakamalaking taga-ambag ng ozone sa Bay Area, responsable sa higit sa 50% ng mga pinagmumulan ng ozone sa rehiyon. Ang programa sa pagkontrol ng mga emisyon ng sasakyang de-motor ng California, kasama ng mga pagkontrol ng Distrito ng Hangin, ay nagbawas nang malaki sa mga konsentrasyon ng ozone sa Bay Area sa huling ilang mga dekada. Halimbawa, ang pambansang pamantayan sa ozone ay humigit sa 65 araw noong 1969, kumpara sa apat na araw lamang noong 2011.

Hydrogen Sulfide (H2S)

Ang hydrogen sulfide ay isang walang-kulay, nakalalasong gas na may malakas na amoy ng mga bulok na itlog na maaaring maamoy sa napakababang mga konsentrasyon. Ang gas na ito ay nalilikha pangunahin sa mga planta ng paggamot sa sewage at mga dalisayan ng langis bilang kasamang produkto ng pagdalisay ng krudong langis. Sinisira nito ang kulay ng pintura, minamantsahan ang maraming metal, at marami ang epekto sa kalusugan. Ang mga regulasyon ng Distrito ng Hangin ay naglilimita sa lebel-ng-lupa na mga konsentrasyon ng hydrogen sulfide sa Bay Area.

Nitrogen Oxides (NOx)

Ang mga nitrogen oxide ay isang grupo ng mga gas na nabubuo kapag ang nitrogen ay tumutugon sa oksiheno sa panahon ng pagniningas, lalo na matataas na temperatura. Ang mga timplada (kabilang ang nitric oxide at nitrogen dioxide), ay maaaring mag-ambag nang malaki sa pagpaparumi sa hangin, lalo na sa mga lungsod at lugar na may mataas ang trapiko ng sasakyang de-motor.

Sa Bay Area, ang nitrogen dioxide ay lumilitaw bilang kayumangging haze. Sa mas mataas na mga konsentrasyon, ang nitrogen dioxide ay maaaring makapinsala sa mga sensitibong halaman, tulad ng mga beans at kamatis, at magpalala ng mga problema sa paghinga. Ang Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng U.S., Lupon sa mga Tagatulong sa Hangin ng California, at Distrito ng Hangin ay nagpatibay lahat ng mga hakbang upang bawasan ang mga emisyon ng mga nitrogen oxide. Ang Distrito ng Hangin ay naglalagay ng mga kabawalan sa mga pinanggagalingan ng pamparumi tulad ng planta ng kuryente, mga pakuluan, nakapirming turbine, at nakapirming makina, at tinutugunan ang mga pinanggagalingang mga sasakyang de-motor sa pamamagitan ng pagtatrabaho upang baguhin ang mga gawi sa pagmamaneho ng mga tao.

Organikong mga Timplada

Ang organikong mga timplada, tulad ng mga hydrocarbon, ay inilalabas kapag ang mga gatong ay organikong basura ay sinusunog. Ang mga ito ay inilalabas din ng mga produkto ng mamimili, tulad ng mga aerosol spray, at ng ebaporasyon mga pintura, tinta, solvent, at gasolina. Ang ilang organikong mga timplada ay nakalalason, kabilang ang benzene, formaldehyde, at acrolein. Ang pagkahantad sa mga timpladang ito ay nagpapakita ng malalaking epekto sa kalusugan, kabilang ang panganib ng kanser; hindi gumagaling na mga sakit ng baga, atay, at bato; at matinding iritasyon ng mata at paghinga.

Ang organikong mga timplada ay malalaking pamparumi sa hangin dahil ang mga ito ay tumutugon sa oxides of nitrogen kapag may liwanag ng araw upang bumuo ng ozone (ulap-usok). Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng higit sa 50 tuntunin upang kontrolin ang mga emisyon ng organikong timplada mula sa mga pagpapatakbo tulad ng produksiyon at pagdalisay ng petrolyo, mga pagpapatakbo ng pamahid, at pagmanupaktura ng semiconductor. Itinatag din ng Distrito ng Hangin ang Programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad upang tukuyin ang mga lokasyon na may mataas na mga antas ng nakalalasong mga emisyon at mga sensitibong populasyon, at nagtatrabaho upang bawasan ang mga emisyon sa mga lugar na iyon.

Particulate na Bagay (PM)

Ang particulate na bagay ay isang masalimuot ng pamparumi na binubuo ng iba't ibang maliliit na partikulong nasa hangin na magkakaiba ang sukat at masa (napakapino, pino, at magaspang), pisikal na kalagayan (solido o likido), kemikal na komposisyon, pagiging nakalalason, at paano kumikilos ang mga ito sa atmospera. Ang mga partikulong ito ay nanggagaling sa iba't ibang gawa-ng-tao at likas na mga pinanggagalingan, kabilang ang mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman, pagsunog ng kahoy at pagluluto sa tirahan, malalaking sunog, mga bulkan, asin ng dagat, at alikabok. Dahil napakaliit ng mga ito, ang mga partikulong ito ay maaaring makalampas sa mga likas na depensa at pumasok nang malalim sa mga baga, daluyan ng dugo, utak at ibang mahahalagang bahagi ng katawan, at mga indibidwal na selula. Ang mga pag-aaral na pangkalusugan ay nagpapakita na ang pagkahantad sa PM ay maaaring magkaroon ng masasamang epekto sa kalusugan, kabilang ang hika, tuloy-tuloy na brongkitis, pagbuo ng mahinang baga sa mga bata, atake sa puso, istrok, at maagang pagkamatay.

Ang pagsunog ng kahoy sa tirahan ay ang pinakamalaking pinanggagalingan ng PM sa Bay Area kapag taglamig. Habang ang Distrito ng Hangin ay nakagawa ng malalaking progreso sa pagbawas ng kabuuang mga antas ng sa pamamagitan ng Tuntunin ang ibang mga hakbang nito sa Pagsunog ng Kahoy, ito pa rin ang pinakamapanganib na pamparumi sa hangin sa Bay Area batay sa mga epekto sa kalusugan.

Mga Sulfur Oxide (SOx)

Ang pagpapainit at pagsunog ng mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman (tulad ng coal at langis) ay naglalabas ng sulfur na nasa mga materyal na ito. Sa mga lugar kung saan ang malalaking bilang ng mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman ay ginagamit, ang mga sulfur oxide ay maaaring maging malaking problema sa pagpaparumi ng hangin.

Ang pinakakaraniwang uri ng sulfur oxide ay sulfur dioxide. Ang bagay na ito ay maaaring tumugon sa oksiheno upang bumuo ng sulfur trioxide, na maaaring bumuo ng sulfuric acid mist kapag may moisture. Ang mga nagkokontaminang ito ay maaaring makapinsala sa mga halaman at makaapekto nang masama sa kalusugan ng mga tao at hayop.

Sa nakalipas, ang mga sulfur oxide ay isang problema sa Bay Area, lalo na sa malapit sa malalaking dalisayan ng langis at mga planta ng kemikal sa Contra Costa County. Gayunman, kinokontrol na ng Distrito ng Hangin ang mga emisyon mula sa mga pinanggagalingang ito mula pa noong 1961, at walang pang-estado o pederal na kalabisan ng mga emisyon na sulfur na timplada na naitala mula noong 1976.

Contact Us


Pangkalahatang Impormasyon

415 749-4900


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 8/3/2023