Tungkol sa Distrito ng Hangin

Kasaysayan ng Distrito ng Hangin

Mula noong 1955, ang Distrito ng Hangin ay nagtatrabaho upang pabutihin ang kalidad ng hangin sa Bay Area. Ang mga hamon sa hinaharap – tulad ng pagbabago ng klima at pagbawas sa mga emisyon ng diesel – ay mangangailangan ng matatag na agham, pagkamalikhain at paglahok ng komunidad.

Ang unang pulong ng Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin, binubuo ng mga lokal na opisyal, ay nangyari noong Nobyembre ng 1955. Ang unang regulasyon ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin at nagbabawal sa bukas na pagsunog sa mga tambakan at mga lugar ng pagwasak ay pinagtibay noong 1957.

Ang Taon ng Pagbuo

Nang ang mga sundalo ng Amerika ay umuwi mula sa Ika-II Digmaang Pandaigdig, maraming namalagi sa huling lugar na nakita nila bago pumunta sa ibang bansa sa mga daungan ng embarkasyon ng California. Dito, nag-aral sila sa tulong ng GI Bill, nag-asawa, bumili ng mga bahay, at sinimulan ang pinakamalaking "pagdagsa ng sanggol" na nakita ng mundo.

Sa pagdami ng populasyon ay dumating ang pagpapalawak ng mga lugar ng kalunsuran, lumiliit na mga lupang pang-agrikultura, at ng pagbuo ng mga pagtatayo ng bahay na mas malayo kaysa mga sentro ng kalunsuran. Sa unang pagkakataon sa maraming taon, ang mga kotse ay makukuha, abot-kaya, at ngayon ay kailangan upang marating ang mga bagong tirahan sa labas ng lungsod.

Ang katawagang "ulap-usok," orihinal na binuo upang ilarawan ang kombinasyon ng usok at fog na laganap sa London, ay naging karaniwang salita ng sambahayan sa Bay Area, na may mga bukas na apoy mula sa tambakan at lugar ng pagwasak na nag-aapoy 24 na oras sa isang araw. Sinusukat noong una sa mga antas ng iritasyon sa mata, ang pagpaparumi sa hangin ay naging isang malaking problema, nagdudulot ng malaking pinsala sa mga pananim sa Bay Area.

Sa mga huling taon ng 1940 ang mga siyentista ay nag-aral sa mga naging dahilan ng ulap-usok. Noong 1950, natuklasan ni Dr. A. J. Haagen-Smit, isang biochemist sa California Institute of Technology, na ang potokemikal na mga reaksiyon ay responsable para sa pagbuo ng pangunahing sangkap ng ulap-usok, ozone sa lebel ng lupa.

Ang mga unang taon ng Distrito ng Hangin ay hitik sa kontrobersiya tungkol sa Regulasyon 1 na mungkahi upang ipagbawal ang bukas na pagsunog sa mga tambakan at mga lugar ng pagwasak pero ito ay pinagtibay sa huli noong 1957.

Noong 1946, pinagtibay ng Lehislatura ng California ang unang batas sa pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin na nag-aawtorisa ng pagbuo ng mga distrito ng pagkontrol sa pagpaparumi ng hangin ng county. Ang Los Angeles County ay nagbukas ng unang opisina ng pagkontrol sa pagpaparumi sa hangin sa unang bahagi ng 1947 at sumunod agad ang Santa Clara County.

Pagsapit ng 1950, malinaw na ang pagpaparumi ay lumampas sa mga hangganang pampulitika, at na ang isang-county na distrito ay hindi ang sagot para sa Bay Area. Noong 1955, ang Batas sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin ng Bay Area ay pinagtibay, nagtatag ng Distrito ng Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin ng Bay Area bilang unang panrehiyong ahensiya ng pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin sa bansa.

Sa una, ang Distrito ng Hangin ay kabilang ang mga county ng Alameda, Contra Costa, Marin, San Francisco, San Mateo, at Santa Clara. (Tatlong iba pang mga county na Napa, Solano, at Sonoma 8212; ay isinama sa batas bilang mga "di-aktibong" miyembro. Ang Napa at timog na mga bahagi ng mga county ng Solano at Sonoma ay sumama sa Distrito ng Hangin noong 1971.)

Ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay naghirang kay Benjamin Linsky bilang unang Opisyal sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin ng Distrito ng Hangin. Sa panahong ito, ang batas ng estado ay nagtatag din ng isang Konseho sa Pagpapayo na binubuo ng mga kinatawan mula sa pangkomunidad, pangkalusugan, pangkapaligiran, at ibang mga organisasyon upang magpayo sa mga bagay na teknikal at tungkol sa patakaran.

Pagsapit ng 1958, ang laboratoryo ng Distrito ng Hangin ay lubos na tumatakbo, nagsasagawa ng mga pagsusuring kemikal sa mga sampol na kaugnay ng kalidad ng hangin.

Habang ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng misyon nito na kontrolin ang pagpaparumi sa hangin, ang populasyon ng Bay Area ay higit lamang sa tatlong milyong tao, at may 1.75 milyon na sasakyang de-motor sa daan, sa panahong iyon ay mga 2 porsiyento ng mga emisyon ng gas sa rehiyon. (Ngayon ang populasyon ng Bay Area ay higit sa nagdoble, halos umabot sa 7.2 milyong tao, na may higit sa 5 milyong kotse sa daan. Ang mga sasakyang ito ay kasalukuyang kumakatawan sa higit sa 50 porsiyento ng mga emisyon.)

Inatasan na pangasiwaan ang mga nakapirming pinanggagalingan ng mga emisyon ng pagpaparumi sa hangin, ang Distrito ng Hangin ay bumuo ng unang dalawang regulasyon nito noong mga taon ng 1950: Regulasyon 1, na nagbawal sa bukas na pagsunog sa mga tambakan at lugar ng pagwasak, at Regulasyon 2, na nagtatag ng mga pagkontrol sa alikabok, droplet, at mga gas ng pagniningas mula sa partikular na mga pinanggagalingang pang-industriya.

Maraming pananaliksik at talakayan ang ginawa sa paghubog ng Regulasyon 2, pero walang nagdududa sa pangangailangan nito. Sa isang pananaliksik na pagbisita sa isang partikular na pasilidad, natuklasan ng mga inhinyero ng Distrito ng Hangin na ang mga panala ay ginamit sa mga pasingawan ng hangin upang protektahan ang makinarya ng planta mula sa sarili nitong mga nakakasirang emisyon! Itong matinding-pinagtalunang regulasyon ay pinagtibay sa wakas noong 1960.

Noong 1959, itinatag ng California at Lupon ng Pagkontrol sa Pagpaparumi ng Sasakyang De-motor (ang sinundan ng Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California) at ang ahensiyang ito ay nagsimulang sumubok sa mga paraan upang bawasan ang mga emisyon ng sasakyang de-motor.

Habang ang mga 1950 ay nagdala sa pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin sa harapan ng inaalala ng publiko, ang susunod na dekada ay makakakita ng pagtaas sa mga teknikal na inobasyon na tutulong sa paglaban para sa malinis na hangin.

1955

Ang Batas sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin ng Bay Area ay pinagtibay, itinatag ang Distrito ng Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin ng Bay Area (sa huli ay pinangalanang Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area).

Ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay nagpulong sa unang pagkakataon.

Si Benjamin Linsky ay piniling unang Opisyal ng Pagkontrol ng Nagpaparumi sa Hangin.

1956

Ang Konseho sa Pagpapayo ng Distrito ng Hangin ay hinirang.

1957

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng Regulasyon 1, nagbawal sa bukas na pagsunog sa mga tambakan at lugar ng pagwasak.

1958

Ang unang burador ng Regulasyon 2 na naglilimita sa mga emisyong pang-industriya ng sulfur dioxide, particulate na bagay at usok ay isinangguni ng Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin sa Konseho sa Pagpapayo.

Ang laboratoryo ng Distrito ng Hangin ay nagsimulang tumakbo sa ilalim ng direksiyon ng kimikong si Milton Feldstein, na sa huli ay maglilingkod bilang Opisyal ng Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin.

1959

Ang Lupon ng Pagkontrol sa Pagpaparumi ng Sasakyang De-motor (MVPCB) ay itinatag ng estado ng California, sa huli ay pinangalanang Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California (ARB).

1960

Ang Regulasyon 2 ay pinagtibay, nagtatag ng mga pagkontrol na pang-industriya (tingnan ang ipinasok para sa 1958).

Noong 1960, ang unang mga pagkontrol ng emisyon na pang-industriya ay pinagtibay. Ang mga limitasyon ay inalagay sa usok mula sa mga pabrika at sa sulfur na mga timplada. Limang istasyon ng pagsubaybay sa hangin upang sukatin ang pagpaparumi sa hangin sa nakapaligid na Hangin ay nagbukas noong 1962.

Paghubog ng Estratehiya sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin

Noong ang malinaw na pinapawisang si Richard Nixon ay natalo sa nakatelebisyon na pampanguluhang debate at sa halalan ng 1960 kay John F. Kennedy, ito ay naghatid ng isang panahon ng optimismo ng kabataan. Pero ang ideyalismong ito ay papahinain ng magulong pagbabagong panlipunan at mga trahedyang tulad ng pagpatay kay Kennedy at pagpasok ng Amerika sa Digmaan sa Biyetnam.

Sa Bay Area, ang unang nagbubukas na mga pagsisikap ng Distrito ng Hangin sa pagkontrol ng pagpaparumi ng hangin ay tumanggap ng pagsalungat at kontrobersiya, pero humantong sa malalaking pakinabang para sa panrehiyong kalidad ng hangin.

Ang Regulasyon 2 ay naglilimita sa emisyon ng sulfur dioxide, particulate na bagay, at usok sa mga pasilidad na pang-industriya sa Bay Area.

Ang unang gawain para sa Distrito ng Hangin pagkatapos limitahan ang bukas na pagsunog ay asintahin ang pinakamalinaw na nakikitang problema sa pagpaparumi sa hangin: mga emisyon ng smokestack na pang-industriya. Ang unang regulasyon sa pang-industriyang emisyon, Regulasyon 2, isinulat sa mga huling bahagi ng mga 1950 at pinagtibay pagkaraan ng ilang pagsalungat noong Mayo 1960, ay nagtatag ng mga limitasyon sa pagiging hindi tinatagusan ng liwanag sa usok mula sa mga pabrika at mga dalisayan sa 40 porsiyento, at nagtatag din ng mga limitasyon sa emisyon para sa sulfur na mga timplada. Ilang taon pagkaraan, noong 1965, ang Konseho sa Pagpapayo ay nagsimula rin ng pagbubukas na gawain nito sa magiging Regulasyon 3, naglilimita sa mga pang-industriyang emisyon ng organikong mga timplada.

Ang network ng pagsubaybay sa hangin ng Distrito ng Hangin ay itinatag noong 1962, na may anim na istasyon na sumusukat sa mga konsentrasyon ng mga tagapagparumi sa hangin.

Ang unang may-awtomasyong pagkontrol sa bansa, positibong crankcase na bentilasyon, ay ipinag-utos noong 1961 ng Lupon ng Pagkontrol ng Pagpaparumi ng Sasakyang De-motor ng California, ang sinundan ng Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California. Nakita ang malaking kontribusyon ng sasakyang de-motor sa pagpaparumi sa hangin, ang Distrito ng Hangin ay nag-atas ng pagpapatibay ng 1950-60 na modelo na mga kotse na may crankcase na mga kagamitan sa pagkontrol, nagpatag ng daan para sa anim na ibang mga distrito ng hangin ng California upang pagtibayin ang mga katulad na tuntunin.

Ang network sa pagsubaybay ng hangin ng Distrito ng Hangin, ang unang panrehiyong sistema ng pagsubaybay sa bansa, ay itinatag noong 1962 upang sukatin ang mga antas ng pagpaparumi sa Bay Area at magkaloob ng kapaki-pakinabang na mga datos para sa pagbuo ng mga estratehiya upang pabutihin ang kalidad ng hangin.

Ang isang maagang kampanya sa pampublikong pakikipag-ugnayan, "Linggo ng Malinis na Hangin" ng 1961, ay may 2.5-taong-gulang na "Binibini ng Malinis na Hangin."

Habang ang pagpaparumi sa hangin ay patuloy na lumalala noong mga taon ng 1960—na ang pinakamasamang kalidad ng hangin na naitala sa Bay Area na nangyari noong 1969—ang pang-awto at pang-industriyang mga pagkontrol na pinagtibay sa mga unang bahagi ng mga 60 ay nagpasimula ng malalaking pagpapabuti sa kalidad ng hangin sa mga dekadang darating.

1960

Ang Regulasyon 2 ay pinagtibay, nagtatag ng mga pagkontrol na pang-industriya (tingnan ang ipinasok para sa 1958).

1961

Ang unang pang-awtong pagkontrol sa bansa, positibong crankcase na bentilasyon, ay ipinag-utos ng Lupon ng Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin ng Sasakyang De-motor (ang pinagmulan ng Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California).

1962

Ang network sa pagsubaybay ng nakapaligid na hangin ng Distrito ng Hangin ay magsisimulang tumakbo, na may limang istasyon sa Bay Area.

1963

Ang Lupon ng mga Direktor ay bumoto para sa pagpapatibay ng 1950-60 na modelong mga kotse na may crankcase na pagkontrol na mga kagamitan. Anim na ibang mga distrito ng hangin ng California ang nagpatibay ng mga katulad na batas.

1964

Ang Oktubre ay naging pinakamasamang buwan para sa pagpaparumi sa hangin sa Bay Area, na may 19 araw na nasa pamantayan ng iritasyon ng mata (ang unang paraan ng pagsukat ng mga antas ng pagpaparumi sa hangin).

1965

Ang Konseho ng Pagpapayo ay nagsimulang magtrabaho sa Regulasyon 3, nagkontrol ng organikong mga timplada mula sa mga pang-industriyang emisyon.

Ang lehislatura ng estado ay nagdagdag ng mga parusang misdemeanor para sa mga paglabag sa Regulasyon 1.

Sa pagtatapos ng mga taon na Animnapu, itinatag ng Lupon ng Tagatulong sa Hangin ng California ang unang mga pamantayan ng kalidad ng hangin para sa mga tagapagparumi sa nakapaligid na hangin, at ang Bay Area ay nagtala ng 6 araw sa pambansang isang-oras na pamantayan para sa ozone (12 bahagi kada daang milyon)— ang pinakamataas na bilang ng mga araw sa kasaysayan nito.

Ang Landas Patungo sa Kamalayang Pangkapaligiran

Sa pagpasok ng 1965, si Lyndon Johnson ay nagsimula ng kanyang taning bilang Presidente, ang Kilusan sa mga Karapatang Sibil ay lubos na gumagana, ang Digmaan sa Biyetnam ay naging laman ng balita sa ika-6 ng gabi, at ang Distrito ng Hangin ay nagsimulang magtatag ng mga pagkontrol sa organikong mga timplada mula sa mga pang-industriyang emisyon.

Ang taon ay magdadala rin ng pagpapatibay ng batas na ginagawa ang bukas na pagsunog sa Bay Area na isang misdemeanor, na may parusang hanggang $500 na mga multa o anim na buwan sa kulungan.

Noong 1969, ang Bay Area ay nagtala ng 65 araw sa pambansang pamantayan sa ozone, ginawa itong pinakamalalang taon para sa kalidad ng hangin sa rehiyon.

Ang unang mga pamantayan sa emisyon ng awto sa bansa para sa mga hydrocarbon at carbon monoxide ay pinagtibay ng MVPCB noong 1966.

Sa kaparehong taon, ang Konseho sa Pagpapayo ng Distrito ng Hangin ay nagsimulang talakayin ang posibilidad ng pagbabawal sa pagsunog ng basura sa backyard, habang ang Komite sa Pagpaparumi ng Pambansang Akademiya ng mga Agham ay nag-isyu ng isang ulat sa pangangailangan na iresaykel ang pareho ng likido at solidong basura.

Noong 1969, ang pagbabawal sa pagsunog sa backyard ay pinagtibay at ang isang malawak na kampanya sa edukasyon sa isyu ay inilunsad.

Noong Enero ng 1967, si Presidente Johnson ay nagbanta na ang bansa ay natatalo sa paglaban sa pagpaparumi sa hangin at isinabuod ang isang mas malaking papel para sa pederal na gobyerno sa pagkontrol ng problema. Kasunod ng Batas sa Kalidad ng Hangin, ang Distrito ng Hangin, na sinundan ng Batas sa Kalidad ng Hangin, ay ipinasa ng Kongreso.

Sa pagsulong ng taon, ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng mga pang-industriyang limitasyon para sa paghawak ng organikong mga timplada, at nag-aproba sa mga plano upang lumipat sa kasalukuyang mga punong-tanggapan sa 939 Ellis Street sa San Francisco. Sa panahong ito, ang MVPCB ay pinangalanang Lupon sa mga Tagatulong sa Hangin ng California.

Ang unang mga pamantayan sa emisyon ng awto sa bansa ay ipinatupad ng estado ng California noong 1966.

1965

Ang Konseho ng Pagpapayo ay nagsimulang magtrabaho sa Regulasyon 3, nagkontrol ng organikong mga timplada mula sa mga pang-industriyang emisyon.

Ang lehislatura ng estado ay nagdagdag ng mga parusang misdemeanor para sa mga paglabag sa Regulasyon 1.

1966

Ang unang mga pamantayan sa emisyon ng awto sa bansa para sa mga hydrocarbon at carbon monoxide ay pinagtibay ng MVPCB.

1967

Regulasyon 3, ang pagkontrol ng organikong mga timplada mula sa mga pang-industriyang emisyon, ay pinagtibay ng Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.

Ang Batas sa Kalidad ng Hangin, sinundan ng Batas sa Kalidad ng Hangin, ay ipinasa ng Kongreso ng U.S.

Ang Lupon sa Pagkontrol ng Sasakyang De-motor ay naging Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin (Air Resources Board, ARB) ng California.

1968

Ang pagsunog na pang-agrikultura ay kinokontrol ng mga "magsunog / huwag magsunog" na mga araw.

Ang lehislatura ng estado ay nag-awtorisa sa Distrito ng Hangin na humingi ng $500 sa mga parusang sibil para sa mga paglabag sa Regulasyon 2, na kumokontrol sa mga pang-industriyang emisyon.

1969

Ang ARB nagpalaganap ng unang pang-estadong mga pamantayan sa kalidad ng hangin.

Ang Distrito ng Hangin ay nagtala ng 65 araw na "hindi malusog" na hangin, ang pinakamasamang taon para sa kalidad ng hangin sa Bay Area na nakatala.

1970

Ang Distrito ng Hangin ay nagbawal sa pagsunog sa backyard sa Bay Area.

Ang Batas sa Malinis na Hangin ay ipinasa ng Kongreso ng U.S.

Ang Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng U.S. (Environmental Protection Agency, EPA) ay nilikha.

Ang isang regulasyon na nag-aatas na ang mga nozzle ng gas ay idisenyo upang makuha ang ebaporasyon na mga emisyon sa panahon ng paggatong ng mga kotse ay pinagtibay ng Lupon, ang unang tuntunin sa California. Ang Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng U.S. ay nilikha ng Kongreso noong 1972.

Ang Muling Pagsilang na Pangkapaligiran

May ilang nagsabi na ito ang pagsisimula ng Panahon ng Aquarius, ang iba ay tinawag itong kamalayang pangkapaligiran. Ang nakakatakot ng anyo ng Mundo na nakita mula sa buwan ay nagpasimula ng pandaigdig na pag-aalala para sa pagprotekta sa kapaligiran. Noon ay 1970 at maraming nagbabago sa mundo.

Habang ang mga nagpoprotesta sa Digmaan sa Biyetnam ay dumarami ang bilang at boses, ang unang Araw ng Mundo ay ipinagdiwang, ang Batas sa Malinis na Hangin ay ipinasa ng Kongreso, ang Ahensiya sa Proteksiyon ng Kapaligiran (EPA) ng U.S. ay binuo, at ang isang dekada ng konserbansiyang pangkapaligiran ay nagsimula.

Ipinatupad ng Distrito ng Hangin ang regulasyon sa pagkontrol para sa pagbawi ng vapor-nag-aatas bukod sa ibang mga bagay ng bagong mga kaayusan ng nozzle upang limitahan ang bumubuo ng ozone na mga gas na inilalabas sa mga pagpapatakbo ng paggatong ng gasolina sa mga istasyon ng serbisyo.

Ang isang milestone para sa kilusang pangkapaligiran ay nangyari noong 1971 noong itinatag ng EPA ang pambansang nakabase-sa-kalusugan na mga pamantayan sa kalidad ng hangin para sa mga tagapagparumi sa nakapaligid na hangin.

Sa panahong ito, ang Distrito ng Hangin ay nagdagdag ng tatlong county sa hurisdiksiyon nito, ang mga county ng Napa, timog Sonoma, at kanlurang Solano na nagdala sa distrito sa kasalukuyang kabuuang siyam na county.

Ang Lupon sa mga Tagatulong ng Hangin ng California ay nagpatibay ng mahihigpit na pamantayan sa mga emisyon ng awto, at ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng mga pagkontrol sa hydrogen sulfide sa industriya. Ang pagsunog sa mga tambakan ay ipinagbawal sa buong estado ng California, at ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng regulasyon sa nakapaligid na tingga. At, sa unang pagkakataon, ang Lupon ng mga Direktor ay nagbawal ng paninigarilyo sa mga silid ng lupon sa panahon ng mga pulong.

Ang unang Araw ng Mundo ay ginanap noong Abril 22, 1970. Ito ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng isang litrato ng mundo na kinuha sa panahon ng pagbaba ng Apollo 13 sa buwan, at sinimulan ang isang dekada ng kamalayan at aksiyong pangkapaligiran.

Ang sistema ng permiso ng Distrito ng Hangin ay pinagtibay noong 1972, bilang isang landmark na unang regulasyon sa amoy na may gayong uri sa bansa. Ang "smog phone" ng Distrito para sa pagbasa ng kalidad ng hangin ay nagsimula noong Mayo ng 1972 at isang carpool lane ay binuksan sa Bay Bridge. Ang computer carpool na pagpapares ay makukuha na rin.

Ang malaking istorya ng 1973 ng Distrito ng Hangin ay ang pagpapatibay ng regulasyon sa pagbawi na kaugnay ng singaw, na magbabawas sa mga emisyon ng hydrocarbon sa mga istasyon ng gasolina ng 70 tonelada kada araw na pinakamalaking pagbawas ng emisyon na nalikha ng anumang regulasyon sa panahong iyon.

Ang mga empleyado ng Distrito ng Hangin ay nagpakita ng nabibitbit na olfactometer na ginamit para sa pananaliksik sa pagbuo ng regulasyon ng amoy, at sa huli ay para sa pag-alam ng pagsunod.

Ang walang-tinggang gasolina ay nagsimulang makuha noong Hulyo ng 1974. Bilang karagdagan, ang isang Plano sa Episode ng Pagpaparumi sa Hangin ng Distrito ng Hangin ay pinagtibay na may antas ng "pagpapayo sa ulap-usok" na nakatakda sa 0.20 na bahagi kada milyon (parts per million, ppm) ng ozone. (Sa kasamaang-palad, ang panahon ng ulap-usok ng tag-init ng 1974 ay nagtala ng magkakasunod na mga payo sa ulap-usok tatlong araw sa buwan ng Oktubre nang ang pinakamataas na konsentrasyon ng ozone ay umabot ng 0.28 ppm.)

Ang unang bahagi ng mga taong '70 ay nagpakita na ang pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin ay matatag na nakabaon sa pambansang adyenda at magpapatuloy sa "dekadang pangkapaligiran" at pagkalampas.

1970

Ang Distrito ng Hangin ay nagbabawal sa pagsunog sa backyard sa Bay Area.

Ang Batas sa Malinis na Hangin ay ipinasa ng Kongreso ng U.S. at pinirmahan ni Presidente Nixon.

Ang Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng U.S. (EPA) ay nilikha.

1971

Ang EPA ay nagtatag ng Pambansang mga Pamantayan ng Kalidad na Nakapaligid na Hangin (National Ambient Air Quality Standards, NAAQS) para sa particulate, ozone, carbon monoxide, nitrogen dioxide, at sulfur dioxide.

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng mga pamantayan ng emisyon para sa tingga.

Ang mga county ng Napa, Solano, at Sonoma ay naging mga aktibong miyembro ng Distrito ng Hangin.

Ang Distrito ng Hangin ay gumawa ng malaking pagbabago sa Regulasyon 2, hinigpitan ang mga pamantayan sa emisyon para sa mga particulate at sulfur dioxide.

Ang ARB ay nagpatibay ng unang pamantayan sa emisyon ng mga nitrogen oxide para sa mga awto sa bansa.

1972

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng unang di-ispesipikong regulasyon sa amoy sa bansa.

Ang sistema ng permiso ng Distrito ng Hangin ay inaprobahan ng Lupon ng mga Direktor

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng tatlong-yugtong plano sa episode para sa mga araw na mataas ang pagpaparumi sa hangin.

Ang "smog phone" para sa mga pagbasa ng kalidad ng hangin ay ipinakilala.

Ang isang carpool lane ay ipinagkaloob sa Bay Bridge.

1973

Ang lehislatura ng California ay nag-awtorisa sa Distrito ng Hangin na humingi ng mga parusang sibil at pangkrimen para sa mga paglabag sa anumang tuntunin o regulasyon.

1974

Ang unang programang pagbawi na kaugnay ng singaw ng gasolina sa California ay pinagtibay ng Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.

1975

Ang unang pinagsamang panrehiyong modelo sa ozone ng kalidad ng hangin sa bansa ay kinumpleto ng Distrito ng Hangin, kasama ng Lawrence Livermore Laboratories at NASA-Ames Research Center.

Ang mga limitasyon ng Bay Area sa mga nitrogen oxide ay nagkabisa.

Ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng paggamit ng isang bagong sistema ng mga komunikasyon sa radyo, na may kaugnayan sa dalawang transmitter at isang computer linkup, pinabilis ang paghahatid ng mga reklamong pagpaparumi sa hangin sa mga inspektor sa larangan ng imbestigasyon

Sinimulan ng Distrito ng Hangin noong 1975 sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang bagong sistema ng komunikasyon sa radyo gamit ang dalawang transmittter at isang computer linkup, pinabilis ang paghahatid ng mga reklamo sa pagpaparumi sa hangin sa mga inspektor sa larangan para sa imbestigasyon. Ito rin ang taon na ang Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California ay nagpatibay ng mga bagong pamantayan sa emisyon para sa 1977 na modelong mga awto at 1978 na modelong mga motorsiklo.

Ang Dekadang Pangkapaligiran ay Nagpatuloy

Habang ang isang magsasaka ng mani at dating Gobernador ng Georgia ay nahihirapang kumuha ng atensiyon biang kapani-paniwalang kandidato sa pagka-presidente noong 1976, ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng isang landmark na regulasyon sa amoy na nagtatag ng mga pamantayan sa emisyon na batay sa mga hangganan ng amoy ng mga bagay na kemikal na makikilala.

Ang mga inspektor ng Distrito ng Tubig ay nakikipag-ugnayan sa mga punong-tanggapan ng Distrito, gamit ang isang bagong sistema ng paghahatid sa radyo na ipinatupad noong 1975 upang pabilisin ang imbestigasyon ng mga reklamo.

Noong 1977, ang mga Susog sa pambansang Batas sa Malinis na Hangin ay pinagtibay, na malalaki ang epekto sa mga distrito ng hangin sa buong bansa. Sa taon ding iyon, ang Distrito ng Tubig ay nagsimula ng mga talakayan tungkol sa hubog at posibilidad ng isang tuntunin sa pambawi sa mga emisyon para sa palitan ng mga kredito sa pang-industriyang pagpaparumi.

Ang mga epekto ng pagpaparumi sa hangin sa bisibilidad ay malinaw sa mga litratong ito na kinunan mula sa San Twin Peaks ng San Francisco noong 1976.

1978 ay isang taon ng transisyon para sa Distrito ng Hangin. Ang pagbabatas ng estado ay nagbago sa pangalan ng Distrito ng Hangin mula sa "Distrito ng Pagkontrol sa Pagpaparumi sa Hangin ng Bay Area" patungo sa "Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area," ang walang-bayad ng linya ng reklamo ng Distrito ng Hangin (1-800-334-ODOR) ay nagsimulang tumakbo, at si Milton Feldstein ay piniling Opisyal sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin. Siya ay manunungkulan sa simula ng susunod na taon, magsisimula ng isang natatanging 17-taong taning bilang puno ng ahensiya.

Noong 1979, si Opisyal ng Pagkontrol sa Pagpaparumi sa Hangin (Air Pollution Control Officer, APCO) Milt Feldstein ay nagsimula ng isang mahaba at mabungang taning bilang puno ng Distrito ng Hangin. Siya ay 38 taong nagtrabaho bilang isang empleyado ng ahensiya, naglingkod bilang APCO hanggang 1996. Ang gusali ng San Francisco na kinalalagyan ng mga opisina ng Distrito ng Hangin ay ipinangalan sa kanya noong 1998.

Noong 1979, ang Indeks ng mga Pamantayan sa Tagapagparumi (sinundan ng Indeks ng Kalidad ng Hangin, o AQI) ay ipinasok ng EPA upang bigyan ang publiko ng madaling maintindihang impormasyon tungkol sa mga pagbasa sa kalidad ng hangin; at ang regulasyon ng Bagong Pagsusuri ng Pinanggagalingan ng Distrito ng Hangin para sa mga nakapirming pinanggagalingan ng mga emisyon ay pinagtibay, nagpahintulot sa mga pasilidad na "magbangko" ng mga kredito sa mga emisyon.

Habang nagsasara ang "dekadang pangkapaligiran," ang Distrito ng Hangin ay nagsimulang maghanda para sa mga hamon ng mabilis na panrehiyong pagdami ng populasyon, at ng kasamang pagtaas sa bilang ng mga awto at milyang nilalakbay sa mga daan ng Bay Area.

1975

Ang unang pinagsamang panrehiyong modelo sa ozone ng kalidad ng hangin sa bansa ay kinumpleto ng Distrito ng Hangin, kasama ng Lawrence Livermore Laboratories at NASA-Ames Research Center.

Ang mga limitasyon ng Bay Area sa mga nitrogen oxide ay nagkabisa.

Ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng paggamit ng isang bagong sistema ng mga komunikasyon sa radyo, na may kaugnayan sa dalawang transmitter at isang computer linkup, pinabilis ang paghahatid ng mga reklamong pagpaparumi sa hangin sa mga inspektor sa larangan ng imbestigasyon.

1976

Nililimitahan ng ARB ang tingga sa gasolina sa California.

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng unang mga iniaatas sa taunang pagpapanibago ng bisa ng permiso. Ang mga tagapagpatakbo ng pasilidad ay dapat magkaloob sa Distrito ng Hangin ng mga taunang pagsasapanahon ng partikular na mga parametro ng emisyon para sa kanilang mga ipinahihintulot na pagpapatakbo.

1977

Ang mga pagbabago sa Batas sa Malinis na Hangin ay pinagtibay ng Kongreso ng U.S.

1978

Ang pangalan ng Distrito ng Hangin ay pinalitan ng Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area.

1979

Ang regulasyon ng Pagsusuri ng Bagong Pinanggagalingan ay pinagtibay, nagpahintulot ng isang sistema ng pagbabangko ng mga emisyon.

Ang Dibisyon sa Pagpaplano ng Distrito ng Hangin ay nilikha sa panahon ng muling pag-oorganisa ng istruktura sa pagpapatakbo ng Distrito.

Ang mga regulasyon ng Distrito ng Hangin ay pinalitan ng kodigo upang mas madaling gamitin.

1980

Inihayag ng Distrito ng Hangin ang mungkahi nito para sa Inspeksiyon at Pagpapanatili o programang "Pagsusuri para sa Ulap-Usok" ng mga awto, na sa huli ay binago at pinirmahan upang maging batas.

Inihayag ng Distrito ng Hangin ang mungkahi nito para sa isang batas na “pagsusuri para sa ulap-usok” ng mga awto. Noong 1984 ang programa ay nagkabisa, nag-atas ng kada dalawang taon na mga pagsusuri ng mga sasakyang de-motor para sa ulap-usok na bumubuo ng mga timplada at pampublikong edukasyon upang ipaliwanag ang pangangailangan ng programa.

Nakagawa ng Progreso sa Kalidad ng Hangin ang Bay Area

Sa pagpasok ng 1980 at pagbibigay ni Ronald Reagan na pangako na "umaga sa Amerika," ang isang bagong araw ay nagsisimula rin para sa kalidad ng hangin sa Bay Area. Ang mga kalabisan sa ozone ay nagsimulang mangyari sa mas maiikling panahon at mas nakakasabay ng partikular ng mga takbo ng panahon.

Ang mga kalabisan ay nagsimula noong Pebrero ng mga taon ng 1960, pero noong mga taon ng 1970 nangyari ang mga ito nang hindi mas maaga kaysa Abril. Noong 1980, walang mga exceedance ng pederal na pamantayan sa ozone hanggang Mayo.

Ang programang "Pagsusuri para sa Ulap-Usok" ng estado ay nagkabisa noong 1984. Batay sa isang batas na iminungkahi ng Distrito ng Hangin, ito ay nag-atas na ang mga sasakyang de-motor ay suriin para sa bumubuo ng ulap-usok na mga gas bawat dalawang taon.

Habang nagsisimula ang mga taon ng 1980, ang posibilidad ng isang programang Inspeksiyon at Pagpapanatili para sa mga awto ay mainit na paksa sa Bay Area, habang ang Distrito ng Hangin ay naglalagay ng mungkahi nito para sa isang programang "Pagsusuri para sa Ulap-Usok." Sa huli ay pipirmahan ni Gobernador Jerry Brown ang isang binagong bersiyon ng batas sa Inspeksiyon at Pagpapanatili na iminungkahi ng Distrito ng Hangin, na mag-aatas ng mga pagsusuri ng ulap-usok tuwing dalawang taon at magkakabisa sa 1984.

Noong 1981, ang Mt. St. Helens ay pumutok at naglabas ng pinakamataas na antas ng pagpaparumi ng particulate na naitala--3,334/m3 sa isang 24-na-oras na average--sa lugar ng Portland, Oregon. Sa kaparehong taon, ang mga parusang sibil para sa mga paglabag sa mga regulasyon ng Distrito ng Hangin ay dinoble ng pagbabatas.

Noong 1980, sa unang pagkakataon, ang mga episode ng ulap-usok sa Bay Area ay hindi nagsimula hanggang Mayo. At noong 1985, sa kauna-unahang pagkakataon, walang mga exceedance ng pederal na pamantayan sa ozone sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.

Sa panahong ito, ang Plano sa Pamamahala ng Kalidad ng Hangin sa 1982 ng Distrito ng Hangin ay pinagtibay, itinatag ang estratehiya sa pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin ng Bay Area para sa susunod na limang taon. At ang Lehislatura ng California ay nagpasa ng Batas na Tanner, tinutugunan ang mga nakalalasong pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin at nagtatatag ng programa sa pagkontrol ng nakalalasong nagkokontamina sa hangin.

Noong 1983, ang isa pang pangunahing regulasyon ay pinagtibay, nang ang Distrito ng Hangin ay magpasa ng unang tuntunin sa pagpaparumi sa hangin sa bansa para sa pagmanupaktura ng semiconductor.

Noong Setyembre 1983, naabot ng Bay Area ang hangganan para sa unang yugto ng "Alerto sa Ulap-Usok," iisang-oras na average na pagbasa ng O.2 na mga bahagi kada milyon ng ozone. Habang ang mga Alerto sa Ulap-Usok ay pangkaraniwan noong mga 1970, ito ang magiging huling pagkakataon na inisyu ang Alerto sa Ulap-Usok sa Bay Area.

Bilang bahagi ng pag-aaral sa carbon monoxide (CO), ang mga tauhan ng Distrito ng Hangin ay naglakip ng isang sampol ng CO sa isang lobo ng panahon upang sukatin ang patayong pamamahagi.

Habang ang mga programang pangkapaligiran ay sumailalim sa mas malapit na pagsusuri sa Washington, D.C, sa unang kalahati ng mga 80, kung kailan ang pangasiwaan ni Reagan ay nagbabanta ng mga pagbawas sa badyet ng EPA, ang huling kalahati ng dekada ay makakakita ng ilang landmark na mga aksiyon na galing sa lehislatura ng estado sa Sacramento.

1980

Inihayag ng Distrito ng Hangin ang mungkahi nito para sa programang "Pagsusuri para sa Ulap-Usok" ng mga awto, na sa huli ay binago at pinirmahan upang maging batas.

1981

Ang inisponsor-ng-Distrito ng Hangin na panukalang-batas na nagdodoble sa mga parusang sibil para sa mga paglabag sa pagpaparumi sa hangin ay pinagtibay ng lehislatura ng California.

1982

Ang lehislatura ng California ay nagpatibay ng isang Programa sa Inspeksiyon at Pagpapanatili (Pagsususuri para sa Ulap-Usok) ng awto.

Ang isang malaking pagsasapanahon sa Plano sa Pamamahala ng Kalidad ng Hangin ng Distrito ng Hangin ay pinagtibay, itinatag ang estratehiya sa pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin ng Bay Area para sa susunod na limang taon.

1983

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng mga unang pagkontrol sa bansa sa pagmanupaktura ng semiconductor.

At ang Lehislatura ng California ay nagpasa ng Batas na Tanner, nagtatatag ng programa sa pagkontrol ng nakalalasong nagkokontamina sa hangin.

1984

Ang Distrito ng Hangin ay nag-instala ng sistema ng telemetry ng kalidad ng hangin para sa pagkuha at pagtitipon ng mga datos mula sa mga istasyon ng pagsubaybay sa hangin.

Ang unang programa sa Pagsusuri para sa Ulap-Usok ay nagkabisa sa California, nag-aatas na ang mga sasakyang de-motor ay suriin tuwing dalawang taon para sa lahat ng mga emisyon at pagsira na nagpaparumi sa hangin.

1985

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 20 taon ng mga rekord, walang mga exceedance ng pederal na pamantayan sa ozone sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.

Ang pagsubaybay sa mga nakapaligid na nakalalason ay nagsimula sa limang lugar gamit ang kagamitang ipinagkaloob ng ARB at pinatatakbo ng Distrito ng Hangin.

Ang Lupon ay nagpatibay ng isang sampung-puntong programa upang bawasan ang mga nakakalason sa hangin, ang pinakamasaklaw sa bansa. Noong 1985, ang pagsubaybay ng mga nakalalason sa hangin ay nagsimula sa limang lugar sa Bay Area, nagdoble sa sampung lugar sa sumunod na taon.

Isang Landmark na Panahon para sa Kalidad ng Hangin sa California

Ang huling kalahati ng mga 1980 ay isang panahon ng malaking kaguluhan:  mula sa mga kalamidad na pangkapaligiran tulad ng nukleyar na pagkatunaw sa Chernobyl at ang pagbagsak ng Exxon Valdez sa Alaska, hanggang sa seismikong naganap na pampulitika tulad ng pagbagsak ng Berlin Wall at ang mga protesta ng estudyante sa Tiananmen Square ng China.

Sa mga huling bahagi ng mga 80, ang Bay Area ay nakaranas ng sariling seismikong pag-alog - nang literal - sa anyo ng lindol na Loma Prieta. Pero pagkaraang mawala ang mga alikabok, ito ay isang panahon kung saan ang malaking progreso ay ginawa sa ngalan ng kapaligiran.

Ipinakita ng mga tauhan ng Distrito ng Hangin ang kagamitang ginagamit upang sukatin ang mga nakakalason sa hangin sa istasyon ng pagsubaybay sa San Rafael. Noong 1985, ang pagsubaybay ng nakalalasong mga pamparumi sa hangin sa nakapaligid na hangin ay nagsimula sa limang lugar sa Bay Area, gamit ang kagamitang ipinagkaloob ng Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California at pinatatakbo ng Distrito ng Hangin.

Sa partikular 1988 ang magandang taon para sa kalidad ng hangin sa California, sa pagpapatibay ng Batas sa Malinis na Hangin ng California, na nagtatag ng mga ispesipikong iniaatas para sa pagkakamit ng mas mahigpit na mga pamantayan ng estado sa kalidad ng hangin. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga hakbang sa pagkontrol ng transportasyon sa ilalim ng saklaw ng Distrito ng Hangin, at mga iniaatas para sa mga sasakyang gumagamit ng alternatibong gatong ay inisa-isa. Ang mga parusang sibil at pangkrimen para sa mga paglabag sa kalidad ng hangin ay binago patungo sa pinakamataas na $25,000 kada araw. 

Noong 1985, ang gasolinang may tingga ay opisyal na ipinagbawal sa buong Estados Unidos. Sa isa sa malalaking istorya ng tagumpay sa kalidad ng hangin, ang mga konsentrasyon ng tingga sa hangin ay bumaba ng hanggang 99 na porsiyento, sa mga antas na talagang hindi matutuklasan ng pangkaraniwang kagamitan sa pagsubaybay.

Ang programang Pagsusuri para sa Ulap-Usok ay nagdiwang ng unang anibersaryo nito noong 1985, na may mga unang datos na nagpapakita ng 17 porsiyentong pagbawas sa mga emisyon ng tambutso. Sa mga sasakyang sinuri sa unang taon ng programa, 72 porsiyento ang pumasa sa pagsusuri sa unang pagkakataon.

Noong 1986 ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng pinakamasaklaw ng plano sa pagbawas sa nakalalason sa hangin sa bansa at inaprobahan ang pagtatatag ng isang panloob na seksiyon sa pagtaya ng nakalalason upang magsimula sa susunod na taon ng pananalapi.

Ang mga tauhan mula sa seksiyon ng meteorolohiya ng Distrito ng Hangin ay nagsuri ng mga datos sa isang istasyon ng panahon sa Petaluma. Sa kalagitnaan ng mga 1980, ang Distrito ng Hangin ay nagtayo ng isang bagong network ng pagtitipon ng mga datos ng panahon na binuo partikular para sa hula sa kalidad ng hangin at mga pangangailangan sa pagmomodelo.

Ang Distrito ng Hangin ay nakatipon ng mas marami pang una noong 1989, sa pagpapatibay ng mga landmark na tuntunin na kumokontrol ng mga emisyon mula sa mga pandagat na pagkakarga na mga pagpapatakbo at mula sa malalaking pangkomersiyong panaderya. Ito rin ang taon na ang pampublikong transportasyon, sa isang panahon, ay hindi gaanong isang opsiyon at kundi isang pangangailangan, dahil ang Bay Bridge ay sarado sa isang buwan pagkaraan ng lindol na Loma Prieta.

At noong 1989 ang isang rekord sa kababaan na apat na araw lamang sa pambansang pamantayan sa kalidad ng hangin para sa ozone ay naitala - nagsimula ng isang takbo na sa huli ay hahantong sa isang pagbabago sa pederal na kalagayan sa pagtatamo na kaugnay ng ozone sa Bay Area.

1985

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 20 taon ng mga rekord, walang mga exceedance ng pederal na pamantayan sa ozone sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.

Ang pagsubaybay sa mga nakapaligid na nakalalason ay nagsimula sa limang lugar gamit ang kagamitang ipinagkaloob ng ARB at pinatatakbo ng Distrito ng Hangin.

1986

Ang sampung-puntong programa ng Bay Area upang bawasan ang nakakalason, ang pinakamasaklaw na plano sa pagbawas ng nakalalason sa hangin sa bansa, ay pinagtibay ng Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.

Ang network sa pagsubaybay sa nakalalason ng Bay Area ay nagdoble patungo sa 10 istasyon.

1987

Ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay nagrekomenda ng ordinansa sa pamamahala ng mga sistema ng transportasyon ng Contra Costa County bilang isang modelo para sa paghimok ng mga desisyon sa paggamit ng lupa na pinaliliit hanggang maaari ang paggamit ng awto na iisa ang pasahero.

Ang estado ng California ay nagpasa ng Panukalang-batas ng Asembleya 2588, ang Batas sa Impormasyon at Pagtasa ng "Matitinding Lugar" ng Nakalalason sa Hangin. Ang mga kompanya sa buong estado ay inaatasang magbigay ng impormasyon sa publiko tungkol sa mga epekto sa kalusugan ng kanilang mga nakalalasong emisyon. Ang Distrito ng Hangin ay gumagamit ng impormasyong ito upang asintahin ang partikular ng mga kategorya ng pinanggagalingan na nakalalason para sa regulasyon.

1988

Ang Batas sa Malinis na Hangin ng California ay pinagtibay ng lehislatura ng estado. Ang batas na ito ay nagtatag ng mga ispesipikong iniaatas para sa pagkakamit ng mga pamantayan sa kalidad ng hangin ng California, na mas mahigpit kaysa mga pederal na pamantayan. Ang mga iniaatas na ito ay kabilang ang mga hakbang sa pangkontrol ng transportasyon at mga iniaatas para sa gumagamit ng alternatibong-gatong na mga sasakyan. Ito ay nagbabago rin sa iskedyul ng parusang sibil at pangkrimen para sa mga paglabag sa pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin, na may bagong pinakamataas na multa na $25,000 kada araw.

1989

Ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng mga unang regulasyon sa bansa na naglilimita sa mga organikong emisyon mula sa malalaking pangkomersiyong panaderya at pagkakarga at pagbaba ng karga ng sasakyang-dagat.

1990

Ang Kongreso ng U.S. ay nagpasa ng mga Susog sa pederal na Batas sa Malinis na Hangin, na kabilang ang mga estratehiya sa pagkontrol para sa mga nakalalasong substansiya at para sa pamparumi na nagdudulot ng pandaigdig na pag-init, asidong ulan, at pagkaubos ng ozone. Ang mga pagbabago ay lumilikha rin ng isang pambansang programa sa mga permiso para sa malalaking pasilidad sa emisyon, kilala bilang Titulo V.

Ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng kauna-unahang tuntunin sa bansa na naglilimita sa mga emisyon mula sa mga produktong aerosol spray.

Ang programang Iligtas ang Hangin ay nagsimula noong 1991 upang edukahan ang mga residente ng Bay Area tungkol sa mga dahilan ng pagpaparumi sa hangin – lalo na ang pagmamaneho – at mga alternatibo sa pagmamaneho nang nag-iisa. Ang Iligtas ang Hangin ay nagbibigay rin ng babala sa mga residente kapag ang hindi malusog na mga antas ng pagpaparumi sa hangin ay inaasahan.

Pag-ani ng mga Bunga ng Ating Pagtatrabaho

Sa pagsisimula ng huling dekada ng siglo, ang Germany ay muling nag-isa at ang Soviet Union ay nalansag, si Margaret Thatcher ay nagbitiw at si Bill Clinton ay nahalal, at si Nelson Mandela ay ginawaran ng Nobel Peace Prize pagkatapos gumugol ng halos 30 taon sa bilangguan.

Ito ay isa ring mahalagang panahon para sa Distrito ng Hangin, na nagsimula ng ilan sa pinakamalayo ang nararating na mga programa sa isang panahon na ang "Iligtas ang Hangin" ay naging kilalang prase sa mga bahay sa Bay Area. 

Ang programang Iligtas ang Hangin ay nagsimula noong 1991 upang edukahan ang mga residente ng Bay Area tungkol sa mga dahilan ng pagpaparumi sa hangin, at upang himukin sila na humanap ng mga alternatibo sa pagmamaneho. Ang mga hula ng Iligtas ang Hangin ay nagbibigay rin ng babala sa mga residente kapag ang hindi malusog na mga antas ng pagpaparumi sa hangin ay inaasahan.

Noong Hunyo 1995, sa unang pagkakataon, ang Bay Area ay opisyal na muling naklasipika ng pederal ng gobyerno bilang isang lugar ng pagtatamo para sa pambansang pamantayan sa ozone. Bagaman ang rehiyon sa madaling panahon ay hindi na naman makakapasok sa pagtatamo, ang pagtatalagang ito ay hindi maiiisip noong mga ilang taong nakalipas at nagpapakita ng malinaw na katunayan na ang progreso ay nagawa sa pagpapabuti sa kalidad ng hangin para sa mga residente ng Bay Area.

Noong 1990, ang isang landmark na grupo ng mga susog sa pederal na Batas sa Malinis na Hangin ay pinagtibay ng pederal na gobyerno, lumikha kasama ng ibang mga bagay ng programang permiso na Titulo V para sa mga pangunahing pasilidad, na may mga panuntunan para sa pagpapatupad ng mga lokal na ahensiya sa kalidad ng hangin. Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng unang Programamg Titulo V sa bansa, at naghawan din ng landas sa pamamagitan ng kauna-unahang regulasyon na naglilimita sa mga emisyon mula sa mga produktong aerosol spray.

Ang Pondo sa Transportasyon para sa Programang Malinis na Hangin ay sinimulan sa pamamagitan ng Panukalang-batas ng Asembleya 434 ng Estado. Ang panukalang-batas na ito ay nag-awtorisa sa mga lokal na Distrito ng Hangin na gumamit ng isang apat-na-dolyar na dagdag na singil sa mga fee sa pagpaparehistro sa Kagawaran ng Sasakyang De-motor upang pondohan ang pagpapagaan sa trapiko, alternatibong transportasyon, at mga proyekto sa malinis na gatong para sa mga lokal na ahensiya ng gobyerno.

Gaya ng iniaatas ng Batas ng 1988 sa Malinis na Hangin ng California, ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng unang Plano sa Malinis na Hangin nito noong Oktubre 1991. Ang planong ito, na isinapanahon noong 1994, ay magiging balangkas ng rehiyon para sa pagkakamit at pagpapanatili ng mga pamantayan sa ozone at carbon monoxide ng estado, at isinama ang maraming hakbang para sa industriya, mga tagapag-empleyo, mga pampublikong ahensiya, at mga indibidwal.

Habang ang mga programa ng Distrito ng Hangin ay nagiging dahilan upang ang mga emisyon ng nakapirming pinanggagalingan ay bumaba, ang mga emisyon ng sasakyang de-motor ay nanguna bilang pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin sa Bay Area. May limitadong awtoridad na kontrolin ang paggamit ng mga awto, ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng isang malakas na kampanya sa pakikipag-ugnayan upang edukahan ang publiko tungkol sa mga epekto ng trapiko sa kalidad ng hangin.

Itong programang pakikipag-ugnayan na kaugnay ng hangin ay sinimulan noong Hunyo 1991 upang tumulong na bawasan ang mga antas ng ulap-usok sa tag-init. Sa sumunod na taon, ang mga tagapag-empleyo sa Bay Area ay pinalahok sa kampanyang Iligtas ang Hangin sa pamamagitan ng paghimok sa kanilang mga empleyado na humanap ng panghaliling mga opsiyon sa pagbibiyahe. Ang mga pangkat ng tagatulong sa county ay itinatag din upang magtrabaho para sa mga lokal na isyu sa kalidad ng hangin.

Noong 1992, ang Distrito ng Hangin ay naglatag ng Programa sa mga Umuusok na Sasakyan. nagkaloob sa mga residente ng isang linya ng telepono na 1-800-EXHAUST upang itawag ang mga reklamo tungkol sa mga awto na may sobrang emisyon ng tambutso.

Sa taglamig ng 1991, ang Distrito ng Hangin ay naglunsad ng boluntaryong programang Huwag Mag-ilaw Ngayong Gabi (na naging Iligtas ang Hangin Ngayong Gabi), inasinta ang isa sa pinakamalaking particulate na pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin sa taglamig:  mga kalan at fireplace na nagsusunog ng kahoy.

Noong Agosto 1991, ang Programang Matitinding Lugar ng Nakalalason ay nasimulan, na may hangaring bawasan ang mga nakalalasong emisyon sa Bay Area ng 50 porsiyento - isang hangarin na, sa katotohanan, ay makakamit bago lumampas ang 1993.

1990

Ang Kongreso ng U.S. ay nagpasa ng mga susog sa pederal na Batas sa Malinis na Hangin ng 1990, na kabilang ang mga estratehiya sa pagkontrol para sa mga nakalalasong substansiya at para sa pamparumi na nagdudulot ng pandaigdig na pag-init, asidong ulan, at pagkaubos ng ozone. Ang mga susog na ito ay lilikha rin ng isang pambansang programa sa permiso para sa mga pangunahing pasilidad sa emisyon, na ipatutupad ng mga lokal na distrito ng hangin.

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng unang tuntunin sa bansa na naglilimita sa mga emisyon mula sa mga produktong aerosol spray.

1991

Ang Plano ng 1991 ng Bay Area para sa Malinis na Hangin ay ang unang ipinag-uutos ng estado na plano sa pagbawas na kaugnay ng ozone na pinagtibay sa California, at kabilang ang lahat ng mga posibleng hakbang upang bawasan ang ozone sa Bay Area.

Ang "Iligtas ang Hangin" at "Huwag Mag-ilaw Ngayong Gabi" (sa huli ay naging "Iligtas ang Hangin Ngayong Gabi") na mga programa ay inilunsad, naglalayong boluntaryong bawasan ang mga nagpaparuming aktibidad ng mga indibidwal.

Ang Panukalang-batas ng Asembleya 434 ay pinirmahan upang maging batas, nag-awtorisa sa Distrito ng Hangin na gumamit ng $4 na dagdag na singil sa fee sa Kagawaran ng Sasakyang De-motor upang pondohan ang mga proyektong transportasyon para sa malinis na hangin.

Ang Kongreso ng U.S. ay nagpasa ng Batas Pagiging Episyente ng Intermodal na Pang-ibabaw na Transportasyon, na naglalaan ng mga pondo ng transportasyon sa mga proyektong nagkakaloob ng pinakamahusay na pakinabang batay sa mobilidad, kalidad ng hangin, panlunsod at panrehiyong disenyo, at pagpapaunlad na pangkabuhayan. Ang batas na ito ay nagpasinaya rin sa Programang Pagpapagaan ng Pagsisikip at Kalidad ng Hangin (CMAQ), na nagkakaloob ng mga pondo para sa mga lokal na ahensiya tulad ng Distrito ng Hangin upang gamitin para sa mga proyekto sa kalidad ng hangin na idinisenyo upang bawasan ang mga emisyon ng sasakyan.

1992

Ang Programa sa Umuusok na Sasakyan sa Bay Area ay sinimulan sa pamamagitan ng isang walang-bayad na 1-800-EXHAUST na numero para sa mga residente upang iulat ang mga sasakyan na may sobrang mga emisyon sa tambutso.

Ang Distrito ng Hangin ay naglunsad ng Mga Gawad sa mga Kampeon ng Malinis na Hangin, pinarangalan ang mga indibidwal ng Bay Area para sa kanilang mga pagsisikap sa ngalan ng kalidad ng hangin.

Ang programa sa oxygenated ng mga gatong ng California ay sinimulan, naglalayong bawasan ang mga antas ng carbon monoxide.

Ang estado ng California ay nagpasa ng pagbabatas na nag-aawtorisa ng isang $50,000 kada araw na pinakamataas na multa para sa mga paglabag na kaugnay ng kalidad ng hangin.

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng pinakamahigpit na tuntunin sa takas na mga emisyon sa bansa, upang higit na bawasan ang pabagu-bagong organikong mga emisyon at mga reklamo sa amoy.

Ang Pondo ng Transportasyon para sa Malinis na Hangin ay inawtorisa ng AB 434, inaprobahan noong 1991. Ang mga pondong nalikha ng dagdag na singil ng estado sa mga fee sa pagpaparehistro ng awto ay ginagamit ng Distrito ng Hangin upang magbigay ng mga gawad sa mga pampublikong proyekto na idinisenyo upang bawasan ang mga emisyon mula sa mga sasakyang de-motor.

Ang Programang Tulong sa Pagsunod ng Distrito ng Hangin ay itinatag upang tulungan ang maliliit na negosyo sa kanilang mga pangangailangan sa pagsunod. Ang programa ay nagtatampok ng isang nakahandang linya sa pagsunod, mga handog ng pagbisita sa lugar, mga paaralan ng pagsunod ng industriya, at nakalimbag na mga materyal para sa impormasyon.

1993

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng unang programa sa permiso na Titulo V sa bansa para sa malalaking pasilidad, bilang pagsunod sa mga Susog sa Batas sa Malinis na Hangin ng 1990.

1994

Ang Bay Area ay tumutugon sa lahat ng anim na pederal na pamantayan sa pamantayang pamparumi sa unang pagkakataon. Ang rehiyon ay nagtala rin ng pinakamababang bilang ng mga araw sa mga pamantayan sa ozone, carbon monoxide, at particulate na bagay ng estado sa nakatalang kasaysayan.

Ang Plano sa Malinis na Hangin ng 1994 ay pinagtibay.

1995

Ang Bay Area ay itinalaga ng EPA bilang isang lugar ng pagtatamo para sa pambansang pamantayan sa ozone, naging pinakamalaking lugar na metropolitan sa bansa na nakatupad ng hangaring ito.

Ang Bay Area ay nakakaranas ng pinakamasamang kalidad ng hangin sa isang dekada, may 11 exceedance sa pambansang pamantayan sa ozone, at 29 exceedance sa pang-estadong pamantayan sa ozone.

Ang Programang Muling Pagbili ng Sasakyan ay nagsimula noong 1996 na nagbibigay sa mga residente ng Bay Area ng pagkakataon upang boluntaryong “iretiro” ang mas luma, mas malakas magparumi na mga sasakyan bilang kapalit ng mga insentibong pera. Ang mga kotse ay winawasak at nireresaykel.

Mga Pagtaas at Pagbaba sa Kalidad ng Hangin

Sa nakalipas na limang taon ng ika-20 siglo, habang si Presidente Clinton ay humaharap sa mga pamamaraan sa pag-aalis sa katungkulan habang ang kanyang marka ng pag-aproba ay umabot sa pinakamataas, ang Bay Area ay nakaranas ng sariling nakakalitong pagbabago ng kapalaran - pederal na katayuan sa pagtatamo na kaugnay ng ozone.

Noong 1996, ang Distrito ng Hangin ay nagpasimula ng Programang Muling Pagbili ng Sasakyan, nagbibigay sa mga residente ng Bay Area ng pagkakataon upang boluntaryong “iretiro” ang mas luma, mas malakas magparumi na mga sasakyan bilang kapalit ng mga insentibong pera. Ang mga kotse ay winawasak at nireresaykel.

Ang 1995 ay nagdala ng pinakamasamang kalidad ng hangin sa isang dekada, gayon din ng - may sapat na kabalintunaan - pagbabago ng designasyon ng pederal na gobyerno bilang isang lugar ng pagtatamo para sa pamantayan sa ozone, batay sa mga pagsukat para sa naunang tatlong taon. Itong katayuan sa pagtatamo para sa ozone ay pinawalang-bisa noong 1998 - balintuna muli - isang taon lamang pagkatapos makaranas ang Bay Area ng pinakamalinis na tag-init sa rekord.

Sa panahong ito, ang pambansang pamantayan sa ozone ay naging inaasinta sa paglipat, habang ang EPA ay nagpapalaganap ng isang bagong pamantayan sa ozone, batay sa mas matagal, mas nagpoprotekta sa kalusugan na walong-oras na panahon ng pagkuha ng average. Gayunman, ang bagong pamantayang ito ay humarap sa mga hamong pambatas, at napigilan sa ilang mga taon hanggang magpasiya sa huli ang Korte Suprema na pabor sa EPA - na may resulta na ang parehong pambansang pamantayan para sa ozone ay mananatiling may puwersa matagal na panahon pagkaraan ng pagpapalit ng siglo.

Noong 1997, ang Programang Muling Pagbili ng Lawn Mower ng Distrito ng Hangin ay nag-alok sa mga residente ng mga pagsasauli ng pera para sa pagsusuko ng hindi episyente, malakas magparumi na pinatatakbo ng gas na mga pantabas ng damo at palitan ang mga ito ng mga pinatatakbo ng kuryente. Ang mga lumang pantabas ng damo ay tinipon at ginawang scrap.

Noong 1999, ang Plano sa Pagtatamo na Kaugnay ng Ozone ng Distrito ng Hangin ay pinagtibay, gaya ng iniaatas ng EPA pagkatapos mawalan ang Bay Area ng katayuan sa pagtatamo para sa ozone. Gayunman, sa unang pagkakataon noong 1988 ang pederal na gobyerno ay nagtalaga sa Bay Area na nagtamo ng pamantayan sa carbon monoxide, isang designasyon na patuloy na pinangangalagaan ng Distrito ng Hangin.

Sa panahong ito, ang Distrito ng Hangin ay nagsimulang mag-isyu ng mga permiso sa Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad sa ilalim ng pederal na Programang Titulo V, sa halos 100 pasilidad na ang mga antas ng emisyon ay naglalagay sa kanila sa ilalim ng saklaw ng programa.

Ang Ordinansang Modelong Usok ng Kahoy ng Distrito ng Hangin ay inaprobahan ng Lupon noong 1998, nagkakaloob sa mga lungsod at county ng patnubay sa pagkontrol sa mga instalasyon ng mga kalan at fireplace na ginagamitan ng kahoy.

Noong 2000, ang Distrito ng Hangin ay lumahok sa ambisyosong Pag-aaral ng Ozone sa Gitnang California, idinisenyo upang sukatin at suriin ang epekto ng mga takbo ng paghahatid ng ozone sa malaking bahagi ng California.

At noong 1999, ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng isang grupo ng mga Panuntunan para sa Hustisyang Pangkapaligiran, naghanda para sa pinasiglang diin sa mga isyung pangkomunidad at sa mga lokal na epekto ng nakalalason at pagpaparumi ng particulate sa mga darating ng taon.

1995

Ang Bay Area ay muling itinalaga bilang isang lugar ng pagtatamo para sa pambansang pamantayan sa isang-oras na ozone.

Ang Bay Area ay nakaranas ng pinakamasamang kalidad ng hangin sa isang dekada, may 11 exceedance sa pambansang pamantayan sa ozone, at 29 exceedance sa pang-estadong pamantayan sa ozone.

1996

Ang "mas malinis na nasusunog" na gasolina ay ipinasok sa California, gaya ng iniaatas ng ARB. Ito ay humantong sa isang 1 porsiyento (40 tonelada kada araw) na pagbawas sa mga emisyon na bumubuo ng ulap-usok ng mga VOC. Ang mga antas ng Benzene ay bumaba ng higit sa 0 porsiyento.

Ang Pagtutulungan para sa Malinis na Hangin ng Bay Area (Bay Area Clean Air Partnership, BAYCAP) ay binuo, pinagsama ang mga kakayahan ng Konseho ng Bay Area, ng Silicon Valley Manufacturing Group, at ng Distrito ng Hangin. Ang misyon nito ay magtrabahong magkakasama upang pabutihin ang kalidad ng hangin sa pamamagitan ng mga boluntaryong pagsisikap.

Ang Distrito ng Hangin ay nagbukas ng website na Iligtas ang Hangin, nagkakaloob ng elektronikong mga hula sa kalidad ng hangin sa publiko, kasama ng ibang mga serbisyo.

Ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng Programang Muling Pagbili ng Sasakyan upang bumili at gawing scrap ang mga mas lumang modelo na mga awto, na naglalabas ng wala sa proporsiyon na dami ng pagpaparumi sa Bay Area. Ang programa ay nagsimula na 1975 ang taon ng pagtatapos, at nag-alok ng $500 sa isang sasakyan.

Ang isang binagong programang Pagsusuri para sa Ulap-Usok II ay ipinatupad sa California, nag-aatas sa karamihan ng mga sasakyan na mas malawak na suriin at kumpunihin, kung kailangan, sa mga lisensiyadong istasyon ng pagsusuri ng ulap-usok.

1997

Ang EPA ay nagpahayag ng bago, mas mahigpit na pambansang mga pamantayan sa kalidad ng nakapaligid na hangin para sa ozone at particulate na bagay. Ang bagong pamantayan sa ozone ay nakatakda sa pangkaraniwang konsentrasyon sa walong-oras na panahon, at ang mga pamantayan sa particulate ay nakatakda para sa bagong kategorya na PM2.5 o particulate na bagay na 2. micron sa sukat at mas maliit.

Ang Programang Muling Pagbili ng Lawn Mower ng Distrito ng Hangin ay nagsimula ng pagtutulungan ng PG&E at Ryobi Outdoor Products. Ang mga pagsasauli ng $75 ay iniaalok para sa mga walang-kable na mga mulching mower bilang kapalit ng pinatatakbo ng gas na mga pantabas ng damo, ginagawang scrap.

Ang website ng Distrito ng Tubig ay inilunsad.

Ang Plano sa Malinis na Hangin ng 1997 ay pinagtibay para sa Bay Area.

Ang tag-init ng 1997 ay ang pinakamalinis sa panahong iyon mula nang simulan ng Distrito ng Hangin ang pagsubaybay noong 1962. Walang mga exceedance ng pederal na isang-oras na pamantayan na naitala, at walong exceedance lamang ng pang-estadong pamantayan ang nasukat.

1998

Ang Distrito ng Hangin, sa pakikipagtulungan sa ilang lokal na distrito ng hangin ay nag-isponsor ng Programang Malaking Pagpapalit ng Kalan, nag-aalok ng mga pagsasauli ng ibinayad sa mga residenteng nagsusuko ng kanilang mga lumang kalan at mga fireplace insert para sa isang bago, mas malinis mag-apoy na modelo.

Muling itinalaga ng EPA ang Bay Area sa hindi pagtatamo para sa pederal na pamantayan sa isang-oras na ozone, bilang resulta ng mga kalabisan na nangyari noong 1995 at 1996.

Ang EPA ay opisyal na nagtalaga sa Bay Area na nagtamo ng pederal na pamantayan sa carbon monoxide. Habang ang pederal na mga exceedance ng CO ay pangkaraniwan, nakaroon ng 66 noong 1976, walang nangyari mula noong 1992.

Ang Lungsod at County ng San Francisco ay nagpatibay ng unang masaklaw na plano ng Bay Area sa paggamit ng nagpaparuming halamanan at kagamitan ng utilidad sa mga araw na Iligtas ang Hangin.

Ang Ordinansa sa Modelong Usok ng Kahoy ay inaprobahan ng Lupon ng mga Direktor Ang ordinansang ito ay batay sa ipinasa sa Petaluma noong 1992, at nagkokontrol ng instalasyon ng mga kasangkapan sa pagsunog ng kahoy sa mga bahay upang bawasan ang mga emisyon ng particulate na bagay (PM).

(1999

Ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng pagsubaybay sa PM2.5 sa ilang istasyon ng pagsubaybay sa Bay Area.

Ang Lupon ng mga Direktor ay nagpatibay ng Pumapatnubay na mga Prinsipyo ng Hustisyang Pangkapaligiranng Distrito ng Hangin na tumutukoy na walang bahagi ng populasyon sa Bay Area na dapat magtaglay ng hindi ayon sa proporsiyon na matataas na epekto sa kalusugan ng pagpaparumi sa hangin.

Ang Plano sa Pagtatamo na Kaugnay ng Ozone ng San Francisco Bay Area, idinisenyo upang ibalik ang Bay Area sa pagsunod sa mga pederal na pamantayan sa ozone, ay inaprobahan at ipinadala sa EPA.

Ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng pagkuha ng mga aplikasyon para sa mga gawad sa ilalim ng Programang Carl Moyer, na itinatag ng AB 1571. Ang pagpopondo ay nilalayon sa mga proyekto na nagbabawas ng PM ng diesel, kabllang ang pagbili ng bagong mas malinis na kagamitang diesel, ang pagpapatibay ng mas lumang mga makinang diesel na mga kagamitan sa pagkontrol ng emisyon, o ang pagpapalit ng mas lumang mga makinang diesel ng mga bagong mas mababa ang emisyon.

Ang Distrito ng Hangin ay nagsusog sa Regulasyon 2, Tuntunin 6, na nagpatupad ng pederal na programang Titulo V, upang isama ang isang serye ng mga pagsasapanahon at pagpapakinis sa programang pagbibigay permiso sa Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad.

2000

Ang Pag-aaral ng Ozone sa Gitnang California (Central California Ozone Study, CCOS) ay nagsimula. Ang Distrito ng Hangin ay lumahok sa ilang ibang mga ahensiya ng hangin sa pag-aaral na ito na idinisenyo upang pahusayin ang pagkaunawa ng pagbuo at masalimuot ng mga takbo ng paghahatid ng ozone sa hilaga at gitnang California.

Ang Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California ay nagpasa ng bagong pinahusay na mga Susog sa Pagbawi na Kaugnay ng Singaw upang ayusin ang mga pagkontrol sa ebaporasyon at pagligwak sa mga pagpapatakbo ng paglipat ng gasolina, mula sa trak ng paghahatid patungo sa tangkeng imbakan at mula sa bomba patungo sa tangke ng gas ng awto.

Ang estado ng California ay nagpasa ng pagbabatas na nagpapahintulot sa mga nagmamaneho ng mga elektrik na sasakyan na gumamit ng mga carpool lane.

Ang Distrito ng Hangin ay sumama sa ibang mga ahensiya at negosyo sa Bay Area, mga grupong pangkapaligiran, at kapantayang panlipunan upang itaguyod ang "matalinong paglaki" at lumikha ng mga komunidad na mas magandang manirahan. Ang una sa patuloy na serye ng pampublikong mga Workshop sa Matalinong Paglaki ay ginanap.

Ang Distrito ng Hangin ay tumugon sa panrehiyon at pangkomunidad na mga inaalala sa pagpaparumi ng punong partikulo sa mga singawan ng diesel.  Ang Programang CARE ay sinimulan.

Pinalawak ng Distrito ng Hangin ang Bisyon nito.

Ang unang limang taon ng ika-21 siglo ay habampanahong minarkahan ng trahedya ng Setyembre 11, 2011, at ang mga sumunod na digmaan sa Afghanistan at Iraq. Ito ay maaari ring magunita bilang isang panahon na nagpakita kung gaano ang kalidad ng hangin at paggamit ng enerhiya ay kaugnay ng mga isyu sa pambansang patakaran.

Sa Bay Area, na ang malaking progreso ay nagawa sa pagpapabuti ng pangkalahatang mga kalagayan sa kalidad ng hangin, ang Distrito ng Hangin ay nagtaas ng pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na komunidad sa rehiyon. Ang ang mga konsentrasyon ng ozone ay isang bahagi ng kalagayan nito ilang dekada na ang nakalipas, itinaas ng Distrito ng Hangin ang mga pagsisikap nito na tugunan ang malalaking problema sa pampublikong kalusugan na iniharap ng pagpaparumi ng particulate.

Noong 2004, si Tagapagpaganap na Opisyal ng Distrito ng Hangin Jack Broadbent ay nagsimula ng isang proyektong demonstrasyon sa Port of Oakland upang subukan ang mga benepisyo ng kalidad ng hangin ng ginawang emulsyon na diesel na gatong sa isang fleet ng trak.

Sa mga unang taon ng siglo, ang bagong pederal na pamantayan sa PM2.5 ay nagkabisa para sa mga pinong particulate, o particulate na bagay na may 2.5 na mga micron o mas maliit ang sukat. Ang pagpapatupad ng pamantayang ito ay sinamahan ng mga pag-aaral na nag-uugnay sa mga pinong particulate sa maraming epekto sa kalusugan mula sa sakit na cardiopulmonary hanggang maagang kamatayan. Ang PM mula sa singawan ng diesel ay tinayang dahilan ng hanggang 70 porsiyento ng panganib sa kanser mula sa nakalalasong pagpaparumi sa hangin sa buong Bay Area.

Sa panahong ito sinimulan ng Distrito ng Hangin ang pagsubaybay at paghula para sa PM2.5, gayon din ang pagpapasok ng isang network ng pagsubaybay sa mga antas ng dioxin ng lubos na nakalalasong pamparuming iyon.

Bilang tugon sa mga lokal na inaalala, ang Distrito ng Hangin ay pumasok sa isang pakikipagtulungan upang bawasan ang mga emisyon ng particulate na diesel sa Port of Oakland, nagpasa ng isang regulasyon sa idling ng trak, at lumahok sa isang programa sa malinis, ginawang emulsyon na gatong na diesel sa isang fleet ng trak na naglilingkod sa Daungan.

Ang krisis sa enerhiya sa California ng 2001 ay nagpakita rin ng pangangailangan na tugunan ang mas maliit, pansuportang mga generator na diesel. Binago ng Distrito ng Hangin ang mga tuntunin nito upang kontrolin at dalhin ang mga pansuportang generator na ito sa sistema ng permiso.

Ang tag-init ng 2004 ay ang pinakamalinis sa talaan, pagdating sa mga emisyon ng ozone. Walang mga exceedance ng alinman sa pederal na isang-oras o walong-oras na pamantayan sa ozone, at pito lamang na exceedance ng pamantayan ng estado.

Sa panahong ito, ang bagong pananaliksik ay nagpakita na ang mga siklab sa dalisayan ay pinanggagalingan ng mga emisyon na hindi sapat na natataya. Binago ng Distrito ng Hangin ang Regulasyon 12 upang mag-atas ng pagsubaybay sa mga emisyon ng siklab, at sinimulan ang trabaho sa bagong regulasyon sa siklab.

Ang programang Pagsasauli ng Ibinayad na Kaugnay ng Usok ng Kahoy ay nagsimula sa pagpopondo mula sa isang lokal na utilidad na ginagamit upang bawasan ang mga emisyon ng particulate sa Santa Clara County mula sa mga fireplace na nagsusunog ng kahoy at lumang kalan ng kahoy.

Sa panahong ito, ang Distrito ng Hangin ay nagsagawa ng iba't ibang pulong na pang-impormasyon sa mga lokal na komunidad, at sa Tagapagpaganap na Opisyal ng Distrito ng Hangin, mga nakatataas na tauhan, at Lupon ng mga Direktor na lumahok sa iba't ibang mga paglilibot sa komunidad upang pakinggan sa mga lokal na residente tungkol sa mga isyung nakakaapekto sa kanilang mga kapitbahayan.

Bilang bahagi ng kampanyang Iligtas ang Hangin ng 2004 ng tag-init, pitong kotse ng BART na naglalakbay sa mga linya ng Pittsburg/Bay Point at Dublin/Pleasanton ay tinakpan ng isang makatawag-pansing wrap. Sa tag-init na iyon, sa kauna-unang pagkakataon, sa pakikipagtulungan sa Distrito ng Hangin at ng Komisyon sa Transportasyon ng Metropolitan, ang BART ay nag-alay ng mga libreng sakay sa umaga sa dalawang karaniwang araw ng Iligtas ang Hangin.

Pangwakas, noong 2004, ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng nagbubukas ng daan na programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (CARE). Ang programang ito, inaasahang tatagal ng maraming taon, ay magkakaroon ng bagong antas ng koordinasyon sa mga apektado at tauhan na may kadalubhasaan sa pagsubaybay sa hangin, pagmomodelo, at pagsusuri na magkakasamang nagtatrabaho upang mas mahusay na maintindihan ang mga epekto ng nakalalasong pamparumi sa mga lokal na antas. Ang pangwakas na layunin ay lumikha ng isang dalawang-kilometrong may grid na imbentaryo ng mga emisyon ng diesel at nakalalason ng buong Bay Area. Ang impormasyong ito ay magagamit upang magpokus ng mga tagatulong sa pagbawas ng pagkahantad sa nakalalason sa pinakaapektadong mga komunidad sa Bay Area.

Habang ang Distrito ng Hangin ay nagdiriwang ng ika-50 anibersaryo, ang Programang CARE ay isa lamang sa serye ng malilikhaing proyekto na isasagawa sa mga darating na taon, habang pinalalawak ng ahensiya ang saklaw nito upang tugunan ang mga bagong hamon, mula sa panloob na pagpaparumi sa hangin hanggang sa pandaigdig na pag-init. Ang huling kalahating siglo ay nakakita ng dramatikong pagpapabuti sa kalidad ng hangin ng Bay Area, at ang Distrito ng Hangin ay umaasang sumulong sa tagumpay nito habang naghahanda itong gumawa ng matatapang ng mga bagong pakinabang sa susunod na 50 taon na darating.

2000

Ang Pag-aaral ng Ozone sa Gitnang California (CCOS) ay nagsimula. Ang Distrito ng Hangin ay lumahok sa ilang ibang mga ahensiya ng hangin sa pag-aaral na ito na idinisenyo upang pahusayin ang pagkaunawa sa pagbuo at masalimuot na mga takbo ng paghahatid ng ozone sa mga distrito sa hilaga at gitnang California.

Ang Distrito ng Hangin ay sumama sa ibang mga ahensiya at negosyo sa Bay Area, mga grupong pangkapaligiran, at kapantayang panlipunan upang itaguyod ang "matalinong paglaki" at lumikha ng mga komunidad na mas magandang manirahan. Ang una sa patuloy na serye ng pampublikong Mga Workshop sa Matalinong Paglaki ay ginanap.

2001

Ang Distrito ng Hangin ay naglatag ng Programang Mas Mababang Emisyon ng Bus ng Paaralan upang pangasiwaan ang pinopondohan ng estado na mga gawad sa mga distrito ng paaralan para sa pagpapalit at pag-aagpang ng mga bus ng paaralan na nagtataglay ng mas lumang mga makinang diesel.

Ang Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California ay nag-aproba ng Plano sa Pagtatamo na Kaugnay ng Ozone ng 2001, na idinisenyo upang dalhin ang Bay Area na mas malapit sa pagtatamo ng mga pamantayan ng estado sa ozone.

Sinusugan ng Distrito ng Hangin ang Regulasyon 2 at Regulasyon 9 upang kontrolin at pahintulutan ang maliliit na pang-emerhensiyang diesel na mga generator.

Ang Distrito ng Hangin at ang Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California, sa pakikipagtulungan sa EPA, ay nagtatag ng network ng pagsubaybay sa nakapaligid na hangin para sa mga dioxin.

2002

Ang Distrito ng Hangin ay nagsimulang gumawa ng arawang mga hula sa kalidad ng hangin para sa PM2.5.

Ang Distrito ng Hangin ay nagsapanahon ng regulasyon nito sa bukas na pagsunog, Regulasyon 5, upang higit na bawasan ang negatibong epekto sa pampublikong kalusugan ng usok ng bukas na pagsunog at upang pigilan ang mga emisyon na maging dahilan ng mga kalabisan sa mga pamantayan sa kalidad ng hangin.

2003

Ang Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng isang regulasyon sa pagsubaybay para sa mga dalisayan, Regulasyon 12, Tuntunin 11, nag-aatas sa mga dalisayan na subaybayan ang dami at komposisyon ng mga gas na sinusunog sa mga siklab ng dalisayan, upang kalkulahin ang mga emisyon ng siklab batay sa mga datos na ito, at upang iulat ang impormasyon sa Distrito ng Hangin. Ito ang pinakamahigpit na tuntunin sa pagsubaybay sa siklab sa bansa.

Ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay pumili kay Jack Broadbent bilang Tagapagpaganap na Opisyal. Si Broadbent ay dumating sa Distrito na may malawak na karanasan sa kalidad ng hangin sa pederal at lokal na antas.

Ang pagsubok na Programang Pagsasauli ng Ibinayad na Kaugnay ng Usok ng Kahoy ng Distrito ng Hangin ay nag-alok ng mga pagsasauli ng ibinayad sa mga residente ng Santa Clara County para sa pagpapalit ng kanilang mga kalan at fireplace na nagsusunog ng kahoy ng mga kagamitang nagsusunog ng gas. Ang programang ito ay isa sa mga ganitong uri, na may pagpopondo na resulta ng pakikipagkasundo ng Distrito ng Hangin at Komisyon sa Enerhiya ng California sa Calpine Corporation at Silicon Valley Power.

2004

Ang Distrito ng Hangin ay nag-isponsor ng una sa maraming nakaplanong "Mga Paglilibot na Pangkapaligiran sa Komunidad" ng mga kapitbahayang apektado ng pagpaparumi sa hangin. Ang mga miyembro ng Lupon ng Distrito ng Hangin, ang Tagapagpaganap na Opisyal, at mga tauhan ay sumama sa mga residente ng komunidad at tagapagtaguyod ng kapaligiran upang pakinggan ang mga inaalala ng residente.

Ang Distrito ng Hangin ay nagsimula ng isang ambisyosong Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (CARE) upang magkaloob ng mas mahusay na pagkaunawa sa natitipong epekto ng nakalalasong pamparumi sa hangin sa mas maliit na mga komunidad sa buong Bay Area.

Ang mga kasama ng Distrito ng Hangin sa Port of Oakland upang magsagawa ng Pagsubok na Programang Ginawang Emulsyon na Gatong, nagsusubok ng mas malinis na uri ng gatong na diesel sa isang fleet ng trak na nagkakarga sa mga sisidlan para sa paghahatid patungo at mula sa mga terminal ng Daungan.

Sa kauna-unang pagkakataon, sa pakikipagtulungan sa Distrito ng Hangin at sa Komisyon sa Transportasyon ng Metropolitan, ang BART ay nag-alay ng mga libreng sakay sa umaga sa dalawang karaniwang araw ng Iligtas ang Hangin.

Ang 2004 ay natapos bilang pinakamalinis na taon sa talaan para sa kalidad ng hangin sa Bay Area, na walang mga exceedance ng pederal na isang-oras o walong-oras na mga pamantayan sa ozone, at pito lamang na exceedance ng mas mahigpit na pamantayan ng estado.

Ang Distrito ng Hangin ay patuloy na magtatrabaho para sa hinaharap na tumitiyak ng isang masigla, malusog na kalidad ng buhay sa Bay Area. Ang mga hamon sa hinaharap – tulad ng pagbabago ng klima at pagbawas sa mga emisyon ng diesel – ay mangangailangan ng matatag na agham, pagkamalikhain at paglahok ng komunidad.

Ang Darating na Paglalakbay sa Malinis na Hangin

Ang ika-50 anibersaryo ng Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area ay nagbibigay ng pagkakataon na isipin ang nakalipas, ipagdiwang ang ating mga nakamit at magplano para sa darating na paglalakbay sa malinis na hangin.

Marami tayong dapat ipagdiwang. Ang hangin ng Bay Area ay mas malinis nang malaki kaysa limampung taon na nakalipas. Ang 2004 ay ating pinakamalinis na taon na nakatala. Natugunan natin ang mga pederal na pamantayan para sa ozone sa lebel ng lupa bawat araw, at ngayon, ang Bay Area ay may pinakamalinis na hangin sa lahat ng pangunahing mga lugar ng kalunsuran sa California.

Pero ang pinakamalaking mga hamon ay maaaring parating pa. Ang pagpapanatili ng taglay natin ngayon ay maaaring ang pinakamalaking hamon. Kahit sa ating pinakamalinis na taon, ang Bay Area ay wala pa rin sa pagtatamo na kaugnay ng ozone ng Estado at mga pamantayan sa particulate na bagay (PM). Ang mga inaasahang paglaki ng populasyon, pag-aari ng sasakyang de-motor at mga haba ng nilalakbay at pagbabago ng klima ay magpapalubha sa kalagayang ito at maaaring magbalik ng orasan kung hindi natin sisimulang tugunan ang mga isyu ngayon.

Ang kalidad ng hangin sa Bay Area ay bumuti nang malaki mula nang likhain ang Distrito ng Hangin noong taglagas ng 1955. Pero ang rehiyon ay haharap sa maraming hamon sa mga darating na taon, habang nagtatrabaho tayong kasama ng mga residente ng Bay Area upang panatilihing malinaw ang hangin at asul ang langit.

Ang Distrito ng Hangin ay may magandang rekord, pero kung may angkop na maagang pagtingin at pagpaplano, makakagawa tayo ng mas marami. Upang magtagumpay, mangangailangan ng pamumuno, isang pinagsamang pagharap – mula sa pinakamodernong agham hanggang sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa matalinong paglaki – maging ng mas malakas na mga relasyon sa lahat ng mga kasama ng Distrito ng Hangin at aktibong paglahok ng mga komunidad at mga indibidwal na mamamayan.

Sa pagtingin sa hinaharap – sa susunod na 50 taon – nakikita ng Distrito ng Hangin ang isang Bay Area na namamalaging isang malusog, masigla, at magandang lugar para manirahan. Pero, ang ating pinakamalaking mga hamon ay parating pa – ang pagkonsumo ng enerhiya ay magtataas ng populasyon at pag-unlad ng ekonomiya, at na, lalo na kung isasama ang mas mainit na klima, ay maaaring maging dahilan ng malalaking pagtaas sa pagpaparumi ng hangin. Ang kakayahan ng rehiyon na daigin ang mga hadlang na ito ay magiging depende unang-una sa malaking pagbabago ng pag-unawa ng publiko at isang mas malakas na kilusan patungo sa personal na responsibilidad para sa malinis na hangin.

Populasyon at Pag-unlad ng Ekonomiya

Ngayon, ang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga emisyon na bumubuo ng ulap-usok sa Bay Area – higit sa 60% – ay galing sa mga gumagalaw na pinanggalingan tulad ng mga kotse, trak, bus, at kagamitan sa konstruksiyon. Ang bilang ng mga gumagalaw na pinanggagalingan ay tataas nang malaki kasama ng inaasahang paglaki ng populasyon. Ang populasyon ng Bay Area ay hinuhulaan na tataas ng 29% bago lumampas ang taong 2030 – mula sa 6.8 milyon noong 2000 patungo sa 8.8 milyon sa 2030 at ang bilang ang mga trabaho ay tataas sa 5.2 na milyon. Kahit na may inaasahang pagdami ng sumasakay sa pampublikong transportasyon at gumagamit ng carpool papunta sa trabaho, ang rehiyon ay inaasahang magkaroon ng 35% pa – o 7.5 na milyon na karagdagang biyahe ng sasakyan sa isang taon.

Pagbabago ng Klima

Ang mga temperatura ng ibabaw ng mundo at karagatan ay tumataas, at ang mga taon ng 1990 ang pinakamainit na dekada na nakatala. Ngayon, karamihan ng mga siyentista ay sumasang-ayon na ang ginawa ng tao (o antropogenic) na mga pinaggagalingan ng mga gas ng greenhouse ay, kahit bahagi lang, dapat sisihin. Ang pinakamalaking pinangagalingan ng mga gas ng greenhouse sa Bay Area ay mga gumagalaw na pinanggagalingan. Ang carbon dioxide ay pinakamarami sa mga gas ng greenhouse; gayunman, ang ibang mga gas na tulad ng methane at nitrous oxide ay kasangkot din.

Maliban kung gumawa tayo ng malaking pagbawas sa mga emisyon upang makontra ang epekto ng init, o pagaanin ang epekto ng mas mainit na mga temperatura sa ibang mga paraan, dapat nating asahan ang mas maraming araw na hindi malusog ang hangin.

Ang mga pagbawas ng emisyon ay hindi magiging madali, dahil ang mas mainit na mga temperatura ay nagiging dahilan din ng pagtaas ng nakakapinsalang mga emisyon ng hangin. Kapag mas mainit, mas maraming gatong ang sumisingaw, ang mga makina ay mas matinding nagtatrabaho, at ang pangangailangan ng kuryente ay nagreresulta sa mas maraming pagpaparumi mula sa mga planta ng kuryente. Ang mas mainit na panahon ay maaari ring magkaroon ng masasamang epekto sa kalusugan – pinalalawig ang mga panahon ng pamumulaklak at pinalulubha ang mga kondisyon para sa mga may alerhiya at hika.

Ang mga litratong kinuha sa tuktok ng yelo sa Arctic noong 1979 (kaliwa) at 2003 (kanan) ay malinaw na nagpapakita ng mga epekto ng tumataas na mga pandaigdig na temperatura. Ang Distrito ng Hangin ay nagpasa ng isang Resolusyon noong Hunyo ng 2005 na nagpapabatid ng hangarin ng ahensiya na bawasan ang mga emisyon ng gas ng greenhouse sa Bay Area.

Indibidwal na Responsibilidad

Ang indibidwal na asal ay dapat baguhin kung tayo ay magtatagumpay dahil ang mayoriya ng mga nagkokontamina ng hangin sa Bay Area ay nanggagaling mula sa mga aktibidad ng mga indibidwal, tulad ng pagmamaneho ng mga sasakyang de-motor at paggamit ng mga produkto ng mamimili at kagamitan para sa damuhan at halamanan na pinatatakbo ng gasolina. Habang may trabaho pang dapat gawin upang bawasan ang pang-industriya at pangkomersiyong mga emisyon upang gawing mas mababa ang mga antas, ang mga indibidwal na mamimili ay dapat magbago ng kanilang asal upang makagawa tayo ng malalaking pagbawas.

Ang modernong agham ay patuloy na bubuo ng pundamental na batayan ng lahat ng mga gawain ng Distrito ng Hangin. Ang mga pangunahing programang tulad ng pagbibigay ng permiso, pagpaplano, pagsubaybay sa hangin, paghula, at pagpapatupad ay mananatiling isang priyoridad at pahuhusayin sa hinaharap. Bilang karagdagan, may aasintahing mga inisyatibo upang tugunan ang mga lumilitaw na hamon.

Ang ilang mga inisyatibo ay ginagawa na, kabilang ang pagbawas ng usok ng kahoy, diesel na particulate na bagay at ibang mga nakalalason sa hangin, at pagsuporta sa paglipat sa mga alternatibong gatong. Ang iba – tulad ng pagbawas sa mga gas ng greenhouse, pagpapalawak ng mensahe ng Distrito ng Hangin upang tumulong na bawasan ang mga tagabunsod na kaugnay ng hika at aktibong pagtataguyod sa matalino, malinis na hangin na mga pagpili – ay nasa mga yugto pa rin na nabubuo.

Pagbawas ng mga Emisyon ng Gas ng Greenhouse

Noong ika-1 ng Hunyo, 2005, ang Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin ay nagpatibay ng isang resolusyon upang tugunan ang pagbabago ng klima at proteksiyon ng klima sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at edukasyon, pagtitipon at pagsusuri ng mga datos, teknikal na tulong at pamumuno at suporta para sa mga lokal na pagsisikap na bawasan ang mga emisyon ng gas ng greenhouse. Ang inisyatibong ito ay nabubuo pa lamang, pero marami sa gawain na ginagawa na ng Distrito ng Hangin upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin ay isasama dito dahil ang paggawa ng mga pagbawas sa mga pamantayan na pamparumi ay may kasamang benepisyo ng pagbawas din ng mga gas ng greenhouse.

Maraming munisipal at nakabase sa komunidad na programa sa pagbabago ng klima ay isinasagawa sa rehiyon. Ang pagsuporta sa pagbuo ng mga lokal na imbentaryo ng gas ng greenhouse, katulad ng imbentaryo na pinopondohan ng Distrito ng Hangin para sa Sonoma County noong 2004, ay isang opsiyon. Ang pagbuo ng angkop na modelong mga ordinansa ay isinasaalang-alang din, kasama ng pagpapasok ng impormasyon tungkol sa gas ng greenhouse sa mga materyal na pang-edukasyon ng Distrito ng Hangin. Ang Distrito ng Hangin ay nagtatrabaho ring kasama ng Pandaigdig na Konseho para sa mga Lokal na Inisyatibong Pangkapaligiran (International Council for Local Environmental Initiatives, ICLEI), na nangunguna sa pagsisikap na palahukin ang mga lungsod sa pagbabago ng klima sa buong mundo.

Ang Programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (CARE)

Ang programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (CARE) ay inilunsad noong 2004 upang tayahin at bawasan ang mga panganib sa kalusugan mula sa nakakalalasong nagkokontamina sa hangin sa mga kapitbahayan ng Bay Area, lalo na ang diesel na particulate na natukoy bilang isang bagay na nagdudulot ng kanser at may kontribusyon sa hindi nagiging kanser na sakit sa baga na tulad ng hika.

Sa gitna ng CARE ay isang teknikal na pag-aaral upang malaman kung aling mga kapitbahayan sa Bay Area ang nakakaranas ng pinakamataas na mga antas ng mga nakalalasong emisyon sa hangin na kabilang ang mga emisyon ng diesel. Upang gawin ang determinasyong ito, ang Distrito ng Hangin ay bumubuo ng mga imbentaryo ng mga emisyon na kasama hindi lamang mga nakapirming pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin kundi gayon din ng mga gumagalaw na pinanggagalingan – tulad ng mga kotse, trak, barko, tren at ibang mga sasakyan sa transportasyon, gayon din ang mga pinanggagalingan sa lugar na gaya ng mga pintura at mga produkto ng mamimili. Ang mga datos ay ipapasok sa software ng Sistema ng Impormasyong Heograpikal at ipapakita sa isang may grid na mapa ng Bay Area. Kasunod nito ang Distrito ng Hangin ay makakapaglaan ng mga tagatulong sa pagbawas ng nakalalasong mga emisyon sa hangin sa mga komunidad na unang-unang apektado.

Pagbawas ng Usok ng Kahoy

Ang pagsunog ng kahoy ay isang pangunahing pinanggagalingan ng PM na pagpaparumi sa hangin sa Bay Area sa mga buwan ng taglamig, at ang inisyatibo ng Distrito ng Hangin sa usok ng kahoy ay nagpopokus sa pagtataguyod ng mga modelong ordinansa na nagbabawas ng usok ng kahoy at pagtuturo sa publiko ng tungkol sa mga panganib sa kalusugan na kaugnay ng paglanghap nito. Sa isang pangkaraniwang gabi ng taglamig, ang usok ng kahoy mula sa 1.7 na milyong fireplace at kalan na nagsusunog na kahoy sa Bay Area ay lumilikha ng mga 30% ng pagpaparumi ng particulate sa ating hangin. Sa mga gabi kung kailan may mga pagsaliwa ng temperatura, ang persentahe ay maaaring mas mataas.

Ang Distrito ng Hangin ay nagtataguyod ng isang modelong ordinansa na angkop sa bagong bahay o mga renobasyon ng mga kasalukuyang bahay kapag kaugnay ang fireplace. Ang modelong ordinansa ay nagpapahintulot ng instalasyon ng mga fireplace na gumagamit ng likas na gas, sinertipikahan ng EPA na kagamitan at mga kalan ng pellet. Ang “mas malinis” na mga nagsusunog na kagamitang ito ay nagbabawas ng pagpaparumi ng usok ng kahoy mula sa 75 hanggang 99% sa tradisyunal na bukas-sa-hangin na mga fireplace. Bilang karagdagan, ang ordinansa ay nagbabawal ng pagsunog ng kahoy kapag ang mga payo ng Iligtas ang Hangin Ngayong Gabi ay iniisyu at ang kalidad ng hangin ay inaasahang magiging hindi malusog na langhapin. Pagsapit ng Setyembre, 2005, 37 mula sa 101 ng mga lungsod sa Bay Area at 7 ng 9 na county ng Bay Area ay nagpapatupad ng bersiyon ng ordinansa sa usok ng kahoy.

Pagsuporta sa Paglipat sa mga Alternatibong Gatong

Ang Distrito ng Hangin ay aktibo ring humihimok ng paggamit ng nauunang teknolohiya, mababa ang emisyon na mga sasakyan. Maraming programang gawad ay tumutulong na pondohan ang pagbili ng alternatibong ginagatungan na magagaan at mabibigat na sasakyan at ng Impra-istruktura ng paggatong upang suportahan ang mga ito, gayon din ang pagpapalit o pag-aagpang ng mga makinang diesel. Ang mga programang ito ay inaasahang magpapalawak sa susunod na ilang taon, pareho sa dami ng pagpopondong makukuha at ang kahandaan ng mga insentibo upang palitan ang mga sasakyan ng pribadong sektor.

Ang isa sa dalawang pinatatakbo ng hydrogen fuel na kotse ng Distrito ng Hangin ay ipinakita sa Araw ng Kapaligiran ng Mundo noong Hunyo ng 2005.

Ang Distrito ng Hangin ay sumusuporta rin sa isang proyektong demonstrasyon ng pinatatakbo ng hydrogen na bus na kaugnay ang AC Transit, Golden Gate Transit, Awtoridad sa Transportasyon ng Santa Clara Valley at San Mateo County Transit. Ang hangarin ng proyekto ay hanapin ang pinakamabisang paraan upang patakbuhin ang isang pinatatakbo ng hydrogen na fleet ng bus. Ang Distrito ng Hangin ay lumalahok din sa isang proyektong demonstrasyon gamit ang dalawang pinatatakbo ng hydrogen na mga cell car na Daimler Chrysler upang magtipon ng mga datos sa pagganap ng mga ito.

Aktibong Nagtataguyod ng “Matatalinong Pagpili para sa Malinis na Hangin"

Ang Distrito ng Hangin ay bubuo ng mga mensahe para sa mga indibidwal na mamimili. Ang mga mensahe ay magpopokus sa personal na responsibilidad at mga bagay na magagawa ng kahit sino upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin – karamihan ay sa pamamagitan ng maliit na pagsisikap – pero magkakasama ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pagkonsumo ng enerhiya at kalidad ng hangin. Ang pagbibigay sa publiko ng impormasyong kailangan nila upang gumawa ng matatalinong pagpili, tulad ng pagbili ng pinakamalinis na kotse, mga tulong sa pampublikong paghahatid, o pagbili ng mga luntiang kagamitan ay nagpapabuti ng kalidad ng hangin at mga hakbang din na nakakatipid ng pera.

Pagpapalawak ng Mensahe ng Distrito ng Hangin

Halos 12% ng mga Taga-California ang may hika - pinakarami ang nangyayari sa mga batang mula sa 12 hanggang 17 taong gulang. Ang hika ay naapektuhan nang malaki ng pagpaparumi sa hangin sa loob at labas. Ang mga inaalala ng Distrito ng Hangin tungkol sa masamang kalidad ng hangin ay hindi tumitigil kapag ang isang tao ay nasa loob at nagsara ng pinto. Ang isang pangkaraniwang pamparumi na inilalabas sa loob ay 1,000 ulit na mas malaki ang pagkakataon na malanghap na katulad ng pamparuming inilalabas sa labas patungo sa hangin ng kalunsuran. Bilang karagdagan, ang karamihan ng mga tao ay gumugugol ng malaking mayoriya ng kanilang oras sa loob – ang mga nasa hustong gulang sa California ay may average na 87% at ang mga batang wala pang 12 taong gulang ay mas mababa nang kaunti, 86%.

Maraming pinanggagalingan ng pagpaparumi ng hangin sa loob na maaaring magbunsod ng hika at ibang mga kondisyon ng kalusugan na tulad ng paninigarilyo, hindi wasto ang pasingawan na mga gas na kalan, paglabas ng gas na mga nakakalason na ginagamit sa mga materyal at kagamitan ng gusali, lumilikha ng ozone na mga panlinis ng hangin, amag, asbestos at maging ng hangin sa labas. Karamihan ng mga pinanggagalingang ito ay mababawasan nang malaki sa pamamagitan ng edukasyon. Ang Distrito ng Hangin ay kasalukuyang sumusubok ng mga paraan ng paglahok sa pagsisikap na ito.

Pagtugon sa Hamon

Ang Distrito ng Hangin ay nakalaang gawin ang lahat ng posible upang matiyak na ang mga residente ng Bay Area ay magkakaroon ng malinis na hangin para langhapin, hanggang sa hinaharap. Pero hindi tayo magtatagumpay kung walang paglahok at partisipasyon ng lahat ng iba't ibang mga komunidad na naninirahan sa siyam na county ng Bay Area.

Ang Distrito ng Hangin ay nagpasiyang gamitin ang okasyong ito sa aming ika-50 Anibersaryo upang opisyal na imbitahan kayo sa sumama sa amin sa pagsisikap na ito. Ang bawat naninirahan sa Bay Area ay may nakataya sa pangangalaga at pagpapabuti ng ating kalidad ng buhay. Makipagtulungan sa amin, kumuha ng kaalaman tungkol sa mga hamon at gawing personal na responsibilidad ang paggawa ng mga pagbabagong kailangan. Samahan kami sa pagsisimula ng paglalakbay sa malinis na hangin.

Spare the Air Status

Last Updated: 8/3/2023