|
|
Learn about the Air District’s permitting, registration, asbestos, open burn and other programs requiring either fees or notifications.
Ang Distrito ng Hangin ay responsable para sa pag-isyu ng mga permiso sa kalidad ng hangin para sa nakapirming kagamitan sa Bay Area at sa pamamahala ng resultang mga emisyon sa hangin (mga pamparumi). Halos lahat ng nakapirming kagamitan na naglalabas sa atmospera ay nangangailangan ng permiso ng Distrito ng Hangin. Ang permiso sa kalidad ng hangin ay isang dokumentong nagbibigay sa humahawak ng permiso na awtorisasyon na gumawa ng kagamitan at/o magpatakbo ng kagamitang iyon. Ang bawat proyekto ay tinataya bago makapagtayo at makapagpatakbo ang isang negosyo ng kanilang kagamitan upang matiyak na ang lahat ng iniaatas sa kalidad ng hangin ay natutugunan.
Ang programa ay namamahala rin ng imbentaryo ng mga emisyon ng hangin mula sa lahat ng ipinahihintulot na kagamitan. Ang imbentaryo ay ginagamit upang subaybayan ang antas ng mga emisyon sa hangin at upang gumawa ng mga desisyon sa hinaharap upang bawasan ang mga emisyong iyon sa pamamagitan ng paghihigpit ng mga tuntunin ng Distrito ng Hangin.
Narito ang mga karaniwang dokumento ng permiso at pag-aproba na iniisyu ng Distrito ng Hangin:
Awtoridad na Magtayo (Authority to Construct, A/C)) - Ito ay isang permiso bago ang konstruksiyon na iniisyu bago iinstala ang kagamitan. Ang isang A/C ay maaaring mag-atas sa humahawak ng permiso na tugunan ang mga partikular na kondisyon bago simulan ang pagpapatakbo.
Permiso Upang Magpatakbo (Permit to Operate, P/O)) - Ang permisong ito ay nagpapahintulot sa humahawak na magpatakbo (gumamit) ng lahat ng kagamitan o mga aktibidad na nakalista sa permiso.
Sertipiko ng Pagpaparehistro - Ang uring ito ng permiso ay ibinibigay sa mga ispesipikong uri ng kagamitan o mga aktibidad na mas maliit.
Sertipiko ng Pagkalibre - Kapag hiniling, kung ang uri ng kagamitan o aktibidad ay hindi nangangailangan ng permiso o pagpaparehistro ng Distrito ng Hangin.
Liham ng Pag-aproba para sa Asbestos para sa Demolisyon/Renobasyon, “Numero ng Trabaho” - Isang liham ng pag-aproba na magsasama ng isang Numero ng Trabaho (J#) ay iniisyu bilang katunayan ng paunawa.
Liham ng Pag-aproba para sa Likas na Nangyayaring Aktibidad ng Asbestos - Isang liham ng pag-aproba pagkatapos ng iyong plano sa pagpapagaan ng alikabok ng asbestos (ADMP) ay inaprobahan.
Sertipiko ng mga Kredito sa Pagbawas ng Emisyon (Certificate for Emission Reduction Credits, mga ERC) - Ang sertipikong ito ay nagpapahintulot sa mga kompanya na gamitin o ibenta ang mga “nakabangkong” emisyon kapag ang emisyon mula sa ibang proyekto ay dapat ma-offset.
Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad (Titulo V) na Permiso - Ito ay isang pederal na pinatatakbong permiso na iniisyu sa mga pasilidad na may kakayahang lumikha ng maraming pamparumi sa hangin.
Ang mga may-ari ng mga sumusunod na uri ng kagamitan ay maaaring karapat-dapat na mag-aplay para sa isang napapanibagong sertipiko ng pagpaparehistro sa halip ng isang permiso (nag-iiba ang mga fee sa pagpaparehistro, depende sa uri ng kagamitan):
Ang mga sumusunod na aktibidad ay nangangailangan ng paunawa at pagbabayad ng mga fee bago simulan ang anumang trabaho.
Awtorisasyon o Paglalaan ng Bukas na Pagsunod - Ang paunawang ito ay iniaatas para ipinahihintulot na mga uri ng sunog bago simulan ang anumang pagsunog.
Ang mga sumusunod na aktibidad ay nangangailangan ng paunawa at pagbabayad lamang bago simulan ang anumang trabaho.
Paunawa ng Paghuhukay ng Lupa - Ang paunawang ito ay dapat tatakan ng koreo/isumite hindi kukulangin sa 5 araw bago ang paghuhukay ng lupang kontaminado ng organikong mga timplada.
Paunawa ng Pagtanggal ng Tangke sa Pag-iimbak na nasa Ilalim ng Lupa (UST) - Ang paunawang ito ay dapat tatakan ng koreo/isumite nang hindi kukulangin sa 5 araw bago ang pagtanggal o pagpapalit ng isang UST na nagtataglay ng organikong mga timplada.
Asbestos
Asbestos
415 749-4762 asbestosjobs@baaqmd.gov
Pangkalahatang Impormasyon sa Inhinyeriya
415.749.4990 permits@baaqmd.gov
Pagsunod at Pagpapatupad
Underground Tanks
415 749.4999
Last Updated: 7/20/2017