Mga Pampublikong Komento sa mga Aplikasyon para sa Permiso

Alamin ang tungkol sa proseso ng pampublikong komento para sa mga aplikasyon para sa permiso at paano mabisang magkomento sa mga aplikasyon para sa permiso na kasalukuyang nasa ilalim ng pagsusuri ng Distrito ng Hangin.

Ang Distrito ng Hangin ay malugod na tumatanggap ng mga komento mula sa publiko sa lahat ng mga aplikasyon para sa permiso sa panahon ng proseso ng pagrepaso. Makakatanggap ka ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad na aplikasyon para sa permiso sa pamamagitan ng pagpapatala para sa lingguhang mga paunawa sa email.

May mga aplikasyon para sa permiso na nag-aatas ng paunawa sa publiko at isang panahon ng pampublikong komento dahil sa mga tuntunin at regulasyon na pederal, pang-estado, o ng Distrito ng Hangin. Tingnan ang Mga Pampublikong Paunawa sa Permiso upang tingnan ang mga pampublikong paunawa, at upang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga programa na nag-aatas ng paunawa sa publiko.

Upang magkomento sa lahat ng ibang mga aplikasyon para sa permiso, gamitin ang mga sumusunod na patnubay upang gawin ang iyong mga komento na pinakamabisa hanggang magagawa. Ang Distrito ng Hangin ay nagsusuri at nagsasaalang-alang ng lahat ng mga komento. Ang mga komento ay nagiging bahagi ng pampublikong rekord ng Distrito ng Hangin.

Takdang Panahon ng Pampublikong Komento

Para sa pangkaraniwang mga aplikasyon para sa permiso, ang panahon ng pampublikong komento ay nagsisimula ng araw ng aplikasyon ay itinuturing na kumpleto at natatapos sa araw na ang Awtoridad na Magtayo (Authority to Construct, AC) na permiso ay inisyu. Karamihan ng mga AC na permiso ay iniisyu sa loob ng 35 araw ng petsa na itinuturing ng Distrito ng Hangin na kumpleto na ang aplikasyon. Ang petsa ng pagkumpleto ay kapag ang impormasyon at mga fee na iniaatas upang makumpleto ang aplikasyon ay natanggap ng Distrito ng Tubig.

Kontakin ang Ombudsman ng Permiso sa ibaba para sa katayuan ng aplikasyon para sa permiso o karagdagang impormasyon. Ang mga komento ay maaaring isumite sa pamamagitan ng koreo, email, o telepono. Isama ang numero ng aplikasyon para sa permiso, at ang pangalan at address ng pasilidad o iminumungkahing pasilidad.

Attn: Joe Slamovich
Permit Ombudsman, BAAQMD
939 Ellis St. San Francisco, CA 94109
jslamovich@baaqmd.gov | 415.749.4681

Pagkuha ng Karagdagang Kaalaman Tungkol sa Proyekto

Bago isulat ang iyong komento, magtanong at kumuha ng makukuhang kaalaman tungkol sa iminumungkahing proyekto.

  • Alamin kung ang proyekto ay sinusuri o nakatanggap ng pag-aproba ng lokal na ahensiya ng paggamit ng lupa.
    • Ang lokal na ahensiya ng paggamit ng lupa ay madalas na ang kagawaran ng pagpaplano, pagtatayo, at/o pagsosona ng lungsod o county kung saan iminumungkahi ng proyekto.
    • Kung ang proyekto ay nasa ilalim o pagsusuri ng ahensiya ng lungsod o county, ang iyong mga komento ay dapat isumite sa ahensiyang iyon para sa pagsusuri at pagsasaalang-alang sa panahon ng pampublikong komento para sa proyekto.
  • Kontakin ang Ombudsman ng Permiso, para sa mga katanungan tungkol sa aplikasyon para sa permiso ng Distrito ng Hangin.
  • Basahin ang Hanbuk ng Permiso ng Distrito ng Hangin para sa impormasyon tungkol sa kung paano ang ispespikong kagamitan ay ipinahihintulot at kung anu-anong mga regulasyon ang ginagamit sa proseso ng pagtaya.
  • Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa kung paano nagpapahintulot at nangangasiwa ang Distrito ng Hangin ng maraming nakapirmi (at ilang bitbitin) na pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin.
  • Sa mga karaniwang halimbawa ng indibidwal na “mga pinanggagalingan” ay kabilang ang pang-emerhensiyang makinang diesel, mga pakuluan, mga pagpapatakbo ng pagpipinta sa pamamagitan ng pangwilig, mga istasyon ng gas, at tangke sa pag-iimbak. Ang ilang pasilidad, tulad ng mga dalisayan, paliparan, tambakan, planta ng paggamot sa tubig, o planta ng pagmanupaktura ay nagpapatakbo ng maraming ipinahihintulot na “mga pinanggagalingan”.
  • Magkakaibang regulasyon ng Distrito ng Hangin ang pinaiiral sa bawat pinanggagalingan. Tingnan ang Mga Halimbawa ng Kagamitan at mga Pasilidad na Karaniwang Nangangailangan ng mga Permiso mula sa Distrito ng Hangin (PDF) para sa mga halimbawa ng karaniwang ipinahihintulot “mga pinanggagalingan” at ilan sa mga regulasyon na maaaring pairalin.

Pagsusulat ng Iyong Komento

Maging Maikli at Obhetibo: Ipahayag ang iyong opinyon sa isang diretso at obhetibong paraan. Ang iyong komento ay magiging bahagi ng pampublikong rekord.

Tukuyin ang iyong Karanasan, kung angkop: Kung ikaw ay nagkokomento sa iyong kapasidad bilang isang propesyonal (siyentista, inhinyero, abugado, doktor, inihalal na opisyal, atbp.), o bilang isang opisyal na kinatawan para sa isang organisasyon, sabihin ito. Magbigay ng maikling pangkalahatang-tanaw sa iyong organisasyon, laki nito, at interes nito sa bagay.

Maging Ispesipiko at May-kaugnayan: Ang iyong mga komento ay dapat na may kaugnayan sa pasilidad na pahihintulutan at dapat mong malinaw na ipahayag ang dahilan para sa iyong posisyon. Ang mga komento ay pinakamabisa kapag ipinaliliwanag mo kung ano ang kaugnayan ng mga ito sa mga iniaatas na angkop sa pasilidad. Isama ang isang sitasyon o sipi ng ispesipikong teksto o regulasyon na tinutukoy mo. Sa mga pangkaraniwang komento na maaaring mangailangan ng higit pang pagsusuri at pagsasaalang-alang ng Distrito ng Hangin sa aplikasyon para sa permiso ay kabilang ang:

Pansunod na Hakbang sa Iyong Komento

Lahat ng komento ay susuriin at isasaalang-alang ng Distrito ng Hangin, at magiging bahagi ng pampublikong rekord. Ang Distrito ng Hangin ay hindi umaasa ng pagsagot nang indibidwal sa bawat komento tungkol sa mga aplikasyon para sa pangkalahatang aplikasyon. Upang malaman kung paano sinusuri at isinasaalang-alang ang iyong komento sa proseso ng aplikasyon para sa permiso, kontakin ang Ombudsman ng Permiso.

Mga Karagdagang Tagatulong

Para sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga permiso at sa proseso ng pagbibigay ng permiso, bisitahin ang Mag-aplay para sa isang Permiso.

Ano ang Awtoridad na Magtayo?

Sinuman o anumang pasilidad na nagtatayo, nagbabago, o nagpapalit ng anumang kagamitan na maaaring magdulot, magbawas o magkontrol ng emisyon ng mga nagkokontamina sa hangin, ay dapat munang kumuha ng nakasulat na awtorisasyon mula sa Distrito ng Hangin. Ang proseso ng permiso ng Distrito ng Hangin ay isang proseso ng pagsusuri at pag-aproba bago ang konstruksiyon. Ang pagsusuri ng Distrito ng Hangin ay isinasagawa pagkatapos idisenyo ang kagamitan, pero bago ito iinstala. Regulasyon 2 ay tumutukoy sa mga iniaatas para sa isang awtoridad na magtayo at permiso na magpatakbo. Regulasyon 2 Tuntunin 1 ay kabilang ang pamantayan para sa mga pagkalibre sa permiso.

Proseso ng Pagtaya ng Aplikasyon para sa Permiso

Pagkatapos isaalang-alang ang lahat ng mga pampublikong komento, ang Distrito ng Hangin ay nagkukumpleto ng pagtaya ng aplikasyon para sa permiso para sa isang iminumungkahing proyekto. Kung ang Distrito ng Hangin ay nagpasiya na ang proyekto ay inaasahang susunod sa lahat ng angkop na regulasyon na may kaugnayan sa kalidad ng hangin ng Distrito ng Hangin, estado, at pederal na gobyerno, kabilang ang mga panganib sa kalusugan na resulta ng nakalalasong nagkokontamina sa hangin, ang Distrito ng Hangin ay ubligadong mag-isyu ng permiso ayon sa seksyon 42301 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng California.

Pag-apela sa Pag-isyu ng Permiso ng Distrito ng Hangin

Sa loob ng 30 araw pagkatapos ng pag-isyu ng permiso, sinumang taong lumahok sa proseso ng permiso, sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang komento, ay maaaring magharap ng apela sa Lupon ng Pagdinig. Para sa ispesipikong pananalita tungkol sa pag-apela ng desisyon na mag-isyu ng permiso, tingnan ang Regulasyon 2 Tuntunin 1 Seksyon 410.2.

Contact Us

Asbestos
Asbestos

415 749-4762 asbestosjobs@baaqmd.gov


Pangkalahatang Impormasyon sa Inhinyeriya

415.749.4990 permits@baaqmd.gov

Pagsunod at Pagpapatupad
Underground Tanks

415 749.4999

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 8/30/2016