Tungkol sa Distrito ng Hangin

Mission Statement

The Air District aims to create a healthy breathing environment for every Bay Area resident while protecting and improving public health, air quality, and the global climate.

Mga Pinahahalagahan

Limang pangunahing pinahahalagahan ang nagtutulak sa lahat ng mga aspeto ng aming trabaho at bisyon para sa hinaharap:

Kahusayan

Ang aming mga programa at mga patakaran ay batay sa agham, binuo nang may teknikal na kadalubhasaan, at isinagawa nang natatangi.

Pamumuno

Kami ay nasa unahan ng pagpapabuti ng kalidad ng hangin at nagpapasimula ng mga bagong estratehiya upang makamit ang malusog na hangin at protektahan ang klima.

Pagtutulungan

Isinasama at pinalalahok namin ang lahat ng mga apektado upang lumikha ng malawak na pagtanggap para sa malulusog na solusyon sa hangin.

Dedikasyon

Ang aming mga tauhan ay tunay na nagtatalaga ng mga sarili sa aming misyon at mga pinahahalagahan.

Kapantayan

Pinananatili namin ang karapatan ng mga residente ng Bay Area na lumanghap ng malinis na hangin.

Mga Hangarin

Naglalayon kaming makamit ang aming misyon sa pamamagitan ng maraming estratehikong hangarin:

  • Bawasan at alisin ang mga problema sa kalusugan na dulot ng pagpaparumi sa hangin.
  • Magkamit at magpanatili ng mga pamantayan sa kalidad ng hangin para sa lahat ng mga pamantayan na tagapagparumi.
  • Lumikha ng mataas ang kalidad, may-kaugnayang mga programa sa regulasyon at tiyakin na sila ay sumusunod sa pederal, pang-estado, at lokal na mga batas.
  • Sa pamamagitan ng mga insentibo at pakikipagtulungan, itinatag ang Bay Area bilang nangungunang lugar para sa mga pagbawas ng mga emisyon sa mga gumagalaw na pinanggagalingan, pagpaplano ng paggamit ng lupa, malikhaing teknolohiya, at enerhiya.
  • Sa pamamagitan ng mga programa at pagtutulungang pang-edukasyon, palahukin ang lahat ng mga residente ng Bay Area upang iligtas ang hangin bawat araw.
  • Maglingkod bilang awtoridad sa kalidad ng hangin sa pagbuo ng patakaran at impormasyon.
  • Gumamit ng mga pinakamodernong kasangkapan, paraan, at teknolohiya sa aming mga pagpapatakbo.
  • Magpanatili ng isang nangunguna sa pagganap at may motibasyon na lakas paggawa.
  • Gamitin ang mga pinakamahusay na gawain sa pangangasiwa ng kapaligiran sa aming mga pagpapatakbo.

Contact Us


Pangunahing Opisina

(415) 749-5000

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 7/1/2020