|
|
Alamin kung paano at kailan pinapayagan ang bukas na pagsunog sa Bay Area, anong mga uri ng pagsunog ang pinapayagan, at ano ang proseso para sa pagbibigay ng paunawa sa Distrito ng Hangin.
Ang pagtatapon ng basurang materyal sa isang bukas at nasa labas na apoy ay maaaring maging malaking pinanggagalingan ng polusyon sa hangin. Ang usok mula sa bukas na pagsunog ay nagtataglay ng mga pinong partikulo, mga nakapipinsalang gas, at iba pang nakalalasong byproduct na maaaring malanghap nang malalim patungo sa mga baga. Ang pagkahantad sa mga pamparuming ito ay iniuugnay sa mga problema sa baga at puso, hika, at sa ilang kaso, maagang pagkamatay. Ang mga unang-unang nanganganib ay kabilang ang mga bata, nakatatandang nasa hustong gulang, at mga taong may tuloy-tuloy na mga problema sa baga.
Upang bawasan ang mga nakapipinsalang epekto ng usok sa pampublikong kalusugan, ang bukas na pagsunog ay ipinagbabawal sa loob ng mga hangganan ng Distrito ng Hangin, maliban sa 17 uri ng pagsunog na tinutukoy ng Regulasyon sa Bukas na Pagsunog(77 Kb PDF, 13 pgs, revised 11/25/2019).
Ang karamihan ng legal na bukas na pagsunog na nangyayari sa Bay Area ay nagaganap sa mga dahilang pang-agrikultura o pamamahala sa likas-yaman.
Ang bawat pinapayagang uri ng pagsunog(40 Kb PDF, 1 pg, revised 6/30/2015) ay pinapayagan lang sa loob ng partikular na panahon sa buong taon(40 Kb PDF, 1 pg, revised 6/30/2015) (kilala rin bilang pinahihintulutang panahon nito ng pagsunog), sa isang nakatalagang araw ng sunog. Ang Distrito ng Hangin ay maaaring magpahaba ng mga panahon ng pinahihintulutang pagsunog sa ilang kaso. Ang anumang iminumungkahing pagsunog ay maaari ding paghigpitan ng lokal na bumbero o iba pang ahensiya.
Ang Distrito ng Hangin ay dapat bigyan ng paunawa ng lahat ng bukas na pagsunog sa pamamagitan ng mga porma ng paunawa na nasa talahanayan sa ibaba. Ang mga ipinakoreong paunawa ay dapat magkaroon ng tatak-pangkoreo nang hindi kukulangin sa limang araw ng kalendaryo bago ang pagsunog. Ang mga paunawa sa pagsasanay sa sunog ng istruktura ay dapat magkaroon ng tatak-pangkoreo nang hindi kukulangin sa 10 araw ng trabaho bago ang pagsunog.
Ang ilang rehiyon ng CAL FIRE ay nag-aatas ng permiso sa pagsunog at inspeksiyon ng bunton ng pagsunog bago ang bukas na pagsunog. Kontakin ang iyong lokal na rehiyon ng CAL FIRE para sa karagdagang impormasyon.
Ang mga kuwalipikadong uri ng pang-agrikulturang pagsunog ay makaiiwas sa mga fee sa bukas na pagsunog sa pamamagitan ng pagtatal ng mga basurang materyal imbis na magsunog sa pamamagitan ng Programang Pagtatal ng Basurang Pang-agrikultura.
Ang mga fee sa bukas na pagsunog ay maaaring bayaran online:
Mga Fee sa Bukas na Pagsunog
Mga Fee sa Bukas na Pagsunog
Itinagubilin, Latian, Stubble, Paggawa ng Pelikula at mga Apoy para sa Pampublikong Pagtatanghal
Open Burn Status
800 792-0787
Pagsunod at Pagpapatupad
Open Burn Notifications
415 749.4600 openburn@baaqmd.gov
Tulong sa Pagsunod
415 749 4999 compliance@baaqmd.gov