Alamin ang tungkol sa Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad (Titulo V) na Programa ng Distrito ng Hangin, at ang mga pasilidad na sumasailalim sa mga iniaatas nito.
Programang Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad
Nilikha ng Kongreso bilang isang susog sa Batas sa Malinis na Hangin, ang Programang Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad (Titulo V) ay nag-aatas sa malalaking pasilidad na pang-industriya na mag-isyu ng isang komprehensibong permiso sa pagpapatakbo na nagpapakita ng lahat ng pederal, pang-estado, at lokal na mga iniaatas sa kalidad ng hangin. Sa programa ay kabilang ang mga iniaatas na subaybayan ang mga emisyon at gumawa ng mga palagiang ulat. Tingnan ang Regulasyon 2, Tuntunin 6 ng Distrito ng Hangin.
Sa mga katangian ng proseso ng Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad ay kabilang ang:
- Suriin ang lahat ng pederal, pang-estado, at lokal na mga iniaatas sa kalidad ng hangin na angkop sa pasilidad.
- Isang paunawa sa publiko at panahon ng pagsusuri ng U.S. EPA . Lahat ng komento ay dapat tugunan bago iisyu o bigyan ng panibagong bisa ang unang Titulo V na permiso.
- Ang pederal na maipatutupad na mga iniataas ay maaari ring ipatupad sa pamamagitan mga habla ng mamamayan.
- Ang EPA ay maaaring magbago, magtapos, o magpawalang-bisa at muling mag-isyu ng permiso kung kailangan.
- Ang mga permiso ay dapat bigyan ng panibagong bisa bawat limang taon na may buong paunawa sa publiko at proseso ng pagsusuri ng EPA .
Upang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa programa, tingnan ang mga madalas itanong.
Pamantayan ng Pasilidad
Ang mga pasilidad na sumasailalim sa mga iniaatas sa Pagsusuri ng Pangunahing Pasilidad/Titulo V ay kabilang ang:
- Mga Pangunahing Pasilidad – Mga pasilidad na may potensiyal na maglabas ng nagpaparumi na kapantay ng o mas malaki kaysa isa o higit na mga hangganan sa malaking pinanggagalingan.
- Yugto II na mga Pasilidad ng Asidong Ulan – Mga pasilidad ng paglikha ng kuryente na nagniningas ng mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman at sumasailalim sa Titulo IV ng Batas sa Malinis na Hangin.
- Mga Pasilidad ng Pansunog ng Solidong Basura – Mga pasilidad na nagsusunog na materyal na solidong basura (maliban sa mapanganib na basura) mula sa pangkomersiyo, pang-industriya, o pangkalahatang mga pampublikong pinanggagalingan.
- Mga Itinalagang Pasilidad – Ibang mga pasilidad na naglalabas ng mga nagpaparumi na itinalaga ng EPA na na sumasailalim sa mga iniaatas ng Titutlo V.