Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Pagsukat ng Kalidad ng Hangin

Alamin ang tungkol sa network at mga aktibidad ng pagsubaybay sa hangin ng Distrito ng Hangin, kabilang ang network ng pagsubaybay sa hangin, ang laboratoryo, at pagsusuri sa pinanggagalingan ng pamparumi.

Network ng Pagsubaybay sa Nakapaligid na Hangin

Ang Distrito ng Hangin ay nagpapatakbo ng isang network ng pagsubaybay sa nakapaligid ng hangin ng higit sa 30 istasyon at nangangasiwa ng pagkukumpuni, pagpapanatili, at pagkontrol ng kalidad nito. Ang network ng pagsubaybay ay nagtitipon ng lokal na mga datos ng kalidad ng hangin, na ginagamit para sa maraming mahahalagang layunin, kabilang ang:

  • Pag-alam ng pagsunod sa pang-estado at pederal na mga pamantayan sa kalidad ng hangin.
  • Mga hula sa kalidad ng hangin.
  • Pagmomodelo ng Plano sa Malinis na Hangin.
  • Pagmomodelo ng Permiso sa Pagpigil ng Malaking Pagkasira
  • Mga ulat ng epekto sa kapaligiran
  • Magbigay ng impormasyon tungkol sa panrehiyon at lokal na kalidad ng hangin at mga takbo sa kalidad ng hangin.

Mga proyektong pagsasampol, tulad ng pagsampol ng PM2.5 speciation at maikling-panahon na mga pag-aaral sa mga ispesipikong komunidad, magbigay ng mga datos para sa pagbuo ng plano sa kalidad ng hangin, mga isinapanahong regulasyon, at upang dagdagan ang ating pagkaunawa ng kalidad ng hangin sa Bay Area.

Ang mga pamparuming sinusukat sa pamamagitan ng network ng pagsubaybay ay kabilang ang:

  • Lebel-ng-lupa na ozone
  • Carbon monoxide
  • Mga nitrogen oxide (NOx)
  • Sulfur dioxide/mga oxide
  • Particulate na bagay
  • Hydrogen Sulfide

Plano ng Network ng Pagsubaybay ng Hangin ng 2014

Ang Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area ay maglalabas ng pinakabagong Ulat ng Network ng Pagsubaybay noong Hulyo 2015. Ang ulat ay naglalarawan ng network ng pagsubaybay sa hangin ng Distrito para sa 2014. Ito ay naglalarawan din ng mga layunin ng network ng pagsubaybay at naglilista ng iminumungkahing mga pagbabago sa network para sa susunod na 18 buwan. Ang mga iminumungkahing pagbabago ay maaaring matagpuan sa seksiyon na may titulong Mga Iminumungkahing Pagbabago sa Network sa 2015-2016. Ito ay naglalarawan ng mga layunin ng network ng pagsubaybay at mga iminumungkahing pagbabago na nakaplanong mangyari bago ang ika-30 ng Hunyo, 2015.

Ang susunod na taunang Ulat ng Network ng Pagsubaybay sa Nakapaligid na Hangin ay nakatakdang ilabas sa Hulyo 2016.

Taunang Plano ng Network ng 2014

Ang Distrito ay humihingi ng mga komento mula sa publiko tungkol sa iminumungkahing mga pagbabago sa network ng pagsubaybay sa hangin. Ang panahon ng pampublikong komento ay matatapos sa ika-30 ng Hunyo, 2015.

Laboratoryo

Ang Laboratoryo ay nagkakaloob ng iba't ibang mga serbisyo na may kaugnayan sa pagsubaybay at suporta sa mga kagawaran at aktibidad ng Distrito ng Hangin, kabilang ang:

  • Pagsusuri ng mga sampol para sa posibleng aksiyon sa pagpapatupad at sa panahon at pagkatapos ng mga episodic event (ang mga paraan sa laboratoryo ay makukuha sa Mawal ng mga Pamamaraan).
  • Pagtaya, pagbuo, at pagsasapanahon ng mga paraan ng pagsusuri.
  • Pagkakaloob ng teknikal na impormasyon para sa pagtaya ng mga permiso at pagbuo ng mga pamantayan sa pangangasiwa.
  • Paggawa ng PM2.5 at PM10 gravimetric na pagsusuri.
  • Paggawa ng anion/cation speciation at pagsusuri ng organikong karbon/elemental na karbon sa mga panala ng PM10.
  • Pagsusuri ng nakapaligid na hangin para sa madaling mawalang organikong mga timplada at mga timpladang pinagmulan ng ozone.

Pagtiyak ng Kalidad

Upang matiyak ang katumpakan ng mga datos na tinitipon sa pamamagitan ng laboratoryo, pagsubaybay sa hangin at mga meteorolohikal na network, ang Distrito ng Hangin ay nagpapaibay sa mga datos sa pamamagitan ng pagsusuri ng pagtiyak ng kalidad. Ang mga datos na nilikha ng laboratoryo ay nangangailangan din ng pagsusuri ng pagtiyak ng kalidad upang matugunan ang mga iniatas na pagpapatibay ng U.S. EPA.

Pagsusuri ng Pinagkukunan

Ang Distrito ng Hangin ay nagsasagawa ng pagsusuri ng pinanggagalingan upang alamin kung ang isang pinanggagalingan ng pagpaparumi ay sumusunod sa mga regulasyon sa kalidad ng hangin at upang magkaloob ng higit na impormasyon tungkol sa mga pinanggagalingan ng emisyon. Sa mga ginaganap ng pagsusuri ng pinanggagalingan ay kabilang ang:

  • Pagsasagawa ng mga masusing pagsusuri ng pinanggagalingan.
  • Pagsasagawa ng mga pagsusuri ng pagganap sa patuloy na pagsubaybay ng mga emisyon at mga naghuhulang sistema ng pagsubaybay ng emisyon.
  • Ang pagsusuri at pagpapasiya ng kaangkupan ng ikatlong-partidong mga pagsusuri ng pinanggagalingan.
  • Pananaliksik at pagbuo ng mga bagong pamamaraan sa masusing pagsusuri ng pinanggagalingan.
  • Paglikha ng nakabase-sa-datos na mga pag-aaral na inhinyeriya ng pagsusuri ng pinanggagalingan.

Mga Karagdagang Tagatulong

Contact Us


Pangkalahatang Impormasyon

415 749-4900


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 9/27/2016