Alamin kung paano ginagamit ng Distrito ng Hangin ang pagmomodelo upang maintindihan ang asal ng pamparumi, tantiyahin ang mga antas ng pagkahantad, tumulong sa panrehiyong pagpaplano, suportahan ang mga aplikasyon para sa permiso, at iba pa.
Suporta sa Pananaliksik at pagmomodelo
Ang mga tauhan ng Distrito ng Hangin ay gumagawa ng iba't ibang pananaliksik at pagmomodelo, kabilang ang:
- Ang pag-imbestiga ng pagbuo ng ozone, particulate na bagay, at mga nakalalason sa hangin sa Bay Area gamit ang pinakamodernong meteorolohikal, para sa imbentaryo ng mga emisyon, at kalidad ng hangin na mga modelo.
- Ang pag-aaral ng paghahatid ng ozone, PM, at ng pinagmulan ng mga ito sa loob ng Bay Area at sa pagitan ng Bay Area at katabing mga distrito ng hangin.
- Pagtasa ng mga estratehiya sa pagkontrol ng mga emisyon.
- Paghula sa epekto ng mga pagbabago sa hinaharap (tulad ng pagbabago ng klima) sa mga antas ng pamparumi.
- Pagtasa ng mga epekto sa pampublikong kalusugan ng mga nakapaligid na pamparumi.
- Pakikipagtulungan sa mga pag-aaral ng kalidad ng hangin sa ibang mga organisasyon at ahensiya.
- Pagsuporta sa paghahanda ng pagpapalano sa matalinong paglaki at mga Plano sa Malinis na Hangin.
- Pagkakaloob ng suportang teknikal sa mga programa ng Distrito ng Hangin tulad ng:
Mga Modelo at mga Kasangkapan sa Pagmomodelo
Ang Distrito ng Hangin ay gumagamit ng mga sumusunod na modelo at mga kaugnay na kasangkapan sa kalidad ng hangin: