|
|
Alamin ang tungkol sa Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California at ang pagsisikap ng Distrito ng Hangin na bawasan ang mga lokal na epekto sa kalidad ng hangin mula sa mga iminumungkahing proyekto at plano.
CEQA ay ang pinakamalawak na batas sa kapaligiran ng California. Ito ay tumutulong na patnubayan ang Distrito ng Hangin sa pagtukoy at pagpapaliit hanggang maaari sa mga epekto sa kalidad ng hangin ng mga plano at proyekto sa loob ng Bay Area. Ang CEQA ay nag-aatas sa Distrito ng Hangin upang sundin ang isang pamamaraan ng pagsusuri at pagsisiwalat sa publiko ng mga iminumungkahing proyekto, at upang bawasan o alisin ang anumang kaugnay na mga epekto sa kapaligiran. Ang Distrito ay naghahanda ng mga dokumento ng CEQA para sa ating mga plano at regulasyon sa kalidad ng hangin, at nagkakaloob din ng patnubay sa ibang mga pampublikong ahensiya na nauukol sa mga inirerekomendang paraan upang suriin at bawasan ang mga epekto sa kalidad ng hangin.
Alamin ang tungkol sa mga Panuntunan sa Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California ng Distrito ng Hangin, na tumutulong sa mga ahensiya na tayahin ang mga epekto sa kalidad ng hangin mula sa mga iminumungkahing proyekto at plano.
Tingnan ang mga liham na ipinadala sa mga lokal na lungsod at county ng Distrito ng Hangin na nagkokomento sa pagsusuri sa kalidad ng hangin ng isang proyekto.
Mga kasangkapan sa paggamit, mga tagatulong, at mga dokumento na tumutulong sa mga ahensiya na suriin ang lokal, panrehiyon at pandaigdig na mga epekto sa kalidad ng hangin mula sa iminumungkahing mga proyekto at plano.
Mga Pulong at Pagsasanay sa CEQA
Tingnan ang impormasyon tungkol sa nakaraan at darating na mga pulong at libreng mga sesyon ng pagsasanay na nauukol sa Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California.
Mga Plano sa Pagbawas ng Panganib sa Komunidad
Tingnan ang mga planong binuo ng Distrito ng Hangin at mga komunidad sa Bay Area upang bawasan ang mga panganib at peligro sa lokal na kalidad ng hangin.
Alison Kirk
Nakatataas na Tagaplanong Pangkapaligiran
415.749.5169 akirk@baaqmd.gov
Last Updated: 5/3/2022