|
|
Alamin kung pinangangasiwaan ang mga pasilidad ng metal at tingnan ang mga plano upang bawasan ang mga emisyon ng mga ito.
Ang mga pasilidad na metal ay kabilang ang mga pagpapatakbo ng pagawaan ng bakal, naghuhulma, mga tagagutay ng metal, at pagresaykel. Ang mga pasilidad na ito ay maaaring maglabas ng pareho ng mga partikulo at mga amoy. Ang Distrito ng Hangin ay nag-aatas sa mga pasilidad ng metal na sumunod sa Plano sa Pagbabawas ng mga Emisyon na naglalarawan ng kanilang mga pagpapatakbo at mga pagsisikap na bawasan ang mga emisyon.
Ang mga sumusunod ay mga iniaatas ng EMP para sa mga pasilidad na metal ng Bay Area:
Ang Distrito ng Hangin ay nagkakaloob ng panuntunan at isang halimbawa(1 Mb PDF, 49 pgs, posted 3/27/2014) ng kung paano ihanda ang isang EMP .
Ang mga bagong pasilidad ng metal ay may 12 buwang upang magsumite ng isang burador na EMP para sa pampublikong komento at pag-aproba ng Distrito ng Hangin. Ang publiko ay may 30 araw upang magkomento sa burador ng mga EMP . Ang kinumpletong mga EMP (na tinanggal ang kompidensiyal na impormasyon) ay makikita sa mga talahanayan sa ibaba.
Ang Distrito ay nagpapalawig ng huling-araw para sa mag-ulat ang mga pasilidad ng nakaplanong mga pagbawas ng takas na mga emisyon at mga hakbang sa pagpigil sa 30 araw pagkaraan matanggap ng isang pasilidad ang isang inaprobahang EMP. Seksiyon 407 ng Regulasyon 12-13 at 6-4 ay nag-aatas sa mga pasilidad na napapailalim sa isang EMP na magsumite ng isang ulat bago ang Mayo 1, 2015 na naglalarawan ng nakaplanong mga hakbang sa pagbawas ng mga emisyon, mga proseso at pamamaraan na ipatutupad sa loob ng susunod na 5 taon. Ang intensiyon ng seksiyon 407 ay para bumuo ang mga pasilidad ng mga hakbang sa pagbawas at pagpigil sa mga emisyon pagkatapos magkaroon ng pagkakataon na suriin ang mga rekomendasyon ng Distrito. Ang pagpapalawig na ito ay nagpapahintulot ng sapat na oras para sa mga pasilidad na suriin ang mga rekomendasyon ng Distrito at itatag ang mga hakbang na ito sa pagpigil.
Pangkalahatang Impormasyon Tungkol sa Pagsunod
415 749-4795 compliance@baaqmd.gov
Last Updated: 1/15/2021