Tungkol sa Distrito ng Hangin

Marin County

Kumuha ng kaalaman tungkol sa Marin County - ang klima, potensiyal ng pagpaparumi sa hangin, at kasalukuyang kalidad ng hangin nito. Maaari mo ring tingnan ang mga gaganapin ng Distrito ng Hangin sa Marin County at basahin ang tungkol sa mga lokal na pagsisikap na pabutihin ang kalidad ng hangin.

Pinakabagong Balita

Ang Marin County ay matatagpuan sa timog ng Sonoma County, nahahanggahan ng Karagatang Pasipiko sa kanluran, San Pablo Bay sa silangan, at ng Golden Gate sa timog. Ang isang kinatawan ng Marin County ay nakaupo sa Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.

Klima

Ang kanlurang baybay-dagat at timog na mga bahagi ng Marin County ay madalas na napapailalim sa malamig ng hangin ng dagat at maraming fog. Ang mga temperatura sa mga lugar na ito ay namamalaging nakapirmi sa buong taon dahil sa kalapit na karagatan. Ang silangang panig ng Marin County ay mas mainit at mas kaunti ang fog, ang malaking bahagi ay dahil sa distansiya nito mula sa karagatan. Ang ekstrang distansiya mula sa karagatan ay nagpapahintulot sa hangin ng dagat na mainitan bago dumating sa silangang bahagi ng mga lungsod ng Marin. Ang mga namamayaning hangin sa buong county ay pangkaraniwang mula sa hilagang-silangan, na may mga tulin ng hangin na pinakamataas sa kanlurang baybay-dagat. Ang taunang patak ng ulan sa mga bundok ay pangkaraniwang mas mataas sa karamihan ng mga bahagi ng Bay Area, pangkaraniwang 37 hanggang 49 na pulgada. Ang karamihan ng patak ng ulan sa buong county ay nangyayari sa buwan ng Nobyembre hanggang Marso.

Ang klima ng Marin County ay apektado rin ng panrehiyong mga impluwensiya ng klima sa Bay Area

Interaktibong Mapa ng mga Istasyon ng Pagsubaybay sa Hangin

Kalidad ng Hangin sa Marin County

Ang pagpaparumi ng ozone at pinong partikulo, o PM2.5, ay ang mga pangunahing panrehiyong pamparumi sa hangin na inaalala sa San Francisco Bay Area. Ang ozone ay unang-unang problema sa tag-init, at ang pagpaparumi ng pinong partikulo ay sa taglamig.

Sa kahabaan ng baybay-dagat ng Marin County at sa timog na bahagi ng Marin County, ang malinis na hangin mula sa Karagatan ng Pasipiko ay tumutulong na panatilihing mababa ang pagpaparumi sa hangin. Sa ibang bahagi ng Marin, ang ozone ay bihira lamang maging alalahanin, pero ang mabundok na kaayusan ng lupa at mas malamig na mga temperatura ng taglamig ay maaaring magkulong sa PM2.5 na malapit sa ibabaw, nagreresulta sa kalidad ng hangin na humihigit sa mga pamantayan sa kalusugan.

Interaktibong Mapa ng Hula sa Kalidad ng Hangin

Pangkat ng Tagatulong

Ang Pangkat ng Tagatulong sa Iligtas ang Hangin ng Marin County ay nagtataguyod ng iba't ibang mga paraan upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa lokal na komunidad.

Spare the Air Status

Huling Isinapanahon: 11/8/2016