|
|
Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa lokal na mga programa sa pagpapalahok, magtakda ng isang tagapagsalita para sa iyong paaralan, o i-download ang aming libreng kurikulum sa pagbabago ng klima.
Ang Distrito ng Hangin ay sumusuporta sa mga sumusunod na nakabase-sa-agham na mga programang nagtuturo sa mga kabataan at pamilya ng tungkol sa mga epekto ng pagpaparumi sa hangin at pagbabago ng klima. Ang mga programa sa paaralan at kabataan na nakalista sa ibaba ay naglalayong turuan ang mga estudyante ng mga paraan upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin at mga emisyon ng gas ng greenhouse sa Bay Area:
Ligtas na mga Ruta sa mga Paaralan ay isang pambansang kilusan upang pabutihin ang kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng paghimok sa kanila na maglakad at magbisikleta patungo sa paaralan. Ang programa ay nagsasama ng mga pamumuhunan sa impra-istruktura sa mga programang komunikasyon upang bawasan ang trapiko at pagpaparumi, at pabutihin ang pampublikong kalusugan.
Iligtas ang Hangin Kabataan ay isang panrehiyong programa na naglalayong turuan, pasiglahin, at bigyan ng kapangyarihan ang mga kabataan at pamilya sa Bay Area upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin at mga emisyon ng gas ng greenhouse sa pamamagitan ng paglalakad, pagbibisikleta, paggamit ng carpool, at pagtangkilik sa pampublikong paghahatid. Ang programa ay sumusuporta rin sa mga lokal na pagsisikap ng Ligtas na mga Ruta Patungo sa Paaralan.
Ang mga tauhan ng Distrito ng Hangin ay pupunta sa iyong paaralan at makikipag-usap sa mga estudyante tungkol sa kalidad ng hangin, proteksiyon ng klima, at pampublikong kalusugan. Ang mga tauhan ng Pagpapalahok sa Komunidad ay nakikipagtulungan sa mga guro upang magdisenyo ng mga iniangkop na mga presentasyon na nagpapahusay ng kurikulum at mga hangaring pang-edukasyon. Kontakin ang Opisina sa Paglahok ng Komunidad upang magtakda ng isang tagapagsalita para sa iyong paaralan.
Ang Distrito ng Hangin ay nagdisenyo at nagpiloto ng unang masaklaw na kurikulum sa pagbabago ng klima sa California. Idinisenyo para sa mga estudyante ng ika-4 at ika-5 grado, ang Protektahan ang Inyong Klima ay kabilang ang 16 na aral na nagpopokus sa pagpaparumi sa hangin, enerhiya, pagbawas ng enerhiya, at transportasyon. Ang kurikulum ay makukuha upang i-download nang walang bayad.
David Ralston
Tagapamahala ng Paglahok ng Komunidad, Pagpaplano, mga Tuntunin at Pananaliksik
415.749.8423 dralston@baaqmd.gov
Last Updated: 8/6/2024