Patakaran sa Non-Discrimination at Pamamaraan ng Reklamo

Ang Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area (BAAQMD) ay hindi nandidiskrimina batay sa lahi, pinagmulang bansa, kinikilalang pangkat etniko, ninuno, relihiyon, edad, kasarian, sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian, pagpapahayag ng kasarian, kulay, genetic na impormasyon, medikal na kundisyon, o kapansanan sa pag-iisip o pangangatawan, o iba pang katangian o paniniwalang pinoprotektahan ng batas sa pangangasiwa ng mga programa o aktibidad nito, at hindi nanliligalig o naghihiganti ang BAAQMD sa sinumang indibidwal o anumang grupo para sa paggamit ng kanilang mga karapatan na makibahagi sa pagkilos na pinoprotektahan ng, o para sa pagtutol sa mga pagkilos na ipinagbabawal ng, 40 C.F.R. Bahagi 5 at 7 para mapigilan ang mga nasabing karapatan.

Patakaran ng BAAQMD na magbigay ng makatarungan at patas na access sa mga benepisyo ng isang programa o aktibidad na pinangangasiwaan ng BAAQMD. Hindi papayagan ng BAAQMD ang pandidiskrimina, panliligalig, o paghihiganti sa sinumang naglalayong makibahagi sa, o matanggap ang mga benepisyo ng, anumang programa o aktibidad na iniaalok o isinasagawa ng BAAQMD. Ang mga miyembro ng publiko na naniniwalang pinagkaitan sila ng ganap at patas na access sa isang programa o aktibidad ng BAAQMD, nang labag sa batas, ay puwedeng maghain ng reklamo ng diskriminasyon sa BAAQMD sa ilalim ng patakarang ito. Nalalapat din ang patakarang ito laban sa diskriminasyon sa iba pang tao o affiliate na nauugnay sa BAAQMD, pati sa mga contractor o grantee na ginagamit ng BAAQMD para maghatid ng mga benepisyo at serbisyo sa mga miyembro ng publiko.

Ang BAAQMD ay magbibigay ng mga pantulong na aid at serbisyo na kabibilangan ng, halimbawa, mga kwalipikadong interpreter at/o device para sa pakikinig, sa mga indibidwal na hindi nakakarinig o nahihirapang makarinig, at sa iba pang indibidwal kung kinakailangan para matiyak na may epektibong komunikasyon at patas na pagkakataong ganap na makibahagi sa mga benepisyo, aktibidad, programa, at serbisyo, sa napapanahong paraan para maprotektahan ang privacy at pagiging independent ng indibidwal. Makipag-ugnayan sa Non-Discrimination Coordinator na tinukoy sa ibaba hindi bababa sa tatlong araw bago ang isang meeting para magawa ang mga kinakailangang arrangement.

Kung sa palagay mo ay nakaranas ka ng diskriminasyon sa isang programa o aktibidad ng BAAQMD, puwede kang makipag-ugnayan sa Non-Discrimination Coordinator na tinukoy sa ibaba at magbasa pa para malaman kung paano at saan maghahain ng reklamo ng diskriminasyon.

May Mga Tanong?

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa abisong ito o sa anumang programa, patakaran, o pamamaraan ng BAAQMD laban sa diskriminasyon, puwede kang makipag-ugnayan sa:

Non-Discrimination Coordinator
Suma Peesapati
Environmental Justice and Community Engagement Officer
Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area
375 Beale St., Ste. 600
San Francisco, CA 94105
415.749.4967

Mga Kahulugan

Nagrereklamo: (Mga) indibidwal o iba pang mga interesadong partido na nagsasampa ng reklamo ng diskriminasyon sa ilalim ng patakarang ito.

Diskriminasyon: Ang labag sa batas na pagkakait ng makatarungan at patas na access sa isang programa o gawaing ibinibigay, isinasagawa, o pinangangasiwaan ng BAAQMD batay sa isang protektadong grupo. Kasama sa "Pagkakait ng Makatarungan at Patas na Access" ang:

  1. Ang pagkakait ng anumang benepisyo ng programa,
  2. Pagbibigay ng iba't ibang antas ng mga benepisyo kaysa sa ibinigay sa iba pang mga gumagamit ng programa,
  3. Paglilimita ng benepisyo o pakinabang ng anumang programa sa pamamaraang hindi katulad sa mga paghihigpit na ginagawa sa iba pang mga gumagamit ng programa nang walang protektadong katangian.
  4. Pagsasailalim sa isang tao sa pagbubukod o hiwalay na pagtrato sa anumang paraan na nauugnay sa pagtanggap ng mga benepisyo ng programa,
  5. Pagkakait sa sinumang tao, o grupo ng mga tao, ng pagkakataong lumahok bilang miyembro ng anumang pagpaplano o nagpapayong lupon na dili kaya'y bukas sa publiko sa ilang paraan, at
  6. Paggamit ng mga pamantayan o mga paraan ng pangangasiwa ng programa nito na mayroong epekto ng pandidiskrimina sa isang gumagamit o posibleng gumamit ng programang ibinibigay ng BAAQMD.

Protektadong grupo: Katangian ng isang tao na hindi puwedeng puntiryahin para sa diskriminasyon kasama ang lahi, pinagmulang bansa, kinikilalang pangkat etniko, ninuno, relihiyon, edad, kasarian, sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian, pagpapahayag ng kasarian, kulay, genetic na impormasyon, medikal na kundisyon, o kapansanan sa pag-iisip o pangangatawan.

Panliligalig: Ang proseso ng pagsubok na ipilit o pigilan ang isang pagkilos sa pamamagitan ng pananakot.

Paghihiganti: Sinasadyang aksyon bilang tugon sa isang pinoprotektahang pagkilos.

Pananagutan

Ang Tagapagpaganap na Opisyal ng BAAQMD ay magkakaroon ng panghuling awtoridad at responsibilidad para sa pagsunod sa patakarang ito.

Responsibilidad ni Suma Peesapati, ang Environmental Justice and Community Engagement Officer, na ayusin ang mga pagsisikap sa pagsunod at tanggapin ang mga tanong kaugnay ng mga pag-aatas laban sa diskriminasyon na ipinapatupad ng 40 C.F.R. Bahagi 5 at 7 (Paglaban sa Diskriminasyon sa Mga Programa o Aktibidad na Nakakatanggap ng Tulong ng Pederal mula sa Ahensya para sa Proteksyon ng Kapaligiran), kasama ang Pamagat VI ng Batas sa Mga Karapatang Sibil ng 1964, ayon sa pag-aamyenda; Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon ng 1973; Batas sa Diskriminasyon ng Edad ng 1975; Pamagat IX ng Mga Pag-aamyenda sa Edukasyon ng 1972; at Seksyon 13 ng Mga Pag-aamyenda sa Batas ng Pederal para sa Pagkontrol sa Polusyon sa Tubig ng 1972 (na tatawagin dito, sa pangkalahatan, bilang mga batas ng pederal laban sa diskriminasyon). Titiyakin din ng Non-Discrimination Coordinator na nakakasunod ang BAAQMD sa mga pag-aatas ng estado at pederal sa pag-uulat at pagpapanatili ng talaan, pati sa mga iniaatas ng Kodigo ng Mga Regulasyon ng Pederal, pamagat 40, seksyon 7.10 et seq.

Hanggang 12/2/2022: Pakitandaang binabago at ia-update sa lalong madaling panahon ang mga seksyon sa ibaba:

Pamamaraan ng Reklamo

Ang pamamaraan ng reklamo ay may apat na hakbang:

  1. Pagsusumite ng Reklamo:
    Isang tao na naniniwala na siya o ang partikular na grupo ng mga tao ay hindi isinama o pinagkaitan ng mga benepisyo sa basehan ng anumang protektadong grupo, o napailalim sa diskriminasyon, ang anumang programa o aktibidad ng Distrito ng Hangin ay maaaring magsampa ng nakasulat na reklamo sa Non-Discrimination Coordinator para sa Distrito ng Hangin. Ang naturang reklamo ay dapat isampa sa loob ng 180 araw ng kalendaryo pagkalipas ng petsa na naniniwala ang tao na nangyari ang diskriminasyon. Tingnan ang Form ng Reklamo ng Diskriminasyon.
  2. Rekomendasyon sa Opisyal ng Pagsusuri: 
    Kapag natanggap ang reklamo, magtatalaga ang Non-Discrimination Coordinator ng isa o higit pang mga opisyal ng pagsusuri, gaya ng naaangkop, upang suriin at imbestigahan ang reklamo, nang kumokonsulta sa Abugado ng Distrito. Kukumpletuhin ng (mga) kawaning opisyal ng pagsusuri ng hindi lalampas sa 60 araw sa kalendaryo pagkatapos ng petsa nang matanggap ng Distrito ng Hangin ang reklamo gamit ang karaniwang mas mabigat na ebidensiya.  Kung kinakailangan ng mas maraming oras, aabisuhan ng Non-Discrimination Coordinator ang nagrereklamo tungkol sa tinatayang oras para makumpleto ang pagsusuri. Kapag nakumpleto na ang pagsusuri, ang (mga) opisyal ng pagsusuri ay gagawa ng rekomendasyon na nauukol sa merito ng reklamo at kung ang aksyong panremedyo ay makukuha upang magkaloob ng pagwawasto o pagbabayad ng pinsala. Bilang karagdagan, ang (mga) opisyal ng pagsusuri ay maaaring magrekomenda ng mga pagpapabuti sa mga proseso ng Distrito ng Hangin na may kaugnayan sa Patakaran sa Non-Discrimination at hustisyang pangkapaligiran, gaya ng naaangkop. Ipapasa ng (mga) opisyal ng pagsusuri ang kanilang mga rekomendasyon sa Non-Discrimination Coordinator para suriin. Ang Non-Discrimination Coordinator ay mag-iisyu ng nakasulat na sagot ng Distrito ng Hangin sa nagreklamo.
  3. Apela: 
    Kung hindi masisiyahan ang nagrereklamo sa tugon, maaaring humiling ang nagrereklamo ng isang nakasulat na apela sa Tagapagpaganap na Opisyal sa loob ng 10 araw sa kalendaryo pagkatapos matanggap ang tugon. Dapat ipaliwanag ng kahilingan para sa apela ang anumang item na sa tingin ng nagrereklamo ay hindi natugunan ng Non-Discrimination Coordinator. Aabisuhan ng Tagapagpaganap na Opisyal ang nagrereklamo sa loob ng 10 araw sa kalendaryo kung tinanggap o tinanggihan ang kahilingan para sa apela. Sa mga kaso na pumapayag ang Tagapagpaganap na Opisyal na muling isaalang-alang ang problema, ibabalik ang problema sa (mga) kawani ng opisyal ng pagsusuri upang suriin muli alinsunod sa Talata 2 sa itaas.

Pagiging Kumpidensyal

Nagsusumikap ang BAAQMD na protektahan ang pagiging kumpidensyal ng nagrereklamo at ang lahat ng kalahok sa proseso ng reklamo ng diskriminasyon hanggang sa lawak na maaari at ayon sa pinahihintulutan ng batas. Hindi pinapayagan ng katangian ng prosesong ito ang ganap na pagiging kumpidensyal. Maaaring maglabas ng impormasyon ang Non-Discrimination ayon sa kinakailangan upang malutas ang reklamong ito. Kung magreresulta ang panremedyong aksyon sa pagdidisplina ng empleyado, maaaring ilabas ng Non-Discrimination Coordinator ang impormasyong ibinigay sa proseso ng reklamo sa naaangkop na tauhan ng BAAQMD at sa mga hindi kasamang partido kabilang ang mga nagsasariling imbestigador.

Ipinagbabawal ang paghihiganti para sa pagsasampa ng reklamo at ang mga pahayag ng paghihiganti ay maagap na pamamahalaan kung mangyayari ito. 

Form ng Reklamo

Para magsimula ng reklamo, dapat kumpletuhin ng nagrereklamo ang Form ng Reklamo ng Diskriminasyon ng BAAQMD at ipadala ito sa Non-Discrimination Coordinator ng BAAQMD sa address na nakalista sa ibaba. Dapat ipadala ang mga reklamo sa loob ng yugto ng panahon na nakasaad sa itaas.

Assistance

If you need assistance with completing a discrimination complaint, please contact the Air District's Non-Discrimination Coordinator.

Acting Non-Discrimination Coordinator
Diana Ruiz
415.749.8840

Pagsusumite ng Reklamo ng Diskriminasyon sa Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng U.S.

Ang sinuman ay maaari ring direktang magsampa ng reklamo ng diskriminasyon sa Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran sa pamamagitan ng pagsusumite nito sa Office of Civil Rights, U.S. Environmental Protection Agency, Mail Code 1201A, 1200 Pennsylvania Ave. NW, Washington, DC 20460.

Contact Us

Acting Non-Discrimination Coordinator
Diana Ruiz

BusinessOfficeServices@baaqmd.gov druiz@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status