Pagpopondo sa Gawad

Labas-ng-Daan na mga Sasakyan

Pahusayin o palitan ang labas-ng-daan na diesel na kagamitan sa pamamagitan ng pagpopondo mula sa Programang Carl Moyer. Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin mula sa heavy-duty na diesel na mga makina sa California.

Mga Uri ng Proyekto

Ang pagpopondo ay iniaalok batay sa kung sino ang nauna hanggang ang lahat ng pondo ay magasta. Ang mga aplikasyon ay dapat na kumpleto upang isaalang-alang para sa pagpopondo.

Ang mga pondo ay makukuha para sa mga sumusunod na uri ng proyekto:

  • Pagpapalit ng kagamitan -palitan ang lumang kagamitan ng pinakamalinis na makukuhang kagamitan.
  • Pagpapatibay ng Makina - mag-instala ng isang kagamitan sa pagkontrol ng emisyon.
  • Pagpapalit ng makina (pagpapalit ng nagpapatakbo) - palitan ang isang lumang makina ng isang bago, sertipikado-sa-emisyon na makina.

Pagiging Karapat-dapat

Basikong Pamantayan

Ang sumusunod na kagamitan ay pangkaraniwang karapat-dapat para sa mga gawad; gayunman, dapat mo pa ring alamin ang katayuan sa regulasyon ng iyong kagamitan (tingnan ang kasunod na seksiyon):

  • Labas-ng-daan na kagamitan: loaders, tractors, dozers, excavators, scrapers, forklifts, kagamitan ng suporta sa lupa, atbp.
  • Kagamitan na may 25 horsepower o higit na mga diesel na makina.
  • Kagamitan na may hindi kukulangin sa tatlong taon bago ang huling-araw ng pagsunod sa regulasyon (maliit na konstruksiyon/pang-industriyang mga fleet) O di-saklaw ng regulasyon (kagamitang pang-agrikultura).
  • Kagamitang pinatatakbo sa loob ng mga hangganan ng Distrito ng Hangin, na ang priyoridad ay ibinibigay sa mga pinatatakbo sa mga lugar na binigyang-diin sa Mapa ng Priyoridad sa Komunidad (PDF).

Mga Tuntunin at Regulasyon

Ang Lupon ng mga Tagatulong sa Hangin ng California (California Air Resources Board, ARB) ay nagtatag ng mga regulasyon para sa labas-ng-daan na kagamitan na nag-iiba alinsunod sa uri ng makina at paggamit ng kagamitan. Dapat mong alamin ang katayuan sa regulasyon ng iyong kagamitan upang maberipika kung ikaw ay karapat-dapat para sa isang gawad.

  • Ang labas-ng-daan na kagamitan na pinatatakbo ng Large Spark Ignition (LSI) na mga makina ay pinangangasiwaan sa ilalim ng Tuntunin sa LSI Fleet ng ARB. Kabilang ang kagamitan ng agrikultura, konstruksiyon, pangkalahatang industriya na pinatatakbo ng gasolina, liquefied petroleum gas, at ibang mga gatong.
  • Ang labas-ng-daan na kagamitan na pinatatakbo sa mga daungan at intermodal na rail yard ay pinangangasiwaan sa ilalim ng Regulasyon sa Kagamitan sa Paghawak ng Kargo ng ARB. Kabilang ang mga yard trak, hostler, crane, top handler, side handler, forklifts, at loader.
  • Karamihan ng diesel na kagamitan na pinatatakbo sa konstruksiyon, pagmimina, pagrerenta, kagamitan sa paliparan at mabigat na industriya ay pinangangasiwaan sa ilalim ng Regulasyon sa Labas-ng-Daan ng ARB.
  • Naililipat na labas-ng-daan na kagamitan na pinatatakbo ng hindi kukulangin sa 50% ng panahon sa mga kuwalipikadong aktibidad na pang-agrikultura ay malamang na di-saklaw ng regulasyon.
  • Ang mga petsa ng pagsunod ay mag-iiba batay sa regulasyon at laki ng fleet.
  • Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga regulasyon sa labas-ng-daan, tawagan ang nakahandang linya sa regulasyon ng ARB: 1.866.6.DIESEL

Paano Dapat Mag-aplay

  1. 1. Alamin ang pagiging karapat-dapat ng iyong sasakyan para sa programang ito.
  2. 2. Tukuyin ang uri ng proyekto para sa iyong sasakyan.
  3. 3 Tipunin ang kinakailangang mga impormasyon tungkol sa iyong kasalukuyang sasakyan at pamalit na sasakyan o makina.
  4. 4. Makipagtulungan sa dealer ng pamalit na kagamitan na inaprobahan ng Distrito ng Hangin upang kunan ng pamalit na kagamitan.
  5. 5. Makipagtulungan sa dealer ng makina para sa pagpapalit ng makina (pagpapalit ng nagpapatakbo).
  6. 6. Mag-aplay para sa pagpopondo online.

Mga Workshop at Ginaganap

Tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na workshop, ginaganap, at huling-araw.

Karagdagang impormasyon

Programang Pagpapalit ng Labas-ng-Daan na Kagamitan (Equipment Replacement Program, ERP)

 

Ang pagpopondo ay makukuha upang:

Palitan ang kasalukuyang lumang kagamitan ng pinakamalinis na makukuhang pamalit na kagamitan (na posibleng may opsiyon sa pagpapatibay) na hanggang 80% ng gastos sa proyekto.

Itong opsiyon sa proyekto ay pinakaangkop kapag:

  1. ang kasalukuyang kagamitan ay lubos pa ring gumaganap sa regular na paggamit sa nakaraang dalawang taon,
  2. walang lohikal na opsiyon sa pamalit na makina na makukuha mula sa tagamanupaktura, at
  3. ang nabawasang halaga ng kasalukuyang kagamitan ay hindi nagbibigay-katwiran sa higit pang pamumuhuhan.

Ang proyekto ay mangangailangan ng pagdaragdag ng isang bineripika ng CARB na pagpapatibay ng kagamitan sa pagkontrol ng emisyon kapag 1) ang pamalit na makina ay may kagamitang bineripika upang gumanang kasama nito at 2) ito ay maaaring iinstala nang hindi magpapakita ng mga panganib sa kaligtasan o mga paglabag.  Ang mga may-ari ng kagamitan ay maaaring pumili ng paglabas sa iniaatas na pagpapatibay.

Ang mga aplikante ay dapat makipagtulungan sa isang Inaprobahan ng BAAQMD na ERP Dealership.

Inaprobahan ng BAAQMD na mga Dealership ng ERP

Page Loading
 

TALA: Ang talahanayan ng inaprobahan ng BAAQMD na mga tagabenta na nasa itaas ay isasapanahon habang ang bagong mga kalahok sa programa ay tinutukoy.

Mga Dokumento ng Programa  

Nakakatulong na ARB Links

Contact Us

Grants Programs Information Request Line

415 749-4994 grants@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 9/29/2022