|
|
Pahusayin o palitan ang labas-ng-daan na diesel na (mga) makinang pambombang pag-agrikultura sa pamamagitan ng pagpopondo mula sa Programang Carl Moyer. Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin mula sa heavy-duty na diesel na mga makina sa California.
Ang pagpopondo ay iniaalok batay sa kung sino ang nauna hanggang ang lahat ng pondo ay magasta. Ang mga aplikasyon ay dapat na kumpleto upang isaalang-alang para sa pagpopondo.
Ang mga pondo ay makukuha para sa mga sumusunod na uri ng proyekto:
Ang sumusunod na kagamitang pang-agrikultura ay pangkaraniwang karapat-dapat para sa pagpopondo; gayunman, kailangan mong sumunod sa mga angkop na tuntunin (tingnan sa ibaba) upang mag-aplay:
Ang Hakbang sa Pagkontrol ng Nakalalason na Dala ng Hangin para sa Nakapirming Siniksik na Ignition na mga Makina (Airborne Toxic Control Measure for Stationary Compression Ignition Engines, ATCM) (nagkabisa noong Oktubre 18, 2007) ay kabilang ang mga iniaatas para sa nakapirmi at nabibitbit na pinatatakbo ng diesel na mga makina na ginagamit sa agrikultura lamang. Pangkaraniwan, ang mga makinang ito ay ginagamit upang bumomba ng tubig o magkaloob ng kuryente para sa pag-aalaga ng mga halaman o hayop. Lahat ng aplikanteng interesado sa pag-aaplay para sa nakapirmi/nabibitbit na kagamitan ay dapat sumunod sa ATCM.
Mangyaring bisitahin ang Mga Diesel na Makinang Pang-agrikultura para sa karagdagang impormasyon tungkol sa regulasyon o kontakin si Joe Slamovich sa 415-749-4681 para sa pagpaparehistro ng makina, at Guy Gimlen sa 415-749-4734 para sa mga katanungan tungkol sa regulasyon sa makinang Pang-agrikultura.
Tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na workshop, ginaganap, at huling-araw.
Karagdagang impormasyon tungkol sa regulasyon sa kagamitang pang-agrikultura at mga iniaatas sa pagsunod:
Last Updated: 9/21/2022