Pagpopondo sa Gawad

Mga Sasakyang-dagat at Kagamitan

Pahusayin o palitan ang pinatatakbo ng diesel na mga makinang pandagat sa pamamagitan ng pagpopondo mula sa Programang Carl Moyer. Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagpaparumi sa hangin mula sa heavy-duty na diesel na mga makina sa California.

Ang pagpopondo ay iniaalok batay sa kung sino ang nauna hanggang ang lahat ng pondo ay magasta. Ang mga aplikasyon ay dapat ipasiyang kumpleto upang isaalang-alang para sa pagpopondo.

Mga Uri ng Proyekto

Ang mga pondo ay makukuha para sa mga sumusunod na uri ng proyekto:

  • Pagpapalit ng makina (pagpapalit ng nagpapatakbo) - palitan ang makina ng isang sasakyang-dagat ng isang mas bago, mas-mababa-ang-emisyon-sertipikadong makina
  • Remanufacture kit - magkabit ng isang engine remanufacture kit na nagbabawas ng mga emisyon ng makina
  • Pagpapatibay ng makina - magkabit ng isang bineripika-ng-ARB na kagamitan sa estratehiya ng pagkontrol ng emisyon ng diesel.

Mga Karapat-dapat na Sasakyang-dagat

Ang pagpopondo ay makukuha upang bawasan ang mga emisyon mula sa mga pangkomersiyong sasakyang-dagat, tulad ng bangka sa pangingisda, mga pilot boat, bangka sa pagtatrabaho, at ibang mga sasakyang-dagat.

Ang limitadong pagpopondo ay makukuha para sa pinangangasiwaang pangkomersiyong mga sasakyang-dagat, tulad ng mga barge, crew and supply vessel, dredge, tour boat, ferry, tugboat, at towboat na napapailalim sa Regulasyon sa Harbor Craft ng ARB.

Shore-power

Ang mga proyektong shore-power na nagbabawas ng mga emisyon mula sa isang barkong nasa piyer ay maaari ring karapat-dapat para sa pagpopondo. Ang mga aplikante lamang na maaaring magpakita na ang proyekto ay hindi iniaatas ng Regulasyon ng ARB Shore Power ang karapat-dapat. Ang mga aplikasyon sa proyektong Shore power ay isasaalang-alang depende sa kaso.

Kagamitan

Ang sumusunod na kagamitang marine ay pangkaraniwang karapat-dapat para sa pagpopondo; gayunman, dapat mong tingnan ang seksiyon ng tuntunin sa ibaba upang matiyak na ang iyong proyekto ay kuwalipikado:

  • Propulsion or auxiliary engines na may 25 horsepower o mas marami.
  • Mga pangkomersiyong sasakyang-dagat sa mga iniaatas sa pagsunod sa Regulasyon ng ARB Harbor Craft o kasalukuyang sumusunod sa kanilang mga iniaatas.
  • Mga sasakyang-dagat at kagamitan na pinatatakbo sa loob ng California Costal Water Boundaries and the hurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin, na ang priyoridad ay ibinibigay sa mga pinatatakbo sa mga lugar na binigyang-diin sa Mapa ng Priyoridad sa Komunidad (PDF) ng Distrito ng Hangin
  • Ang mga bagong makina ay dapat iinstala at tumatakbo nang hindi kukulangin sa tatlong taon bago ang huling-araw sa pagsunod na tinukoy ng Regulasyon ng ARB Harbor Craft.
  • Kayang magkaloob ng mga rekord na nagdodokumento ng paggamit ng kagamitan mula sa mga naunang dalawang magkasunod na taon.

Mga Tuntunin at Regulasyon

Beripikahin ang pagiging karapat-dapat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga regulasyon na napapailalim ang iyong kagamitan.

Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa regulasyon ng ARB Harbor Craft o kontakin ang mga tauhan ng ARB sa pamamagitan ng email: harborcraft@arb.ca.gov o telepono: 1-888-442-7238.

Paano Dapat Mag-aplay

  1. Alamin ang pagiging karapat-dapat ng iyong kagamitan para sa programang ito.
  2. Tukuyin ang uri ng proyekto para sa iyong sasakyang-dagat at mga makina.
  3. Tipunin ang kinakailangang impormasyon tungkol sa iyong sasakyang-dagat, (mga) makina, at pamalit na (mga) makina o mga pagpapahusay sa kagamitan.
  4. Mag-aplay para sa pagpopondo online.

Mga Workshop at Ginaganap

Tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na workshop, ginaganap at huling-araw.

Karagdagang impormasyon

Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa pagpopondo sa sasakyang-dagat at kagamitan (PDF), kabilang ang mga detalye ng uri ng proyekto, impormasyon sa regulasyon, at mga iniaatas sa aplikasyon.

Contact Us

Yu Zhang Liu
Senior Staff Specialist, Mga Estratehikong Insentibo

415.749.8430 yliu@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 11/21/2023