Matuto tungkol sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado at malaman kung kwalipikado kang palitan ang iyong sasakyan, at makatanggap ng pagpopondo sa Clean Cars for All.
Puwedeng suriin ng mga kalahok na nagsumite ng aplikasyon sa pagitan ng Hulyo 1, 2022 at Enero 31, 2024 ang 2022-2023 na Mga Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado ng CCFA
Sa kasalukuyan, bukas lang ang Clean Cars for All sa mga residente ng Bay Area na kwalipikado ang kita na nakatira sa hurisdikyon ng Distrito ng Hangin.
Para maging kwalipikado sa Clean Cars for All, dapat ay nasa o mas mababa sa aming limitasyon sa kita ang taunang kita ng iyong sambahayan. Ipinapakita ang mga limitasyong ito sa talahanayan sa ibaba.
Laki ng Sambahayan | Limitasyon sa Taunang Kita ng Sambahayan |
1 | $45,180 |
2 | $61,320 |
3 | $77,460 |
4 | $93,600 |
5 | $109,740 |
6 | $125,880 |
7 | $142,020 |
8 | $158,160 |
9+ | Magdagdag ng $16,140 para sa bawat karagdagang tao |
Bilangin ang iyong sarili, ang kapareha mo, at ang sinumang dependent sa iyong tax return. |
Clean Transportation Options | Grant Amount | +DAC Census Tract *** |
Hybrid** | $7,000 | $7,000 |
Plug-In Hybrid | $9,500* | $11,500* |
Battery Electric | $10,000* | $12,000 |
Fuel Cell Electric Vehicle | $10,000 | $12,000 |
Mobility Option | $7,500 | $7,500 |
* Up to $2,000 is available for an EV charger rebate. Learn more by downloading the Electric vehicle charger Rebate Manual .
** Conventional hybrids will not be available as a replacement option for new applications beginning October 31, 2024, and awarded participants cannot purchase after December 31, 2024.
*** To confirm if you reside in a DAC census tract, view our Disadvantaged Community Census Tract Guide .
Hindi kwalipikado para sa Programang CCFA ang mga kalahok na nakatanggap ng pagpopondo mula sa Programa ng Tulong sa Clean Vehicle, Programa ng Tulong sa Clean Driving, Clean Cars 4 All Sacramento, Clean Cars 4 All San Diego, Replace Your Ride, Tune‐in & Tune‐up, at Drive Clean in the San Joaquin, pambuong estado na Clean Cars 4 All, , pambuong estado na programa sa Tulong sa Pananalapi, o anumang iba pang programang hindi puwedeng pagsama-samahin, i-stack, o tanggapin bilang karagdagan sa CCFA ng Distrito ng Hangin o Lupon ng Mga Resource sa Hangin ng California. Dapat ihintong gamitin ng mga kalahok ang kanilang sasakyan sa pamamagitan ng Clean Cars for All at hindi nila puwedeng ibenta ang nasabing sasakyan o hindi sila puwedeng tumanggap ng pagpopondo sa pamamagitan ng paghinto sa paggamit sa parehong sasakyan sa pamamagitan ng Programa ng Tulong sa Consumer (Consumer Assistance, CAP) o Programa ng Muling Pagbili ng Sasakyan (Vehicle Buy Back Program, VBB).
Dapat matugunan ng ihinintong gamiting sasakyan ang mga sumusunod na kinakakailangan:
Ang isang hindi nakarehistrong sasakyan o sasakyang nakarehistro sa kasalukuyan na hindi nakakatugon sa mga ipinag-aatas (c) at (d) sa seksyong Pagiging Kwalipikado ng Naretiro nang Sasakyan ay posible ring maging kwalipikado kung napatunayang sa California ito pangunahing ibiniyahe sa nakalipas na dalawang taon, at hindi ito nairehistro sa iba pang estado o bansa sa nakalipas na dalawang taon. Posibleng kasama ang mga sumusunod sa dokumentasyon:
Ang mga sumusunod na sasakyan ay hindi kwalipikadong lumahok sa Programang CCFA: