Alamin ang mga uri ng mga sasakyang puwede mong bilhin o i-lease para mapalitan ang luma mong sasakyan sa ilalim ng programang Clean Cars for All.
Program Advisory: As of November 30, 2022, the Clean Cars for All replacement vehicle maximum sale price has increased to $48,000 (excluding taxes, fees, warranties, or accessories). Read the Program Advisory to learn more.
Iniaalok ng Clean Cars for All ang opsyong bilhin o i-lease ang mga sumusunod na uri ng mga sasakyan para ipalit sa luma mong sasakyan:
Sa mga Hybrid na Sasakyang Gumagamit ng Kuryente (HEV) isinasama ang de-kuryenteng motor sa de-gasolinang engine. Ang mga sasakyang ito ay hindi puwedeng "isaksak" para "i-recharge." Ang motor na pinapaandar ng gasolina ay nagsisilbi ring generator para sa pag-recharge ng mga baterya sa mga hybrid. Hindi magiging kwalipikadong opsyong pamalit ang mga HEV simula sa Oktubre 31, 2024. Hindi puwedeng bumili ng mga HEV pagkalipas ng Disyembre 31, 2024.
Pinagsasama ng mga Plug-in Hybrid Electric Vehicle (PHEV) ang electric motor at makina ng gasolina. Ang mga baterya ng mga PEV ay muling kinakargahan ng motor na pinapaandar ng gasolina tuwing pumepreno at sa pamamagitan ng pagsaksak sa isang outlet o istasyon ng pag-charge. Puwedeng mismong gas lang o mismong baterya lang ang magpatakbo sa mga PHEV.Ang mga de-kuryenteng sasakyan na pinapagana ng baterya (BEV) ay umaandar gamit lamang ang kanilang de-kuryenteng motor. Muling kinakargahan ang mga baterya ng BEV sa pamamagitan ng pagsaksak sa isang outlet o istasyon ng pag-charge.
Gumagamit ang Mga Fuel Cell Electric na Sasakyan (FCEV) ng hydrogen fuel at electric motor sa halip ng internal combustion engine. Bagama't umaandar ang mga BEV gamit ang mga bateryang kailangang i-recharge, ang mga FCEV ay may sariling mahusay na power plant sa board: ang hydrogen fuel cell. Alamin kung may mga hydrogen fueling station malapit sa iyo sa website ng Mga Alternative Fuel.
Ang mga pamalit na sasakyan ay dapat may presyo na $48,000 pababa, at ang mga gamit nang pamalit na sasakyan ay dapat 8 modelo ng taon o mas bago (hal. taon ng kalendaryo 2023 = taon ng modelo 2016 o mas bago) at may wala pang 75,000 milya sa odometer ng mga ito. Puwedeng ibawas, o mabilang, ang mga rebate ng manufacturer sa limitasyon sa presyo ng sasakyang ito. Halimbawa, kung $50,000 ang presyo ng sasakyan, at may $2,500 na rebate ng manufacturer, kwalipikado ang sasakyan para sa CCFA. Ang mga rebate gaya ng Clean Fuel Reward at California Vehicle Rebate Project ay hindi mga rebate ng manufacturer, at hinid ibinabawas sa limitasyon sa sasakyan. Para sa higit pang impormasyon, suriin ang Checklist ng Clean Vehicle na ito.
Hindi ka ba sigurado kung anong sasakyan ang naaangkop para sa iyo? Matuto pa tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng mga hybrid na de-kuryenteng sasakyan, plug-in na de-kuryenteng sasakyan, at fuel cell na de-kuryenteng sasakyan sa aming Handout ng Teknolohiya ng De-Kuryenteng Sasakyan .
Ang mga sumusunod na resource ay makakatulong sa iyo na maunawaan kung anong mga de-kuryenteng modelo ang nasa market at para maihambing ang mga feature at presyo ng de-kuryenteng sasakyan. I-filter ang iyong paghahanap para sa uri ng sasakyan, badyet, gustong range, dami ng makakaupo, at higit pa.
Tandaan: Ang impormasyon sa sasakyan at insentiba ay ibinibigay sa pamamagitan ng mga resource na ito at para lang sa mga layunin ng pagbibigay ng impormasyon at hindi kumakatawan sa mga sasakyang kwalipikadong bilhin o i-lease sa pamamagitan ng programang CCFA. Direktang makipag-ugnayan sa aming mga awtorisadong dealership para sa kasalukuyang imbentaryo, presyo, at iba pang nauugnay na tanong.