Iba Pang Grant at Rebate

Languages:

Alamin ang iba pang grant para sa mga de-kuryenteng sasakyan at pag-charge.

Mga Opsyon sa Grant
Iba pang Programa Bagong EV Gamit nang EV Pag-charge ng EV Stackable sa Clean Cars for All?
DCAP
$2,500-$5,000
$2,500-$5,000
hanggang $2,000
 
**
Credit sa Buwis ng Pederal
hanggang $7,500
hanggang $4,000
 
 
Instant Rebate sa EV ng MCE
$3,500
$2,000
 
 
Rebate sa Pre-Owned na EV ng PG&E
 
$1,000-$4,000
 
 
Rebate sa Nagamit nang EV ng PCE
 
$2,000
 
 
 

*Hindi stackable ang mga insentibo pero posibleng may mga available na loan na mababa ang interes.

**Hindi stackable ang mga insentibo pero posibleng may mga available na loan na mababa ang interes.


Access sa Malinis na California (Access Clean California, ACC): Ang ACC ay isang pambuong estadong proyekto na nagkokonekta sa mga residenteng kwalipikado ang kita sa mga benepisyo sa malinis na enerhiya at transportasyon. Gamitin ang kanilang tool na Finder ng Benepisyo para malaman kung kwalipikado ka para sa iba pang lokal o pang-estadong benepisyo na makukuha kasabay ng Clean Cars for All.

Mga Sasakyan

Proyekto ng California para sa Rebate sa Clean Vehicle (California Clean Vehicle Rebate Project, CVRP)

Nag-alok ang Proyekto ng California para sa Rebate sa Clean Vehicle ng mga rebate na hanggang $7,500 para sa pagbili o pag-lease ng mga bagong kwalipikadong zero-emission vehicle. Nagsara ang CVRP noong Nobyembre 8, 2023 at hindi ito nagpaplanong magbukas ulit.

Programa ng Tulong sa Clean Driving (Driving Clean Assistance Program, DCAP)

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Lupon sa mga Tagatulong sa Hangin ng California, ipinagmamalaki ng CDHC na bigyan ang mga customer ng mga pagkakataong bumili ng nagamit nang maaasahang advanced technology vehicle.

  • Hanggang $5,000 na buy down
  • At espesyal na pagpopondong hanggang $30,000
  • May rate ng interes na hanggang 8%
  • Pagpopondo sa pamamagitan ng Travis Credit Union at Beneficial State Bank

May available ding rebate na hanggang $2,000 sa mga kalahok para sa pagbili at pag-install ng charger sa bahay. Hindi puwedeng isama ang DCAP sa Clean Cars for All.

Diskwento sa FasTrak

Makakatanggap ang mga kwalipikadong Sasakyan para sa Malinis na Hangin (Clean Air Vehicle, CAV) ng mga diskwento sa lahat ng toll bridge sa Bay Area na pag-aari ng estado (pero hindi sa Golden Gate Bridge) at mga biyahe na walang toll sa mga express lane.

Credit sa Buwis ng Pederal

Ang lahat ng de-kuryente at plug-in hybrid na sasakyang binili noong o pagkalipas ng 2021 ay posibleng kwalipikado para sa isang credit sa buwis sa kita ng pederal na hanggang $7,500. Mag-iiba ang halaga ng credit batay sa kapasidad ng baterya na ginagamit para patakbuhin ang sasakyan at sa manufacturer ng sasakyan.

Access sa Lane para sa High-Occupancy na Sasakyan (High-Occupancy Vehicle, HOV)

Ang programang Sasakyan para sa Malinis na Hangin (CAV) ay pinapangasiwaan ng Departamento ng Mga Sasakyang De-motor (Department of Motor Vehicles, DMV) sa pakikipagtulungan sa Lupon ng Mga Resource ng Hangin (ARB) ng ng California. Papahintulutan ng programa ang isang kwalipikadong sasakyang nakakatugon sa mga nakasaad na pamantayan sa emisyon na bibigyan ng decal ng CAV para payagan ang single occupancy na paggamit ng mga lane para sa High-Occupancy na Sasakyan (HOV o carpool).

Tandaan: Para sa isang sasakyang binili noong o pagkalipas ng Enero 1, 2018, hindi puwedeng magbigay ang DMV ng decal ng CAV sa isang aplikanteng nakatanggap ng rebate sa consumer sa pamamagitan ng Proyekto ng California para sa Malinis na Sasakyan (CVRP). Dapat pumili ang isang aplikanteng may gross na taunang kita na mahigit sa mga nakasaad na limitasyon sa pagitan ng decal ng CAV o rebate ng CVRP.

Programa ng MCEv

Nag-aalok ang MCE ng hanggang $3,500 sa pagbili o pag-lease ng bago o gamit nang EV o PHEV para sa mga kwalipikadong customer sa mga kalahok na dealership. Para maging kwalipikado, ikaw ay dapat na customer ng MCE, nakatira sa lugar ng serbisyo ng MCE, pagbili o pag-lease ng kwalipikadong bago o gamit nang EV o plug-in hybrid mula sa kalahok na dealership, panatilihin ang EV mo nang hindi bababa sa 24 na magkakasunod na buwan pagkatapos ng petsa ng pagbili o pag-lease ng sasakyan, at naka-enroll dapat ito sa partikular na programa para sa mababa ang kita (nasa kanilang website ang listahan ng mga programa) o nakakatugon ka dapat sa mga kwalipikasyon sa kita. Mailalapat lang ang rebate sa panahon ng pagbili ng mga lumalahok na dealer. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang Mga Instant Rebate sa EV ng MCE o makipag-ugnayan sa team ng suporta sa Instant Rebate sa EV sa (628) 272-9910.

Pacific Gas and Electric – Programa sa Rebate sa Pre-Owned na Electric Vehicle

Nag-aalok ang programang PG&E Pre-Owned Electric Vehicle sa lahat ng kwalipikadong electric service customer ng dalawang antas ng insentiba kapag bumili o nag-lease sila ng preowned na battery electric o plug-in hybrid na sasakyan. Isang $1,000 na pamantayang rebate o opsyong Rebate Plus na $4,000 para sa aplikanteng nakakatugon sa mga partikular na ipinag-aatas batay sa kita.

Peninsula Clean Energy – Programa ng Rebate sa Nagamit nang EV

Puwedeng makatanggap ang mga residente ng County ng San Mateo at Lungsod ng Los Banos ng rebate na haggang $2,000 para i-offset ang presyo sa pagbili ng isang nagamit nang EV. Hindi kailangang mag-apply ng mga residente bago bilhin ang kanilang EV para maging kwalipikado, pero dapat nilang tiyaking nakakatugon sila sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado at kwalipikado ang kanilang gamit nang EV.

Pag-charge

MCE Sync

Ang MCE Sync ay smart phone app na pinapamahalaan ng EV.Energy na nag-o-automate sa pag-charge ng EV sa bahay ng customer para magamit ang pinakamura at pinakamalinis na energy sa grid, habang pinupuno ang charge ng kanilang mga EV kapag kailangan nila ito. Makakakuha ang mga kalahok ng isahang $50 na bonus sa enrollment at hanggang $10 buwan-buwan para sa smart charging ng kanilang EV. Ang average na sambahayan na may EV ay makakatipid rin ng dagdag na $100 kada taon sa kanilang mga bill ng kuryente! Para maging kwalipikado para sa MCE Sync, ikaw ay dapat na customer ng MCE na nakatira sa lugar ng serbisyo ng MCE at may mga compatible na EV o charger para sa bahay (nasa kanilang website ang listahan ng mga compatible na EV at charger). Puwede kang mag-enroll sa anumang residensyal na plano ng rate ng kuryente; makikita ang mas malaking savings sa bill sa rate ng EV o iba pang Panahon ng Paggamit. 

Pacific Gas and Electric – Mga Plano ng Rate sa Electric Vehicle

Nag-aalok ang Pacific Gas and Electric (PG&E) ng dalawang rate plan sa de-kuryenteng sasakyan sa mga residensyal na customer. Sa Pag-charge sa Bahay, isinasama ng EV2-A ang mga gastusin sa kuryente ng iyong sasakyan sa mga gastusin sa tirahan mo. Sa EV-B, kailangang mag-install ng isa pang metro, na naghihiwalay sa mga gastusin sa kuryente ng iyong sasakyan sa mga gastusin sa tirahan mo.

Pacific Gas and Electric – Empower EV

Nag-aalok ang Programa ng Empower EV ng PG&E sa mga sambahayang kwalipikado ang kita ng hanggang $2,500 na pinansyal na insentibo. Nasasaklawan ng programa ang mga kwalipikadong customer sa mga single-family na sambahayan na bumili o nag-lease kamakailan ng EV sa loob ng anim na buwan bago mag-apply sa programa.

Sonoma Clean Power – GridSavvy

Nagbibigay ang (SCP) ng Level 2 (32-40 amp) na smart charger na nakakonekta sa internet sa mga kwalipikadong customer.

Magbabayad kaagad ang mga customer para sa 50% ng gastusin sa charger, buwis sa benta, $50 na bayarin sa pagpapadala at pangangasiwa, at anumang gastusin sa pag-install. Kapag na-install at na-activate na ang charger, ike-credit ng SCP ang mga credit sa paunang bayad, at ikakaltas nito rito ang anumang gastusin sa pag-install.

Iba pa

Rebate sa e-bike ng County ng Contra Costa

Nag-aalok ang Rebate sa e-bike ng County ng Contra Costa ng mga rebate na $150 hanggang $500 sa mga residente ng County ng Contra Costa. Puwedeng mag-apply ang mga aplikante para sa bagong e-bike na binili sa loob ng nakalipas na 6 na buwan, at isang rebate ang pinapayagan kada tao at isang rebate kada home residence.  Ang rebate sa e-bike ay $150 para sa mga kwalipikadong aplikante; para sa kwalipikado ang kita, ang rebate ay $300; at para sa mga kwalipikado ang kita at nakatira sa Antioch, Bay point, Concord, Pittsburg, Richmond, o San Pablo, kwalipikado ang mga aplikante para sa $500 na rebate.

Estado ng California – Pagreretiro ng Sasakyan ng Programa ng Tulong sa Consumer

Ang Programa ng Tulong sa Consumer (Consumer Assistance Program, CAP) ay pinapangasiwaan ng Kawanihan para sa Pagkukumpuni ng Sasakyan. Layunin ng CAP na pagandahin ang kalidad ng hangin ng California sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga emisyon ng sasakyan. Kung may-aari kang gumaganang sasakyan na kamakailang nakapasa o hindi nakapasa sa isang inspeksyon para sa Pagsusuri ng Smog, posibleng kwalipikado kang makatanggap ng incentive para iretiro ang sasakyan mo. Posibleng hindi makatanggap ang mga kalahok ng pondo mula sa Clean Cars for All kung makakatanggap sila ng pondo mula sa CAP para sa parehong sasakyang nireretiro (batay sa Numero ng Pagkakakilanlan ng Sasakyan).

  • Posibleng makatanggap ng $1,500 ang mga consumer na may kwalipikadong kita na nakakatugon sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ng programa
  • Posibleng makatanggap ng $1,000 ang lahat ng iba pang kwalipikadong consumer

Programang Pag-buy Back ng Sasakyan 

Bibigyan ng Programang Pag-buy Back ng Sasakyan (Vehicle Buy Back Program, VBB) ang mga residente ng Bay Area ng $1,200 para i-scrap ang kanilang gumagana pang nakarehistrong 1998 o mas lumang sasakyan. Para maging kwalipikado ang iyong sasakyan, nakakatugon dapat ito sa Mga Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado ng Sasakya at dapat makapasa ito sa Pag-inspeksyon sa Pagiging Kwalipikado ng Sasakyan (tingnan ang website para sa kumpletong detalye). Posibleng hindi makatanggap ang mga kalahok ng pondo mula sa Clean Cars for All kung makakatanggap sila ng pondo mula sa VBB para sa parehong sasakyang nireretiro (batay sa Numero ng Pagkakakilanlan ng Sasakyan).

Contact Us

GRID Alternatives

855.256.3656 CleanCars@gridalternatives.org

Contact Us

Spare the Air Status