Pagpopondo sa Gawad

Panrehiyong Pondo

Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa Panrehiyong Pondo ng TFCA at pag-aralan ang mga pagkakataon sa pagpopondo para sa mga proyektong alternatibong gatong at pagbawas ng biyahe.

Animnapung porsiyento (60%) ng mga pondo ng Pondo ng Transportasyon para sa Malinis na Hangin (Transportation Fund for Clean Air, TFCA) ay iginagawad nang tuwiran ng Distrito ng Hangin sa mga karapat-dapat na proyekto at programa na ipinatutupad nang tuwiran ng Distrito ng Hangin at sa programang ito na tinatawag na Panrehiyong Pondo ng TFCA.

Mga Uri ng Proyekto

Ang mga pondo ay makukuha para sa mga sumusunod na uri ng proyekto:

  • Pagbawas ng Biyahe - kabilang ang shuttle and ridesharing, at pagsubok na mga proyekto sa pagbawas ng biyahe.
  • Mga sasakyan para sa malinis na hangin at impra-istruktura - kabilang ang mga sasakyang gumagamit ng alternatibong gatong at impra-istruktura ng alternatibong gatong.
  • Mga Pasilidad ng Bisikleta- kabilang ang mga landas ng bisikleta/mga lane/ruta, locker at rack.
  • Iligtas ang Hangin - nagsasagawa ng mga aktibidad na pakikipag-ugnayan upang bawasan ang mga milyang nilalakbay ng sasakyan (vehicle miles traveled, VMT) at mga emisyon sa pamamagitan ng pagbabago ng asal.
  • Ang Pinahusay na Pagpapatupad sa Gumagalaw na Pinanggagalingan/Mga Benepisyo ng Nagbibiyahe - ay pinalitan ng pokus upang ipatupad ang mga aktibidad na pagpapatupad na may kaugnayan sa bagong Programang mga Benepisyo ng Nagbibiyahe.
  • Muling Pagbili ng Sasakyan - ang pagpopondo ng TFCA para sa programang ito ay sumusuporta sa mga pagsisikap sa pangangasiwa at pagpapalaganap na isinasagawa ng mga kontratista ng Distrito ng Hangin.

Pagiging Karapat-dapat

Lahat ng munisipalidad, mga ahensiya ng gobyerno, at pampublikong institusyong pang-edukasyon na matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng ISINAPANAHONGhurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin ay karapat-dapat na mag-aplay para sa pagpopondo. Ang hindi pampublikong entidad ay karapat-dapat para sa pagpopondo para sa mga sasakyan para sa malinis na hangin at impra-istruktura ng alternatibong gatong.

Ang pagpopondo ay dapat gamitin upang bawasan ang mga emisyon mula sa mga karapat-dapat na loob-ng-daan na mga gumagalaw na pinanggagalingan.

Paano Dapat Mag-aplay

Bisitahin ang mga webpage ng proyekto ng TFCA sa ibaba para sa impormasyon tungkol sa proseso ng aplikasyon:

Mga Workshop at Ginaganap

Tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na workshop, ginaganap, at huling-araw.

Contact Us

Grants Programs Information Request Line

415 749-4994 grants@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 5/21/2024