Pagpopondo sa Gawad

Mga Pagkakaloob ng Programang James Cary Smith na Gawad sa Komunidad ng 2016

Alamin kung sino ang pinagkalooban ng pagpopondo ng Programang James Cary Smith na Gawad sa Komunidad ng 2016.

Ang Distrito ng Hangin ay malugod na nagpapahayag ng mga tatanggap ng Pagkakaloob ng Programang Gawad sa Komunidad na James Cary Smith ng 2016.

Ang Programang Gawad sa Komunidad ay magpapalawak ng mga pagsisikap na bawasan ang pagpaparumi sa hangin at pahusayin ang pagtutulungan at tuwirang partisipasyon ng komunidad sa proteksiyon ng ating kalusugan at kapaligiran.

Sa taong ito, ang Distrito ng Hangin ay tumanggap ng 23 kumpletong aplikasyon, na may isang kabuuan na hiniling na halaga na $573,274. May nakahandang pagpopondo, nagawa naming pondohan ang 11 namumukod na proyekto para sa isang kabuuan na $261,274.

Sampu ng mga piniling proyekto ay tuwirang kalahok ang mga komunidad ng CARE na lubusang naapektuhan ng pagpaparumi sa hangin, habang ang isa ay umaasinta sa mga komunidad na hindi CARE na karatig ng mga pangunahing freeway. Lahat ng proyekto ay nakikipagbakasan sa isang nakabase-sa-komunidad na organisasyon o sa isa ng 18 lokal na mataas na paaralan.

Ang mga aplikasyon ay may matinding tagisan at ang proseso ng pagsusuri ay mahirap. Ang malaking pangangailangan at merito ay malinaw sa lahat na lumahok sa proseso ng pagsusuri ng aplikasyon. Kami ay nananatiling bukas sa paghahanap ng ibang mga paraan upang makipagtulungan sa maraming mahuhusay na aplikante na hindi napondohan. Malugod na tinatanggap din ng Distrito ng Hangin ang inyong komento upang gawing mas malakas ang programang ito.

Binabati namin ang bawat tumanggap, at sa lahat ng aplikante ang pinakataos na pasasalamat para sa inyong patuloy na pagsisikap na pabutihin ang kalidad ng hangin sa Bay Area.

Listahan ng Pagkakaloob ng Programang Gawad sa Komunidad sa FYE 2016

Page Loading

Contact Us

David Ralston
Tagapamahala ng Paglahok ng Komunidad, Pagpaplano, mga Tuntunin at Pananaliksik

415.749.8423 dralston@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 10/22/2019