Pagpopondo sa Gawad

Mga Bus ng Paaralan

Pahusayin o palitan ang diesel na mga bus ng paaralan, o palitan ang on-board na mga tangke ng likas na gas sa pamamagitan ng Programang Mas Mababa ang Emisyon na Bus ng Paaralan. Ang programang ito ay naglalayong bawasan ang pagkahantad ng mga bata sa nakakapinsalang mga emisyon ng diesel na bus.

Ang Distrito ng Hangin ay kasalukuyang tumatanggap ng mga aplikasyon para sa lahat ng uri ng proyekto.

Ang Distrito ng Hangin ay tumatanggap ng mga aplikasyon para sa pagpapalit ng on-board na tangke ng siniksik na likas na gas (CNG) ng bus ng paaralan, mga proyektong pagpapalit ng bus ng paaralan, at pagpapatibay ng bus ng paaralan.

Mga Uri ng Proyekto

Ang pagpopondo ay iniaalok sa pamamagitan ng Pondo ng Insentibo sa Gumagalaw na Pinanggagalingan batay sa kung sino ang nauna hanggang ang lahat ng pondo ay magasta. Ang mga aplikasyon ay dapat na kumpleto upang isaalang-alang-alang para sa pagpopondo.

Ang mga pondo ay makukuha para sa mga sumusunod na uri ng proyekto:

  • Pagpapalit ng bus - palitan ang 1993 at mas lumang mga bus ng bagong diesel o alternatibong gatong na mga bus.
  • Pagpapatibay ng makina - mag-instala ng isang kagamitan sa pagkontrol ng emisyon (1987 at mas bagong mga makina).
  • Pagpapalit ng tangke - palitan ang on-board na mga tangke ng siniksik na likas na gas (mga bus na nasa pagitan ng 14-16 taong gulang).

Pagiging Karapat-dapat

Ang mga sumusunod na organisasyon ay karapat-dapat para sa pagpopondo:

  • Mga distrito ng pampublikong paaralan ng Bay Area na nagmamay-ari ng kanilang sariling mga bus, kabilang ang nasa ilalim ng tadhana ng isang Kasunduan sa Pinagsamang mga Kapangyarihan (karapat-dapat para sa LAHAT ng tatlong uri ng proyekto).
  • Mga kompanya ng transportasyon sa paaralan na nagkakaloob ng mga serbisyo sa ilalim ng kontrata sa mga distrito ng pampublikong paaralan ng Bay Area (karapat-dapat para sa mga pondo sa pagpapatibay LAMANG).
  • Ang mga di-nagtutubong ahensiya, pribadong paaralan, at ibang pribadong kompanya ay HINDI karapat-dapat para sa pagpopondo sa ilalim ng programang ito.

Paano Dapat Mag-aplay

  1. Alamin ang pagiging karapat-dapat ng iyong sasakyan para sa programang ito.
  2. Tukuyin ang uri ng proyekto para sa iyong bus.
  3. Tipunin ang kinakailangang impormasyon tungkol sa iyong kasalukuyang bus o tangke at pamalit na bus o tangke.
  4. Mga porma ng Aplikasyon

Mga Workshop at Ginaganap

Tingnan ang Kalendaryo para sa mga darating na workshop, ginaganap, at huling-araw.

Impormasyon Tungkol sa Pangangasiwa ng Bus ng Paaralan

Ang Regulasyon sa Trak at Bus ng ARB ay nag-aatas na ang kasalukuyang loob-ng-daan na diesel na mga sasakyan kabilang ang mga bus ng paaralan na pinatatakbo sa California ay pahusayin upang bawasan ang mga emisyon. Responsibilidad ng may-ari ng bus ng paaralan na maunawaan ang mga iniaatas ng regulasyon ng ARB at kung paano nakakaapekto ang regulasyon sa kanilang fleet. Ang pagbibigay ng gawad ng LESBP ay hindi nagpapalawig ng anumang huling-araw ng pagsunod sa regulasyon.

Karagdagang impormasyon

Contact Us

Lina Patel
Manunuring Pampangasiwaan

415.749.5117 lpatel@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 11/20/2023