Maglagay ng bagong imprastruktura para sa electric charging o palawakin ang kapasidad sa isang dati nang site para sa electric charging.
Bukas Ngayon
Bukas na ngayon ang competitive na solicitation para sa imprastruktura ng electric charging para suportahan ang mga sasakyan sa kalsada, off-road na equipment, sasakyang pandagat, at locomotive. Hanggang $35 milyon ang available para sa paglalagay ng bago - o para sa pagpapalawak ng - mga electric charger at imprastruktura na naa-access at hindi naa-access ng publiko. Ang pondo ay para sa paglalagay at pagpapatakbo ng permanenteng de-kuryenteng imprastruktura na magpapasimula sa paggamit ng mga zero-emission na sasakyan at equipment sa Bay Area, magpapabilis sa mga pagpapaganda sa kalidad ng hangin at sa pag-transition sa zero-emission sa Mga Priyoridad na Komunidad, at ipe-place sa serbisyo sa unang bahagi ng 2027.
Paano Mag-apply
Bisitahin ang aming web page na Mag-apply para sa Pondo para malaman kung aling mga kategorya ng proyekto ang kwalipikado para sa pagpopondo ng cycle na ito at ma-access ang online na portal ng aplikasyon.
Gabay sa Programa
Hinihikayat ang mga aplikante na suriin ang Gabay sa Programa at ang mga available na materyales, at dumalo sa webinar bago mag-apply. Makakakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa pag-apply at makikita ang mga kinakailangang dokumento sa web page na Mag-apply para sa Pondo .
Hiwalay na susuriin ang bawat site sa isang proposal. Magkukumpitensya ang mga site na nakakatugon sa lahat ng pangunahing kinakailangan sa pagiging kwalipikado batay sa mga pamantayan sa pagpili na nakalista sa Gabay sa Programa, at mamarkahan at ira-rank ang mga ito batay sa mga pamantayang iyon. Ang mga site na nakakatugon sa mga pangunahing kinakailangan sa pagiging kwalipikado ay irerekomenda para sa pondo sa naka-rank na order hanggang sa mabuos ang lahat ng pondong available sa ilalim ng solicitation na ito.
Mga Kinakailangang Dokumento
Gaya ng nakabalangkas sa Gabay sa Solicitation, kinakailangan sa solicitation na ito na masiumite ang mga sumusunod na dokumento kasama ng aplikasyon:
- Checklist ng Kinakailangang Dokumentasyon(159 Kb PDF, 1 pg, posted 6/10/2024)
- Spreadsheet ng Impormasyon ng Site(32 Kb XLSX, posted 6/6/2024) (I-download)
- Form ng Permit(50 Kb DOCX, posted 6/6/2024) (I-download)
- Form ng Co-Funding(54 Kb DOCX, posted 6/6/2024) (I-download)
- Pahayag ng Pagsunod sa Regulasyon(113 Kb PDF, 1 pg, posted 6/7/2024)
- Sample na Naka-itemize na Quote(75 Kb PDF, 1 pg, posted 6/6/2024)
- Sample na Naka-itemize na Badyet(52 Kb PDF, 1 pg, posted 6/6/2024)
Mga Kwalipikadong Uri ng Proyekto
Kasama sa mga kwalipikadong uri ng proyekto ang mga imprastruktura ng electric charging na naa-access at hindi naa-access ng publiko na sumusuporta sa mga sumusunod:
- Mga sasakyan sa kalsada na may gross vehicle weight rating (GVWR) na mahigit 8,500 lbs., pantransportasyong bus, at school bus
- Off-road na equipment, gaya ng:
- Mga agricultural na tractor at equipment
- Equipment sa konstruksyon
- Mga Pantransportasyong Refrigeration Unit
- Mga Forklift
- Equipment para sa Cargo
- Equipment para sa Ground Support
- Iba pang naaangkop na off-road na equipment
- Mga locomotive at pang-marine na equipment
Ang
Charge! ng Distrito ng Hangin Nag-aalok ang programa ng pondo para sa
mga istasyon sa pag-charge ng baterya na naa-access ng publiko para sa mga istasyong sumusuporta ng mga light-duty vehicle (GVWR 8,500 pounds at mas magaan).
Mga Pangunahing Pamantayan sa Pagiging Kwalipikado
- Nasa hurisdiksyon dapat ng Distrito ng Hangin ang imprastruktura.
- Kwalipikadong mag-apply ang mga pampubliko at pribadong entity na mayroong Numero ng Pagkakakilanlan ng Nagbabayad ng Buwis.
- Pag-aari dapat ng mga aplikante ang lupa, o dapat ay mayroon silang legal na kontrol sa pagtatayuan ng proyekto para sa kabuuan ng termino ng proyekto.
- Ang mga aplikante ay dapat nakakasunod at patuloy na sumunod sa lahat ng naaangkop na batas, ordinansa, at regulasyon ng building code (tingnan ang kahon na may impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng CARD sa dulo ng seksyong ito).
- Para maging kwalipikado, boluntaryo dapat ang mga proyekto (hindi iniaatas o minamandato ng regulasyon).
- Para sa imprastruktura sa pag-charge ng baterya: Level 2 o higit pa dapat ang mga charger.
- Ang mga aplikante ay dapat magsumite ng aplikasyon, mabigyan ng award, at pumasok sa isang kasunduan sa grant kasama ng Distrito ng Hangin bago simulan ang kanilang mga proyekto. Madidiskwalipika ang mga proyektong nagsimula na (hal., na-place na ang order o deposito) bago pa ang kasunduan sa pagpopondo.
Dapat suriin ng mga interesadong aplikante ang mga partikular na web page ng uri ng equipment para sa mga posibleng karagdagang kinakailangan.
Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan ng CARB
Ang mga tanong tungkol sa mga regulasyon sa pagsunod ng Lupon ng Mga Resource sa Hangin ng California (California Air Resources Board) ay dapat idirekta sa mga staff ng CARB sa 1-800-242-4450 o helpline@arb.ca.gov.
Mga Pangkalahatang Kinakailangan ng Proyekto
- Magkakaroon ang mga kwalipikadong proyekto ng kinakailangan sa paggamit o fueling sa termino ng proyekto.
- Lisensyadong contractor dapat ang gumawa sa pag-install.
- Bago dapat at hindi na-remanufacture o na-refurbish ang equipment at mga parte.
- Ang imprastrukturang naa-access ng publiko ay dapat may 95 porsyentong uptime na may 24/7 na serbisyo sa customer sa site, sa pamamagitan ng toll-free na numero ng telepono.
- Posibleng kailanganin ng warranty sa equipment ng imprastruktura.
- Kinakailangan ng mga detalyadong quote (hal., breakdown ng mga parte, paggawa, mga buwis, shipping, at iba pang gastusin at bayarin) bilang bahagi ng aplikasyon.
- Hindi dapat pumasok ang mga aplikante sa mga may bisang kasunduan o order sa pananalapi bago maipatupad ang isang kasunduan sa grant kasama ng Distrito ng Hangin.
Mga Kwalipikadong Gastusin
- Disenyo at engineering.
- Equipment (hal., mga charging/fueling unit, equipment para sa storage ng enerhiya, metro/data logger, shipping, buwis sa benta, power generation sa site gaya ng hangin at solar).
- Paglalagay, pagpapahintulot, pagkonsulta sa kapaligiran, at iba pang naaangkop na bayarin at gastusing direktang nauugnay sa proyekto.
Mga Source ng Pondo
Puwedeng gamitin ng Distrito ng Hangin ang isa o higit pa sa mga source na ito ng pondo para sa mga proyekto sa imprastruktura.
Kung nag-a-apply ka para sa pondo ng Distrito ng Hangin at gusto mo ng karagdagang pondo mula sa iba pang source, isaad ito sa iyong aplikasyon. Puwede ring mag-alok ang PG&E ng pondo para sa mga proyekto sa imprastruktura.
Mga Workshop at Event
Lubos na hinihikayat ang mga interesadong partido na dumalo sa nalalapit na webinar para matuto tungkol sa mga kinakailangan sa programa at proseso ng aplikasyon. Tandaang kinakailangang magparehistro para makasali sa webinar, at hinihikayat na magparehistro nang maaga.
- Martes, Hunyo 25, 2024, nang 2 PM Pacific Daylight Time (Magparehistro)
Bisitahin ang aming web page na Mag-apply para sa Pondo para sa mga nalalapit na workshop, event, at deadline.
Mga Source