|
|
Alamin ang tungkol sa espesyal na layunin na proyektong pagsubaybay ng usok ng kahoy ng Distrito ng Hangin.
Ang pagsunog ng kahoy sa tirahan ay nag-aambag sa pinong particulate na bagay (PM) sa hangin. Sa kasalukuyan, walang mga paraang tuwirang sumusukat ng nakapaligid na PM mula sa usok ng kahoy, bagaman ang Distrito ng Hangin ay gumagamit ng iba't ibang paraan upang tantiyahin ang kontribusyon ng usok ng kahoy sa mga konsentrasyon ng PM. Ang isa sa pinakatumpak na mga paraan ng pagtantiya ay gumamit ng tinipong mga sampol ng PM, na nagtataglay ng mga partikulo mula sa lahat ng pinanggagalingan, sa mga buwan ng taglamig (Nobyembre 15 – Pebrero 15) at saka sinusuri ang mga ito para sa carbon-14.
Carbon-14 ay isang radyoaktibong isotope ng karbon na patuloy na nalilikha sa atmospera ng mga cosmic ray. Ito ay may kalahating-buhay na of 5,730 taon. Ang mga puno at ibang mga bagay na nagtataglay ng karbon na nahahantad sa atmospera ay nagtataglay ng bakas ng isotope na ito. Sa kabilang banda, ang mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman (ibang pangunahing pinanggagalingan ng particulate na bagay) ay hindi nagtataglay ng carbon-14. Ito ay dahil ang mga ito ay nasa lupa nang milyun-milyong taon at ang carbon-14 ay nabulok.
Ang pagsusuri ng carbon-14 ay nagpapahintulot sa Distrito ng Hangin na tantiyahin ang bahagi ng nakapaligid na particulate na bagay na dahil sa usok ng karbon at ang Distrito ng Hangin ay ginagamit ang paraang ito sa maraming taon upang alamin ang mga kontribusyon at pagbabago sa dami ng carbon-14 sa Bay Area.
Last Updated: 8/3/2023