|
|
Kumuha ng kaalaman tungkol sa Distrito ng Hangin, aming Lupon, aming Pamumuno, aming Misyon, aming Kasaysayan at kung paano kayo makakasama sa amin sa pagprotekta sa pampublikong kalusugan, kalidad ng hangin at pandaigdig na klima.
Nilikha ng Lehislatura ng California ang Distrito ng Hangin noong 1955 bilang unang panrehiyong ahensiya ng pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin sa bansa. Ang Distrito ng Hangin ay may tungkulin na pangasiwaan ang mga nakapirming pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin sa siyam na county na nakapaligid sa San Francisco Bay: Alameda, Contra Costa, Marin, Napa, San Francisco, San Mateo, Santa Clara, at nasa timog-kanlurang Solano, at na timog na mga county ng Sonoma. Ito ay pinamamahalaan ng isang 22-miyembrong Lupon ng mga Direktor na binubuo ng lokal na inihalal na mga opisyal mula sa bawat isa ng siyam na county ng Bay Area, na ang bilang ng mga miyembro ng lupon mula sa bawat county ay ayon sa proporsiyon ng populasyon.
Ang Lupon ay nangangasiwa ng mga patakaran at nagpapatibay ng mga regulasyon para sa pagkontrol ng pagpaparumi sa hangin sa loob ng distrito. Ang Lupon ay naghihirang ng Tagapagpaganap na Opisyal/Opisyal sa Pagkontrol ng Pagpaparumi sa Hangin, na nagpapatupad ng mga patakarang ito at nagbibigay ng direksiyon sa mga tauhan, gayon din ng Abugado ng Distrito, na namamahala ng mga gawaing pambatasan ng ahensiya. Ang Distrito ng Hangin ay binubuo ng higit sa 340 dedikadong tauhan, kabilang ang mga inhinyero, inspektor, tagaplano, siyentista, at ibang mga propesyonal.
Ang Distrito ng Hangin ay tinutulungan ng isang Konseho sa Pagpapayo na nagkakaloob ng kontribusyon sa Lupon at sa Tagapagpaganap na Opisyal tungkol sa mga bagay na nauukol sa kalidad ng hangin at isang Lupon ng Pagdinig. Ang Lupon ng Pagdinig ay isang independiyente, limang-miyembrong lupon na naglilingkod upang dinggin ang mga isyu sa pagsunod sa regulasyon na maaaring lumitaw sa pagitan ng Distrito ng Hangin at mga lokal na industriya, at dumirinig din ng mga apela sa mga desisyon sa pagbibigay ng permiso na ginawa ng Tagapagpaganap na Opisyal.