Tungkol sa Distrito ng Hangin

Draft na Estratehikong Plano

Updated 7/25/2024

Tumatanggap ang Distrito ng Hangin ng pampublikong komento sa 2024-2029 Estratehikong Plano.

Noong nakaraang taglagas, sinimulan ng Distrito ng Hangin na gumawa ng estratehikong plano para isaayos ang mga priyoridad nito sa susunod na limang taon. Ginawa ang 2024-2029 Estratehikong Plano, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lider ng komunidad, empleyado ng Distrito ng hangin, Lupon ng Mga Direktor at mga miyembro ng Konseho sa Pagpapayo ng Komunidad, kinatawan mula sa mga pinaghihigpitang industriya, at aming mga partner sa pamahalaan. Tinalakay namin, nang sama-sama, ang mga kailangang baguhin, ang mga nagagawa namin nang maayos, at ang mga puwede pa naming pagbutihin.

Nakatuon ang 2024-2029 Estratehikong Plano sa apat na pangunahing layunin: magkaroon ng makabuluhang epekto, isulong ang katarungan sa kapaligiran, bigyang-daan ang cohesion at inclusion, at magpanatili ng organisasyong epektibo, responsable, at nakatuon sa customer. Idinisenyo ang mga layunin ng plano para mas mapalapit kami sa aming pangmatagalang layunin, at pangmalapitang hangarin, na magkaroon ng transformation sa organisasyon. Batay ang mga ito sa mga pangunahing pinapahalagahan ng Distrito ng Hangin: katarungan sa kapaligiran, pagkakapanta-pantay, integridad, pakikipagtulungan, transparency, at tiwala.

Tumatanggap ang Distrito ng Hangin ng pampublikong komento sa draft na Estratehikong Plano. Tatanggap ng mga nakasulat na komento hanggang Agosto 5. Para magsumite ng pampublikong komento, mag-email sa strategicplan@baaqmd.gov.

Magsasagawa ang Distrito ng Hangin ng dalawang pampublikong workshop para magbahagi ng higit pang impormasyon, sumagot ng mga tanong, at mangalap ng pampublikong komento sa 2024-2029 Estratehikong Plano:

  • Virtual na Workshop: Martes, Hulyo 30 mula 5:00 PM – 7:00 PM; Kinakailangang magparehistro at puwede itong advance na gawin
  • San Francisco: Huwebes, Agosto 1 mula 1:00 PM – 3:00 PM

Contact Us

Leonid Bak
Senior Advanced Projects Advisor , Pananalapi

415.749.5075 lbak@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 7/25/2024