Kumuha ng kaalaman tungkol sa Sonoma County - ang klima, potensiyal ng mga inaalala sa pagpaparumi sa hangin, at kasalukuyang kalidad ng hangin. Maaari mo ring tingnan ang mga gaganapin ng Distrito ng Hangin sa Sonoma County at basahin ang tungkol sa mga lokal na pagsisikap na pabutihin ang kalidad ng hangin.
Ang Sonoma County ay matatagpuan sa kanluran ng county ng Lake at Napa, hilaga ng Marin County, at hilaga ng Mendocino County. Ang Distrito ng Hangin ay may hurisdiksiyon lamang sa timog na bahagi ng county, na kabilang ang Santa Rosa, Petaluma, at Sonoma. Dalawang kinatawan ng Sonoma County ay nakaupo sa Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.
Klima
Ang klima ng Sonoma County ay apektado unang-ua ng topograpiya ng mga valley ng Petaluma, Cotati, at Sonoma. Ang mga temperatura ay katulad sa mga valley ng Petaluma at Cotati, habang ang mga temperatura ng Sonoma Valley ay mas mainit, katulad sa Napa Valley. Ang karaniwang mga temperatura sa araw-araw ay mula sa kainaman sa magdamag hanggang sa mainit sa araw sa tag-init, at malamig sa magdamag hanggang sa kainaman sa araw sa taglamig. Ang mga disenyo ng hangin sa mga valley ng Petaluma at Cotati ay malakas na naiimpluwensiyahan ng Petaluma Gap, na may kalmado hanggang banayad na mga hangin na pangkaraniwan sa pareho ng Santa Rosa at Petaluma. Sa mga huling bahagi ng hapon sa tag-init, ang fog ay karaniwan sa mga valley ng Petaluma at Cotati, at maaaring manatili hanggang sa huling bahagi ng umaga sa susunod na araw. Ang sikat ng araw sa Sonoma Valley ay marami. Ang taunang patak ng ulan ay mula sa 24 na pulgada sa Petaluma, 29 na pulgada sa Sonoma, at 30 pulgada sa Santa Rosa.
Ang klima ng Sonoma County ay apektado rin ng panrehiyong mga impluwensiya ng klima sa Bay Area. (icon) (PDF)
Interaktibong Mapa ng mga Istasyon ng Pagsubaybay sa Hangin
Kalidad ng Hangin sa Sonoma County
Ang pagpaparumi ng ozone at pinong partikulo, o PM2.5, ay ang mga pangunahing panrehiyong pamparumi sa hangin na inaalala sa San Francisco Bay Area. Ang ozone ay unang-unang problema sa tag-init, at ang pagpaparumi ng pinong partikulo ay sa taglamig.
Bagaman ang karamihan ng loob ng Sonoma County ay maaaring matinding uminit sa tag-init, ang mga resulta ng pagsubaybay sa hangin ay nagpapakita na ang lugar na ito ay nakakaranas ng ilang pinakamababang antas ng ozone sa buong Bay Area. Ang mga puwang sa mga burol sa kanluran ay nagpapahintulot ng sariwang hangin ng dagat sa lupa sa lahat maliban sa pinakamainit na mga araw ng tag-init.
Ang PM2.5 ay maaaring tumaas, partikular dahil sa pagsunog ng kahoy sa panahon ng holiday, pero muli, ang mga resulta ng pagsubaybay sa hangin ay nagpapakita na ang rehiyong ito ay may ilang pinakamababang antas ng PM2.5 sa buong Bay Area.
Interaktibong Mapa ng Hula sa Kalidad ng Hangin
Pangkat ng Tagatulong sa County
Ang Pangkat ng Tagatulong sa Iligtas ang Hangin ng Sonoma County ay nagtataguyod ng mga paraan upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa lokal na komunidad.