Tungkol sa Distrito ng Hangin

Santa Clara County

Kumuha ng kaalaman tungkol sa Sonoma County - ang klima, potensiyal ng mga inaalala sa pagpaparumi sa hangin, at kasalukuyang kalidad ng hangin. Maaari mo ring tingnan ang mga gaganapin ng Distrito ng Hangin sa Sonoma County at basahin ang tungkol sa mga lokal na pagsisikap na pabutihin ang kalidad ng hangin.

Pinakabagong Balita

Ang Santa Clara County ay nasa timog ng San Francisco Bay, na ang mga county ng San Mateo at Alameda ang naghahangga dito sa hilaga, Santa Cruz County sa kanlungan, San Benito County sa timog, at mga county ng Stanislaus at Merced sa silangan. Apat na kinatawan ng Santa Clara County ay nakaupo sa Lupon ng mga Direktor ng Distrito ng Hangin.

Klima

Sa panahon ng tag-init, karamihan ng maliliwanag na langit ay nagreresulta sa maiinit na temperatura sa araw at malalamig na gabi. Ang mga temperatura sa taglamig ay banayad, maliban sa napakalamig pero pangkaraniwang walang frost na mga umaga. 

Sa mas loob ng lupakung saan ang nagpapakalmang epekto ng bay ay hindi kasinlakas, ang mga sukdulang temperatura ay mas matindi. Ang mga disenyo ng hangin ay naiimpluwensiyahan ng lokal na kaayusan ng lupa, na ang pahilagang-kanluran na hihip ng dagat ay pangkaraniwang nabubuo sa araw. Ang mga hangin ay karaniwang mas malakas sa tagsibol at tag-init. Ang dami ng patak ng ulan ay kainaman, mula sa 13 pulgada sa mga mababang lupa hanggang sa 20 pulgada sa mga burol.

Ang klima ng Santa Clara County ay apektado rin ng panrehiyong mga impluwensiya ng klima sa Bay Area

Interaktibong Mapa ng mga Istasyon ng Pagsubaybay sa Hangin

Kalidad ng Hangin sa Santa Clara County

Ang pagpaparumi ng ozone at pinong partikulo, o PM2.5, ay ang mga pangunahing panrehiyong pamparumi sa hangin na inaalala sa San Francisco Bay Area. Ang ozone ay unang-unang problema sa tag-init, at ang pagpaparumi ng pinong partikulo ay sa taglamig.

Karamihan ng Santa Clara County ay sa timog ng mas malamig na mga tubig ng San Francisco Bay at malayo mula sa mas malamig na hangin ng dagat na karaniwang umaabot sa San Mateo County sa tag-init.  Ang ozone ay madalas na nabubuo sa maiinit na araw ng tag-init kapag ang namamayaning pana-panahong pahilagang mga hangin ay nagdadala ng mga pinagmulan patimog sa buong county, nagiging dahilan upang mahigitan ang mga pamantayan sa kalusugan. 

Ang Santa Clara County ay nakakaranas ng maraming exceedance ng pamantayan sa PM2.5 bawat taglamig.  Ito ay dahil sa mataas na densidad ng populasyon, usok ng kahoy, trapikong pang-industriya at sa freeway, at mahinang sirkulasyon ng hangin sa panahon ng taglamig na dulot ng malalawak na burol sa silangan at kanluran na humaharang sa daloy ng hangin papasok sa rehiyon.

Interaktibong Mapa ng Hula sa Kalidad ng Hangin

Pangkat ng Tagatulong

Ang Spare the Air Resource Team ng Santa Clara County ay nagtataguyod ng mga paraan upang bawasan ang pagpaparumi sa hangin sa lokal na komunidad.

Spare the Air Status

Huling Isinapanahon: 11/8/2016