|
|
Alamin ang tungkol sa espesyal na layunin na proyektong pagsukat ng Distrito ng Hangin sa madaling mawala na mga organikong timplada.
Madaling Mawala na Organikong Timplada (Volatile Organic Compound, VOC) ay mga pinagmulan ng ozone, kasama ng Oxides of nitrogen (NOx). Sa kalagitnaan ng mga taon ng 1990s, itinag ng Ahensiya sa Proteksiyon ng Kapaligiran (Environmental Protection Agency, EPA) ng Estados Unidos ang Photochemical Assessment Monitoring Stations (PAMS) upang subaybayan ang mga antas ng VOC sa mga lugar na mataas ang ozone. Tatlong rehiyon sa hilagang California (Sacramento, Fresno at Bakersfield) ay inaatasang sumukat ng mga VOC bilang bahagi ng programang PAMS ng US EPA. Ang Bay Area ay hindi inaatasang lumahok sa programa dahil sa mababang mga konsentrasyon ng ozone at marginal na katayuan na di-pagtatamo.
Sa kabila ng katayuan na kaugnay ng ozone ng Bay Area, ang Distrito ng Hangin ay nangangako na patuloy na pag-aaralan ang ozone sa rehiyon at tatasahin ang mga benepisyo ng iminumungkahi at pinagtitibay na mga pagkontrol ng emisyon. Mula sa pananaw na iyon, mahalagang sukatin ang mga VOC sa Bay Area.
Upang tulungan ang Distrito ng Hangin upang mas mahusay na mataya ang pagbuo ng sona, tatlong istasyon ng pagsukat ng VOC ang itinatag sa pakikipagtulungan sa US EPA. Ang mga istasyong ito (sa San Ramon, Livermore at Patterson Pass) ay nagsimulang magpatakbo noong 2009 at 2010. Mulang noon, ang mga antas ng VOC ay patuloy na sinusundan sa mga lokasyong ito, kasama ng NOx at mga datos na meteorolohikal. Ang mga datos na nakuha mula sa mga istasyong ito ay ginagamit para sa pagsusuri ng mga antas ng nakapaligid ng VOC, pagtaya ng mga modelo at para sa pag-aaral ng pagtugon sa nakapaligid ng ozone sa mga pagbawas ng emisyon.
Last Updated: 8/3/2023