Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Iligtas ang Hangin

Alamin ang Programang Iligtas ang Hangin, paano nakakaapekto ang mga panahon sa kalidad ng hangin, at paano malalaman kung ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin ay pinaiiral.

Ginawa ng Distrito ng Hangin ang Programang Iligtas ang Hangin para bigyan ang publiko ng paunang paunawa kapag ang kalidad ng hangin ay inaasahang maging masama sa kalusugan, turuan ang mga residente tungkol sa polusyon sa hangin, at hikayatin ang mga pagkilos para pagandahin ang kalidad ng hangin sa Bay Area.

Bilang bahagi ng Programang Iligtas ang Hangin, hinihingi ng Distrito ng Hangin sa mga residente na bawasan ang pagpaparumi sa pamamagitan ng mga desisyong para sa ikalilinis ng hangin bawat araw. Maaaring kabilang dito ang paglalakad at pagbibisikleta nang mas madalas, pagsakay sa pampublikong transportasyon, telecommuting o pag-carpool, pagbawas sa pagmamaneho, pagbawas sa paggamit ng enerhiya sa bahay, at marami pang ibang pang-araw-araw na desisyong nagpapabuti ng kalidad ng hangin.

Iligtas ang Hangin sa Tag-init

Sa mga buwan ng tag-init, ang polusyon sa ozone (kilala rin bilang ulap-usok) ay posibleng maging problemang pangkalusugan sa Bay Area. Ang Distrito ng Hangin ay nag-iisyu ng mga Alerto na Iligtas ang Hangin sa mga araw na ang kalidad ng hangin ay tinatayang magiging hindi maganda sa kalusugan at hinihimok nito ang mga residente na bawasan ang pagmamaneho at bawasan ang paggamit ng mga nakaruruming bumubuo ng ozone. Ang mga residenteng sensitibo sa hanging hindi mabuti sa kalusugan ay pinapayuhang limitahan ang kanilang oras sa labas, lalo na sa hapon, kung kailan ang mga temperatura ay mas mainit at tumataas ang mga antas ng ozone.

Iligtas ang Hangin sa taglamig

Sa mga buwan ng taglamig, o kapag may mga wildfire sa kabuuan ng taon, ang polusyong dulot ng particulate matter ay posibleng umabot sa mga antas na hindi mabuti sa kalusugan sa Bay Area. Sa mga araw kung kailan ang mga antas ng particulate matter ay itinatayang magiging mataas, nag-iisyu ang Distrito ng Hangin ng Alerto na Iligtas ang Hangin, na ginagawang ilegal ang pagsunog ng kahoy sa buong Bay Area. Sa mga araw na ito, ang mga residente ay pinapayuhan na limitahan ang kanilang oras sa labas, lalo na ang mga sensitibo sa hanging hindi maganda sa kalusugan. Ang mga residente ay maaaring maghain ng reklamo tungkol sa usok ng kahoy online o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-877-4NO-BURN (466-2876).

Noong 2019, ang pagbabawal sa pagsunog ng kahoy ay pinalawak para isama ang anumang araw sa buong taon kung kailan may bisa ang Alerto na Iligtas ang Hangin dahil sa matataas na antas ng polusyon dulot ng pinong particulate, gaya kapag may wildfire.

Ang impormasyon tungkol sa pagpopondo para palitan ang mga kalan na nagsusunog ng kahoy at inilalagay sa fireplace ay makikita sa web page ng Clean HEET.

Mga Alerto na Iligtas ang Hangin

Upang malaman kung ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig ay pinaiiral:

  • Bisitahin ang website ng Iligtas ang Hangin
  • Tawagan ang 1-800-HELP-AIR, o 1-877-4NO-BURN (466-2876) para sa mga pagbabawal sa pagsunog ng kahoy
  • I-download ang Spare the Air app para sa iPhone o Android at tingnan ang katayuan ng kalidad ng hangin sa iyong smart phone
  • Mag-sign up para sa mga paunawa ng Alerto sa Hangin sa pamamagitan ng email
  • Kumonekta sa Iligtas ang Hangin sa social media (tingnan ang mga link sa social media sa kanang bahagi sa itaas ng website ng Iligtas ang Hangin)
  • Mag-subscribe sa Mga Alerto sa Text ng Iligtas ang Hangin 

Sign up for Spare the Air Text Alerts

*

Contact Us


Pangkalahatang Impormasyon

415 749-4900


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 8/3/2023