|
|
Alamin ang Programang Iligtas ang Hangin, paano nakakaapekto ang mga panahon sa kalidad ng hangin, at paano malalaman kung ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin ay pinaiiral.
Ginawa ng Distrito ng Hangin ang Programang Iligtas ang Hangin para bigyan ang publiko ng paunang paunawa kapag ang kalidad ng hangin ay inaasahang maging masama sa kalusugan, turuan ang mga residente tungkol sa polusyon sa hangin, at hikayatin ang mga pagkilos para pagandahin ang kalidad ng hangin sa Bay Area.
Bilang bahagi ng Programang Iligtas ang Hangin, hinihingi ng Distrito ng Hangin sa mga residente na bawasan ang pagpaparumi sa pamamagitan ng mga desisyong para sa ikalilinis ng hangin bawat araw. Maaaring kabilang dito ang paglalakad at pagbibisikleta nang mas madalas, pagsakay sa pampublikong transportasyon, telecommuting o pag-carpool, pagbawas sa pagmamaneho, pagbawas sa paggamit ng enerhiya sa bahay, at marami pang ibang pang-araw-araw na desisyong nagpapabuti ng kalidad ng hangin.
Sa mga buwan ng tag-init, ang polusyon sa ozone (kilala rin bilang ulap-usok) ay posibleng maging problemang pangkalusugan sa Bay Area. Ang Distrito ng Hangin ay nag-iisyu ng mga Alerto na Iligtas ang Hangin sa mga araw na ang kalidad ng hangin ay tinatayang magiging hindi maganda sa kalusugan at hinihimok nito ang mga residente na bawasan ang pagmamaneho at bawasan ang paggamit ng mga nakaruruming bumubuo ng ozone. Ang mga residenteng sensitibo sa hanging hindi mabuti sa kalusugan ay pinapayuhang limitahan ang kanilang oras sa labas, lalo na sa hapon, kung kailan ang mga temperatura ay mas mainit at tumataas ang mga antas ng ozone.
Sa mga buwan ng taglamig, o kapag may mga wildfire sa kabuuan ng taon, ang polusyong dulot ng particulate matter ay posibleng umabot sa mga antas na hindi mabuti sa kalusugan sa Bay Area. Sa mga araw kung kailan ang mga antas ng particulate matter ay itinatayang magiging mataas, nag-iisyu ang Distrito ng Hangin ng Alerto na Iligtas ang Hangin, na ginagawang ilegal ang pagsunog ng kahoy sa buong Bay Area. Sa mga araw na ito, ang mga residente ay pinapayuhan na limitahan ang kanilang oras sa labas, lalo na ang mga sensitibo sa hanging hindi maganda sa kalusugan. Ang mga residente ay maaaring maghain ng reklamo tungkol sa usok ng kahoy online o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-877-4NO-BURN (466-2876).
Noong 2019, ang pagbabawal sa pagsunog ng kahoy ay pinalawak para isama ang anumang araw sa buong taon kung kailan may bisa ang Alerto na Iligtas ang Hangin dahil sa matataas na antas ng polusyon dulot ng pinong particulate, gaya kapag may wildfire.
Ang impormasyon tungkol sa pagpopondo para palitan ang mga kalan na nagsusunog ng kahoy at inilalagay sa fireplace ay makikita sa web page ng Clean HEET.
Upang malaman kung ang isang Alerto na Iligtas ang Hangin sa Taglamig ay pinaiiral:
Last Updated: 8/3/2023