Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Mga Mapa ng mga Interaktibong Datos

Tingnan ang mga interktibong mapa na nagpapakita ng panahon at mga datos sa pagsubaybay sa kalidad ng hangin mula sa mga lugar sa buong Bay Area.

Mga Mapa ng mga Datos ng Pasilidad

Alamin ang tungkol sa mga pasilidad na pinangangasiwaan ng Distrito ng Hangin. Palakihin ang tingin upang makita ang mga indibidwal na pasilidad at alamin ang tungkol sa kanilang mga lokasyon at mga emisyon.

Mapa ng Pagsubaybay sa Kalidad ng Hangin

Ang mga datos ng kalidad ng hangin mula sa mga lugar na ipinakikita sa mapa sa ibaba ay makikita online. Ang mga pagparun na sinusukat ay kabilang ang ozone, oxides of nitrogen, carbon monoxide, sulfur dioxide, hydrogen sulfide, particulate na bagay, mga hydrocarbon, elemental at organikong karbon, at iba't ibang mapanganib na mga pamparumi sa hangin I-click ang isang istasyon ng interes upang makita ang karagdagang impormasyon tungkol sa lugar ng pagsubaybay.

Layer ng Mapa ng Lebel-ng-Lupa na Pagsubaybay

Ang lebel-ng-lupa na mga tagasubaybay ay mga istasyon ng pagsubaybay sa kalidad ng hangin na inilalagay nang malapit sa partikular na malalaking pasilidad na pang-industriya, tulad ng mga dalisayan ng hangin, gaya ng iniatas ng permiso ng pasilidad. Ang pasilidad ay nagpapatakbo ng kagamitan sa pagsubaybay, pero ang Distrito ng Hangin ay nagpapatibay at nagsusuri sa mga datos na tinitipon ng istasyon.

Layer ng Mapa ng mga Datos ng Panahon

Ang mga meteorolohikal na datos mula sa mga lugar ng pagsubaybay na ipinakikita sa mapa sa ibaba ay matitingnan. I-click ang isang istasyon ng interes at ang isang bagong browser window ay magbubukas na may impormasyon tungkol sa lugar at mga file na maaaring i-download.

Mapa ng mga Apektadong Komunidad

Ang programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (Community Air Risk Evaluation, CARE) ay tumutukoy sa mga lugar na may matataas na konsentrasyon ng pagpaparumi sa hangin at mga populasyon na pinakamahina ang panlaban sa mga epekto sa kalusugan ng pagpaparumi sa hangin. Ang mga mapa, kasama ng impormasyon tungkol sa mga pamparumi at ang mga pinanggagalingan ng mga ito na humahantong sa mga epekto, ay tumutulong sa paghahanay ng maraming aksiyon na idinisenyo upang itaguyod ang malulusog na komunidad sa pamamagitan ng Inisyatibo sa mga Komunidad na Malinis ang Hangin.

Mapa ng Bukas na Pagsunog

Ang bukas na pagsunog ay ang pagtatapon ng anumang basurang materyal sa isang bukas, panlabas na sunog. Ang usok mula sa bukas na pagsunog ay nagtataglay ng mga napakapinong partikulo, gas, at ibang nakalalasong kemikal na maaaring malanghap nang malalim patungo sa mga baga.

Upang mabawasan ang masasamang epekto ng usok sa pampublikong kalusugan, ang bukas na pagsunog ay pangkaraniwang ipinagbabawal sa Bay Area - maliban sa 17 uri ng sunog na pinangangasiwaan sa lalim ng Regulasyon 5 ng Bukas na Pagsunog ng Distrito ng Hangin. Ang mga partikular na sunog para sa layuning pang-agrikultura, pagkontrol ng baha, pagsasanay para sa sunog at pagpigil sa mga panganib ng sunog, kasama ng ibang mga layunin, ay ipinahihintulot kapag ang mga kondisyon ng panahon ay pabor para sa paghihiwa-hiwalay at dilusyon ng usok. Marami sa mga sunog na ito ay ipinahihintulot lamang sa mga partikular na panahon - o mga panahon ng pagsunog - sa buong taon.

Mapa ng Hula sa Kalidad ng Hangin

Ang Distrito ng Hangin ay nag-iisyu araw-araw ng hula sa kalidad ng hangin na humuhula ng mga antas ng pagpaparumi sa hangin para sa darating na limang-araw na panahon. Ang hulang ito ay gumagamit ng panukat ng Indise ng Kalidad ng Hangin ng EPA ng U.S. Para sa mga layunin ng paghula, ang mga lungsod ng Bay Area ay hinati sa limang sona ng pag-uulat.

Contact Us


Pangkalahatang Impormasyon

415 749-4900


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 6/9/2022