|
|
Kunin ang pinakahuling impormasyon at napag-alaman mula sa nakabase-sa-produksiyon na imbentaryo ng Distrito ng Hangin ng mga emisyon ng gas ng greenhouse.
Maraming pamparumi sa hangin na may impluwensiya na nagpapainit sa klima. Ang Distrito ng Hangin ay naghananda ng mga imbentaryo ng mga emisyon ng mga gas ng greenhouse, o mga GHG, kilalang naag-aambag nang malaki sa pagbabago ng klima, kabilang ang:
Ang Distrito ng Hangin ay naghanda ng dalawang imbentaryo ng mga emisyon ng gas ng greenhouse. Ang nakabase-sa-produksiyon na imbentaryo ng mga emisyon na inilalarawan sa ibaba ay nagsusuri ng mga emisyon ng GHG na nalilikha sa loob ng Bay Area. Ang nakabase-sa-pagkonsumo na imbentaryo ng mga emisyon ay nagsusuri ng mga emisyon ng GHG na may kaugnayan sa mga paninda at serbisyo na kinokonsumo sa loob ng Bay Area, saanman nalikha ang mga ito. Magkasama, ang dalawang imbentaryo ay nagkakaloob ng isang mas kumpletong pagtatala ng epekto ng Bay Area sa pagbabago ng klima.
Ang pinakahuling imbentaryo ng mga emisyon ng mga pamantayang nagpaparumi ay makukuha sa Buod ng Ulat ng Imbentaryo ng mga Emisyon sa Bay Area para sa Pamantayan sa mga Gas ng Greenhouse: Batayang Taon 2011 (PDF). Ang ulat ay nagsasabuod ng mga emisyon ng GHG at mga takbo dahil sa mga aktibidad ng tao, kabilang ang pang-industriya, pangkomersiyo, para sa transportasyon, tirahan, gubat, at pang-agrikulturang mga aktibidad sa the Bay Area. Nagtatayo mula sa mga naunang imbentaryo, ang ulat ay nagkakaloob ng mga tantiya ng emisyon para sa taon 2011.
Ang mga karagdagang sumusuportang dokumento at datos para sa batayang taon na 2011 ay makukuha rin.
Ang mga sumusunod na pagbabago sa pamamaraan ay ginawa sa imbentaryo ng mga emisyon ng GHG noong 2011:
Ang mga pagpapahusay sa imbentaryo ng mga emisyon ng GHG are isang mahalagang bahagi ng programang proteksiyon ng klima ng Distrito ng Hangin. Ang ilang malapit-sa-taning na mga pagsasapanahon ay isinagawa upang suplementuhan ang imbentaryo ng mga emisyon ng GHG ng 2011, kabilang ang:
Last Updated: 8/22/2023