Tungkol sa Kalidad ng Hangin

Mga Espesyal na Proyektong Pagsubaybay sa Hangin

Alamin ang tungkol sa espesyal na layunin na mga proyektong pagsubaybay sa Bay Area at pagsubaybay sa mga dalisayan.

Mga Lokal na Proyektong Pagsubaybay sa Hangin

Bilang karagdagan sa pangregulatoryong pagsubaybay sa hangin sa mga pangmatagalang istasyon ng pagsubaybay sa hangin, gumagamit ang Distrito ng Hangin ng iba't ibang paraan para masukat ang kalidad ng hangin sa iba pang lokasyon sa Bay Area para sa mga mas maiikling pag-aaral. Ang mga espesyal na proyekto ng pagsubaybay sa hangin na ito ay posibleng may iba't ibang layunin para sa pangangalap ng datos, gaya ng:

  • Pagtukoy at paglalarawan sa mga emisyong tumatawid sa bakod ng isang pasilidad,
  • Pagtukoy ng mga epekto ng mga emisyon ng pasilidad sa mga kalapit na komunidad,
  • Pagtataya sa mga naipong epekto ng maraming pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa mga lubos na apektadong komunidad,
  • Pagkolekta ng higit pang impormasyon tungkol sa pagkakaiba-iba sa lokal na antas sa mga antas ng mga partikular na nagpaparumi, at
  • Pag-alam kung ang pagsukat sa kalidad ng hangin sa pinakamalapit na pangmatagalang istasyon ng pagsubaybay sa hangin ay tumpak na kumakatawan sa mga antas ng nagpaparumi sa isang lugar ng interes.

Nagbibigay rin ang Distrito ng Hangin ng teknikal na suporta sa mga grupong pangkomunidad na nagsasagawa ng pagsubaybay sa hangin at proyekto ng pagsusuri sa mga datos sa pamamagitan ng isang third-party na kontratang tinatawag na Bay Air Center. Bisitahin ang website ng Bay Air Center para matuto pa.

Mga Paparating at Kamakailang Proyekto sa Pagsubaybay sa Hangin

Pag-aaral sa Pag-uugnay ng Amoy sa South Bay

Maraming taon nang may mga isyu sa amoy sa Milpitas at sa mga nakapaligid na komunidad dahil sa lapit ng mga ito sa tambakan ng basura, istasyon ng paglipat, planta ng sewage treatment, at operasyon ng pagpoproseso ng pataba at organikong basura. Ang Distrito ng Hangin ay nagsagawa ng Pag-aaral sa Pag-uugnay ng Amoy para matukoy ang mga nangangamoy na compound na nakakaapekto sa lokal na komunidad at ilarawan ang mga amoy na ibinubuga ng tatlong malapit na pasilidad sa mga katulad na profile ng amoy (Newby Island Resource Recovery Park, San Jose-Santa Clara Regional Wastewater Facility, at Zero Waste Energy Development), pati na rin ang iba pang potensiyal na pinagmumulan ng amoy sa lugar na ito. Ang layunin ng pag-aaral ay tukuyin ang ambag at pagkakaiba-iba ng mga amoy mula sa mga pasilidad na ito at anupamang pinagmumulan sa malapit, pati na rin ang sumuporta ng estratehiya para bawasan ang mga amoy na nakakaapekto sa lokal na komunidad. Bisitahin ang web page ng Pag-aaral sa Pag-uugnay ng Amoy sa South Bay para matuto pa.

Pagsubaybay sa Hangin sa Komunidad ng East Oakland

Ang Distrito ng Hangin, Mga Komunidad para sa Mas Magandang Kapaligiran at University of California, Berkeley ay magkakatuwang para magpatupad ng pangmaraming-taon na proyekto ng komunidad sa pagsubaybay sa hangin sa East Oakland. Bahagi ng proyektong ito ay pinopondohan ng gawad mula sa Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran (Environmental Protection Agency) ng US para sa mas mahusay na pagsubaybay sa kalidad ng hangin para sa mga komunidad. Bisitahin ang web page ng Pagsubaybay sa Hangin ng Komunidad sa East Oakland para matuto pa.

Pagsubaybay sa Hangin ng Komunidad ng Richmond-North Richmond-San Pablo

Nakikipagtulungan ang Distrito ng Hangin sa mga miyembro ng komunidad na pagandahin ang kalidad ng hangin sa Richmond-North Richmond-San Pablo. Bilang bahagi ng Programa ng Proteksiyon sa Hangin ng Komunidad ng California, kilala rin bilang Panukalang-batas ng Asembleya 617, isang Steering Committee ng Komunidad na may 35 miyembro ang nagrekomenda ng pag-aaral na pagsubaybay sa mga nakalalason sa hangin gamit ang van ng pagsubaybay sa hangin ng Distrito ng Hangin para subaybayan kung paano nagkakaiba-iba ang mga antas ng ilang partikular na pamparumi sa iba't ibang lugar. Ang mga resulta mula sa pag-aaral na ito ay nagbibigay sa komunidad ng karagdagang impormasyon habang nagtutulungan tayong bumuo ng mga estratehiyang pagandahin ang kalidad ng hangin sa lugar sa pamamagitan ng isang Planong Pagbawas sa Mga Emisyon ng Komunidad. May higit pang impormasyon, kabilang ang mga napag-alamang nailathala sa StoryMap, na matatagpuan sa web page ng Trabaho at Mga Materyales sa Pagsubaybay sa Hangin ng Komunidad ng Richmond-North Richmond-San Pablo.

Mga Dating Proyekto ng Pagsubaybay sa Hangin

Tumingin ng impormasyon tungkol sa iba pang proyekto ng pagsubaybay sa hangin:


Pagsubaybay at mga Planta

Ekspertong Panel ng Pagsubaybay

Upang ipatupad ang pagsubaybay sa mga planta ng Bay Area ang Distrito ng Hangin ay bumuo ng isang Ekspertong Panel sa Pagsubaybay ng Kalidad ng Hangin upang magrekomenda ng mga teknolohiya, paraan, at kasangkapan upang pabutihin ang mga kakayahan sa pagsubaybay sa malapit sa mga pasilidad na ito.

Pagsubaybay sa Hangin ng Komunidad Malapit sa mga Planta

Bagama't ang Distrito ng Hangin ay nagpapatakbo ng maraming istasyon ng pagsubaybay sa nakapaligid na hangin sa buong Bay Area, hindi sinasalamin ng data mula sa mga istasyong iyon ang mga konsentrasyon ng pamparumi sa bawat lokasyon. Bilang karagdagan, ang pagkakalantad sa polusyon ay magkakaiba sa bawat lugar at ang ilang komunidad malapit sa malalaking pasilidad na pang-industriya ay posibleng may higit na malaking problema sa mga emisyon ng hangin o iba pang anyo ng nagpaparumi. Kadalasang nangangailangan ng mga karagdagang hakbang para mas maunawaan at matugunan ang mga naiipong alalahaning pangkapaligiran dito sa mga “komunidad sa fenceline.”

Para matugunan ang mga pangangailangang ito, inilunsad ng Distrito ng Hangin ang Programa nito ng Pagsubaybay sa Hangin ng Komunidad sa Pangunahing Nakapirming PInagkukunan noong 2016 nang may layunin ng pagtatatag ng mga istasyon ng pagsubaybay ng hangin sa mga lugar kung saan may malalaking nakapirming pinagkukunan ng polusyon na maaaring makaambag sa mga epekto malapit sa pinagkukunan at hindi nakukuha ng kasalukuyang network ng Distrito ng Hangin. Ginagawa munang priyoridad ng Distrito ng Hangin ang mga komunidad na may mga planta ng petrolyo at malalaking pasilidad ng pagmamanupaktura ng mga napapanibagong gatong pero maaaring magpuwesto ng mga istasyon ng pagsubaybay sa mga komunidad na may iba pang uri ng pasilidad sa hinaharap. Ang karagdagang datos na nabubuo ng mga tagasubaybay ng komunidad na ito ay makakapagbigay sa publiko ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga kondisyon ng kalidad ng hangin sa mga komunidad malapit sa mga planta at iba pang malaking pasilidad, at masusuportahan ang pagsusuri ng mga takbo ng kalidad ng hangin at iba pang pagtatasa sa kalidad ng hangin.

Ang ulat sa ibaba ay nagbibigay ng pangkalahatang-tanaw ng Programa ng Pagsubaybay sa Hangin ng Komunidad sa Pangunahing Nakapirming Pinagkukunan, at binabalangkas nito ang pangkalahatang proseso para sa pagsasaalang-alang ng impormasyon para tumukoy ng mga bahaging tutugon sa mga layunin para sa mga bagong lokasyon ng pagsubaybay ng komunidad. Kabilang din sa ulat ang isang serye ng mga teknikal na apendise, na nagbibigay ng mga pagsusuri kada kaso para sa pagtukoy ng mga gustong lokasyon para sa mga partikular na istasyon ng pagsubaybay malapit sa limang planta ng Bay Area. Makukuha na ngayon ang pagsusuri para sa planta ng Valero at ang mga pagsusuri para sa iba pa ay ipo-post dito kapag nakumpleto na ang mga ito.

Contact Us


Pagsubaybay sa Hangin

415 749-4985

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 3/12/2024