|
|
Alamin ang tungkol sa proseso ng Distrito ng Hangin, mga paraan, at mga hangarin para sa pagbuo ng mga plano sa pamamahala ng kalidad ng hangin para sa Bay Area.
Ang Distrito ng Hangin ay naghahanda at nagsasapanahon ng mga plano sa kalidad ng hangin upang makamit ang pang-estado at pambansang mga pamantayan sa kalidad ng nakapaligid na hangin, sumunod sa mga pang-estado at pambansang iniaatas sa pagpaplano ng kalidad ng hangin, at panatilihin ang malusog na hangin sa Bay Area. Upang ihanda ang mga planong ito, ang mga tauhan ng Distrito ng Hangin ay gumagawa ang detalyadong mga pagsusuring teknikal, kabilang ang:
Ang mga plano sa kalidad ng hangin ay tumutukoy sa posibleng mga hakbang at estratehiya sa pagkontrol, kabilang ang mga tuntunin at regulasyon na maaaring ipatupad upang bawasan ang mga emisyon ng pamparumi sa hangin mula sa mga pasilidad na pang-industriya, mga prosesong pangkomersiyo, mga sasakyang de-motor na ginagamit sa daan at labas ng daan, at ibang mga pinanggagalingan. Ang Distrito ng Hangin ay nagpapatupad ng mga estratehiyang ito sa pamamagitan ng mga tuntunin at regulasyon, mga programang gawad at insentibo, pampublikong edukasyon at pakikipag-ugnayan, at mga pakikipagbakasan sa ibang mga ahensiya at apektado.
Christy Riviere
Pangunahing Tagaplanong Pangkapaligiran
415.749.4925 criviere@baaqmd.gov
Last Updated: 7/24/2023