Tumutugon at nagsisiyasat ang Air District sa lahat ng reklamo sa pagpaparumi sa hangin. Ang paglutas sa mga problema ng kalidad ng hangin ay ang isa sa mga may pinakamataas na prayoridad ng Air District.
Ang mga reklamo sa kalidad ng hangin ay puwedeng iulat online o sa pamamagitan ng telepono. Papanatilihing kumpidensyal ng Air District ang personal na impormasyon ng nagrereklamo, gaya ng pangalan, address, at numero ng telepono, hanggang sa pinapahintulutan ng batas. Puwede ring piliin ng mga miyembro ng publiko na mag-ulat ng mga reklamo sa anonymous na paraan.
Kapag nag-uulat ng reklamo sa kalidad ng hangin, ibigay ang kahit gaano karaming impormasyon na posible. Ang pagbibigay ng mga detalyadong paglalarawan ng reklamo ay mas makakatulong sa inspektor ng Air District na makita ang pinagmumulan ng mga emisyon at matukoy ang mga alalahanin o paglabag sa mga regulasyon ng kalidad ng hangin.
Report an air quality complaint online or call our 24-hour toll-free complaint line.
Nagbibigay ang Air District ng mga serbisyo sa pagsasalin ng wika para sa mga nagrereklamo na hindi English ang pangunahing wika. Available ang over-the-phone na pagsasaling wika sa mahigit 150 wika at puwede itong hilingin sa pamamagitan ng pagtawag sa linya ng Air District sa pangkalahatang reklamo sa 1-800-334-ODOR (1-800-334-6367) at pagsunod sa mga prompt, o sa pamamagitan ng pagtukoy ng gustong wika pagkatapos makonekta sa isang dispatcher.
Sundin ang kapaki-pakinabang na tip na ito kapag nag-uulat ng reklamo sa kalidad ng hangin. Makakatulong din ang pagsagot ng isang Log sa Mga Emisyon para maisadokumento ang mga obserbasyon, dahil posible itong maibahagi sa inspektor na tutulong sa pagsisiyasat.
Para matuto pa tungkol sa programa sa reklamo at proseso ng pagsisiyasat ng Air District, bisitahin ang web page ng Programa ng Reklamo sa Kalidad ng Hangin ng Air District.
From time to time, the Air District may receive an air quality complaint in which the complainant states that they believe they or others were denied full and equal access to an Air District program or activity because of a protected status, including those identified in the Air District’s Accessibility and Non-Discrimination Policy, which prohibits discrimination on the basis of race, national origin, ethnic group identification, ancestry, religion, age, sex, sexual orientation, gender identity, gender expression, color, genetic information, medical condition, or mental or physical disability, and other protected statuses.
Air District staff who receive or investigate such a complaint shall promptly notify their manager of the allegation and the manager shall refer the complaint to the Air District Non-Discrimination Coordinator.
For more information about how to file a complaint of discrimination, visit the Air District's Non-Discrimination Policy and Complaint Procedure page.
Please address questions regarding the Non-Discrimination Policy to the Air District's Non-Discrimination Coordinator.
Last Updated: 12/6/2024