Air Quality Complaint Policy and Procedures

Learn about the Air District's Complaint Policy and Procedures and how we investigate air pollution concerns to ensure compliance with air quality rules and regulations. 

Ang Patakaran at Mga Pamamaraan ng Reklamo sa Kalidad ng Hangin ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya tungkol sa Programa sa Reklamo ng Air District at gabay ito para sa mga inspektor sa kanilang pagtugon at pagsisiyasat hinggil sa potensyal na tuloy-tuloy na paglalabas ng mga emisyon sa hangin.

Proseso sa Reklamo sa Kalidad ng Hangin

  • 1. Tatanggapin ng Dispatcher ang Reklamo
     
    Itatala ng dispatcher ang reklamo at ipapadala ang mga detalye ng reklamo sa Inspektor.
     
  • 2. Tutugon ang Inspektor at
    Iimbestigahan ang Reklamo
     
    Puwedeng tumawag o makipagkita nang personal sa iyong ang Inspektor bilang bahagi ng pagsisiyasat para matukoy ang posibleng pinagmulan at dahilan ng mga emisyon.
     
  • 3. Magsasagawa ang Inspektor ng Pagsisiyasat sa
    Mga Potensyal na Pinagmulan ng Emisyon
     
    Magsasagawa ng pagsisiyasat ang imbestigador sa pinaghihinalaang site para matukoy ang pagsunod sa mga naaangkop na regulasyon sa kalidad ng hangin at titiyakin na mababawasan at malulutas ang anumang mga emisyon o alalahanin sa pagsunod. Puwedeng magsagawa ng aksyon sa pagpapatupad kung may matutuklasang paglabag sa kalidad ng hangin.
     
  • 4. Tutukuyin ng Inspektor ang Status ng Reklamo at
    Isasadokumento ang Mga Mapag-aalaman sa Pagsisiyasat
     
    Tutukuyin ng Inspektor ang status ng reklamo at magfa-follow up soya sa mga mapag-aalaman sa pagsisiyasat. Isang kopya ng ulat ng pagsisiyasat ang posibleng hilingin sa unang beses na iuulat ang reklamo o pagkatapos ng pagsisiyasat ng Inspektor sa pamamagitan ng Mga Pampublikong Talaan ng Air District.
 

Update – Mga Workshop sa Reklamo sa Kalidad ng Hangin sa 2020

Natapos ng Air District ay isang serye ng limang pampublikong workshop sa unang bahagi ng 2020 para hingin ang opinyon ng publiko tungkol sa proseso ng pagsisiyasat ng reklamo sa kalidad ng hangin. Ginawa ang mga pagpapahusay sa Patakaran at Mga Pamamaraan sa Reklamo sa Kalidad ng Hangin para tugunan ang mga komento ng publiko mula sa mga workshop, kapag naaangkop.

Ang impormasyon tungkol sa mga komento sa pampublikong workshop at na-update na patakaran at mga pamamaraan ay makikita sa ibaba:

Spare the Air Status

Last Updated: 3/24/2022