Impormasyon at mga Datos

Alamin ang tungkol sa pagpaparumi ng Particulate na Bagay, ang masasamang epekto nito sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran, at ang ginagawa ng Distrito ng Hangin upang bawasan ang mga antas sa Bay Area.

Particulate na Bagay

PM ay isang masalimuot ng pamparumi na binubuo ng iba't ibang maliliit na partikulong dala ng hangin na magkakaiba ang sukat at masa (napakapino, pino, at magaspang), pisikal na kalagayan (solido o likido), kemikal na komposisyon, pagiging nakalalason, at paano kumikilos ang mga ito sa atmospera. Ang mga partikulong ito ay nanggagaling sa iba't ibang gawa-ng-tao at likas na mga pinanggagalingan, kabilang ang mga gatong na mula sa mga labi ng hayop at halaman, pagsunog ng kahoy at pagluluto sa tirahan, malalaking sunog, mga bulkan, asin ng dagat, at alikabok.

Ang pagsunog ng kahoy ay ang pinakamalaking pinanggagalingan ng particulate na bagay sa Bay Area kapag taglamig. Habang ang Distrito ng Hangin ay nakagawa ng malalaking progreso sa pagbawas ng kabuuang mga antas ng PM at pagkahantad ng tao, ito pa rin ang pinakamapanganib na pamparumi sa hangin sa Bay Area batay sa mga epekto.

Mga Negatibong Epekto ng Particulate na Bagay

Mga Epekto sa Kalusugan ng Tao

Dahil napakaliit ng mga ito, ang mga partikulo ng PM ay maaaring makalampas sa mga likas na depensa at pumasok nang malalim sa mga baga, daluyan ng dugo, utak at ibang mahahalagang bahagi ng katawan, at mga indibidwal na selula. Ang mga pag-aaral na pangkalusugan ay nagpapakita na ang pagkahantad sa PM ay maaaring magkaroon ng iba't ibang masasamang epektong pangkalusugan, kabilang ang:

  • Hika
  • Tuloy-tuloy na brongkitis
  • Pag-ubo at mahihirap o masasakit na paghinga
  • Mahinang pag-unlad ng baga sa mga bata
  • Pagtigas ng mga arterya
  • Atake sa puso
  • Istrok
  • Maagang pagkamatay

Pinsala sa Kapaligiran

Ang PM ay nagdudulot din ng pinsala sa kapaligiran, kabilang ang:

  • Mahinang bisibilidad (haze) sa lungsod at rural na mga lugar
  • Pagmamantsa at pinsala sa mga gusali, monumento, at landmark
  • Pag-aasido ng mga lawa at batis
  • Pinsala sa mga sensitibong pananim at gubat
  • Pagkaubos ng sustansiya ng lupa
  • Pinsala sa mga ekosistema ng baybayin at ilog

Mga Antas ng PM sa Bay Area

Bagaman ang Bay Area ay hindi pa nagtatamo ng lahat ng pambansa at pang-estado na mga pamantayan sa PM , ito ay nakagawa ng malaking progreso sa pagbawas ng mga antas ng PM sa nakalipas na 20 taon.

Ang Distrito ng Hangin ay bumuo ng isang komprehensibong ulat tungkol sa PM sa Bay Area na may titulong Pag-unawa sa Particulate na Bagay: Pagprotekta sa Pampublikong Kalusugan sa San Francisco Bay Area (PDF). Ang isang buod ng ulat (PDF) ay makukuha rin. Ang ulat ay pumapatnubay sa patuloy na mga pagsisikap ng Distrito ng Hangin upang protektahan ang pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng higit na pagbawas sa PM sa Bay Area.

Contact Us


Tulong sa Pagsunod

415 749 4999 compliance@baaqmd.gov

Rule Development

415.749.4653 woodsmokerule@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 3/24/2021