Mga Pagkakaiba

Alamin ang tungkol sa mga uri ng mga pagkakaiba na makukuha, paano dapat mag-aplay para rito, at ano ang mangyayari sa isang pagdinig sa pagkakaiba.

Kung ang isang pasilidad ay hindi sumusunod (o hindi susunod sa hinaharap) dahil sa mga pangyayaring wala sa kanilang kontrol, ang isang pagkakaiba ay maaaring hilingin upang mag-alok ng pansamantalang pagkalibre mula sa mga ispesipikong iniaatas sa regulasyon.

Ang isang pagkakaiba ay nagpapahintulot sa isang pasilidad na magpatakbo habang ito ay gumagawa ng madaliang mga hakbang upang makuhang muli ang pagsunod nito. Ang mga may-ari ng negosyo ay maaaring mag-aplay para sa isang pagkakaiba na diringgin ng Lupon ng Pagdinig ng Distrito ng Hangin.

Mga Uri ng Pagkakaiba

Pang-emerhensiyang Pagkakaiba

Kung ang iyong paglabag ay nangyari nang walang babala, makakahiling ka ng isang pang-emerhensiyang pagkakaiba. Ang biglang pagkasira ng kagamitan, pagkawala ng kuryente, o isang aksidenteng sunog ay maaaring maging dahilan para sa isang pang-emerhensiyang pagkakaiba. Ang ganitong uri ng pagkakaiba ay hindi maigagawad para sa higit sa 30 araw.

Regular na Pagkakaiba

Kung kailangan mo ng higit sa 90 araw upang makasunod sa mga regulasyon ng Distrito ng Hangin, dapat kang humiling ng isang regular na pagkakaiba. Ang pagkakaibang ito ay maaaring palawigin nang higit sa isang taon kung kabilang dito ang isang detalyadong iskedyul kung kailan ang pasilidad ay magkakaroon ng pinal na pagsunod.

Pansamantalang Pagkakaiba

Kung kailangan mo ng agad na proteksiyon bago ang iyong pagdinig sa isang regular na pagkakaiba (maliban sa mga pagkasira), humiling ng isang pansamantalang pagkakaiba upang masakop ang panahon hanggang sa ganapin ang pagdinig. Dapat mong hilingin ang pansamantalang pagkakaiba kapag nagharap ka ng regular na pagkakaiba.

Panandaliang Pagkakaiba

Kung makakasunod ka sa mga regulasyon ng Distrito ng Hangin sa loob ng 90 araw o mas kaunti, dapat kang humiling ng isang panandaliang pagkakaiba.

Pagkakaiba sa Produkto

Kung nagmamanupaktura ka ng isang produkto (tulad ng isang espesyal na pamahid) na hindi makakatugon sa mga iniaatas ng Distrito ng Hangin, ang isang pagkakaiba sa produkto ay kailangan para sa pagbebenta, pagsusuplay, pamamahagi, o paggamit ng produkto. Ang pagkakaibang ito ay iginagawad sa tagapamanupaktura ng produkto.

Paano Dapat Mag-aplay

Upang mag-aplay para sa isang pang-emerhensiyang pagkakaiba:

  1. Kontakin ng Klerk ng mga Lupon at gumawa ng isang paghiling ng pang-emerhensiyang pagkakaiba. Itatala ng Klerk ang petsa at oras ng iyong tawag.
  2. I-download at kumpletuhin ang Porma ng Aplikasyon para sa Pang-emerhensiyang Pagkakaiba (PDF) o ang Klerk ng mga Lupon ay magpapadala nito sa iyo sa pamamagitan ng fax.
  3. Isumite ang porma sa Opisina ng Klerk sa kaparehong araw ng trabaho (o kasunod na araw ng trabaho, depende sa oras ng iyong tawag).
  4. Isumite ang fee sa paghaharap (PDF) sa loob ng 4 na araw ng trabaho pagkaraan ng petsa na iniharap ang aplikasyon.

Upang mag-aplay para sa lahat ng ibang mga pagkakaiba:

  1. I-download at kumpletuhin ang Porma ng Aplikasyon para sa Pagkakaiba (PDF) o kontakin ang Klerk ng mga Lupon upang humiling nito.
  2. Ipakoreo ang fee sa paghaharap (PDF), ang orihinal na porma ng aplikasyon, at 9 na kopya ng porma sa Distrito ng Hangin (Attn: Hearing Board).

Mga Kasunod na Hakbang

Ang Opisina ng Klerk ay magbibigay sa iyo ng paunawa ng petsa at oras ng iyong pagdinig. Ang Lupon ng Pagdinig ay dapat magbigay sa iyo ng 30 araw ng paunawa sa publiko para sa mga paghiling ng pagkakaiba na higit sa 30 araw, at 10 araw na paunawa sa publiko para sa mga paghiling ng pagkakaiba na mas kaunti sa 90 araw.

Impormasyon Tungkol sa Pagdinig

Tingnan ang Mga Madalas Itanong Tungkol sa Pagkakaiba (PDF) upang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa kung ano ang nangyayari sa isang pagdinig, paano ka dapat maghanda, at ang mga dahilan na maaaring igawad ang pagkakaiba.

Contact Us

Marcy Hiratzka
Clerk of the Boards, Pangangasiwa

415.749.5073 mhiratzka@baaqmd.gov

Hearing Board

(415) 749-5073


Tulong sa Pagsunod

415 749 4999 compliance@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 11/8/2016