Mga Permiso sa Makina

Kumuha ng mga tagubilin sa aplikasyon para sa permiso para sa pagkuha ng permiso upang magpatakbo ng isang panloob na makina ng pagniningas.

Notifying Permit Applicants of a Regulatory Requirement to Use BACT for Emergency Backup Engines greater than or equal to 1000 BHP
The Air District is notifying permit applicants of achieved-in-practice BACT for large emergency backup engines. This would potentially affect engine permit applications under Air District review by requiring engines meet EPA Tier 4 emissions standards. To view the 3/29/2021 webinar, slides, and FAQs, visit the Workshops and Events web page.

Ang mga tagubilin sa ibaba ay para sa lahat ng mga makina ng panloob na pagniningas na mas malaki kaysa 50 horsepower na hindi ginagamit upang patakbuhin ang isang sasakyang de-motor. 

Lahat ng mga porma ng mga datos na tinukoy sa ibaba ay makukuha sa web site ng Distrito ng Hangin. Mangyaring tandaan na ang Form ICE ay ang bagong porma para sa lahat ng makina ng panloob na pagniningas. Ang Form C at Form Diesel ay hindi na maaaring gamitin para sa mga makina.

Mangyaring isumite ang lahat ng impormasyong hiniling sa ibaba sa Dibisyon ng Inhinyeriya ng Distrito ng Pamamahala sa Kalidad ng Hangin ng Bay Area

Dibisyon ng Inhinyeriya
BAAQMD
939 Ellis St.
939 Ellis St. San Francisco, CA 94109

Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagkumpleto ng alinman sa mga porma ng mga datos, tawagan ang dibisyon ng Inhinyeriya sa numero ng telepono sa ilalim ng pahina.

Mga Iniaatas sa aplikasyon para sa permiso

A. Mga makinang dinala sa lugar sa o bago ang ika-17 ng Mayo, 2000:

  • Application Form P-101B (1 kada lugar). Ang petsa ng pagpapanibago ng permiso ay April 15, 2017.
  • Form ICE1 (1 kada makina).
  • Mga ispesipikasyon ng tagamanupaktura: pagkonsumo ng gatong, rated horsepower output, mga antas ng emisyon para sa NOx, CO, mga hydrocarbon (VOC) at particulate (PM10).
  • Ang mga fee ay sisingilin.
B. Ang mga makinang dinala sa lugar pagkaraan ng ika-17 ng Mayo, 2000 at bago ang ika-1 ng Setyembre, 2001:
  • Application Form P-101B (1 kada lugar). Ang petsa ng pagpapanibago ng permiso ay ika-15 ng Abril, 2017.
  • Form ICE1 (1 kada makina).
  • Mga ispesipikasyon ng tagamanupaktura: pagkonsumo ng gatong, rated horsepower output, mga antas ng emisyon para sa NOx, CO, mga hydrocarbon (VOC) at particulate (PM10).
  • Isang kinumpletong Pagsusuri ng pag-iksamen ng Panganib sa Kalusugan Form HRSA2 (1 kada punto ng emisyon).
  • Fee sa aplikasyon ng makinang diesel: $1,799 kada makina.
  • Fee sa pagsusuri ng panganib ng makinang diesel: $782 para sa unang makina, $330 para sa bawat karagdagang makina.
  • Fee sa aplikasyon para sa makinang pinatatakbo ng likas na gas at/o LPG likas na gas: $1,638 kada makina (walang fee sa pagsusuri ng panganib).
C. Ang mga makinang dinala sa lugar sa o pagkaraan ng ika-1 ng Setyembre, 2001:
  • Application Form P-101B (1 kada lugar). Ang petsa ng pagpapanibago ng permiso ay April 15, 2017.
  • Form ICE1 (1 kada makina).
  • Mga ispesipikasyon ng mga datos ng tagamanupaktura kabilang ang: pagkonsumo ng gatong, rated horsepower output, mga antas ng emisyon para sa NOx, CO, mga hydrocarbon (VOC) at particulate (PM10).
  • Isang kinumpletong Pagsusuri ng pag-iksamen ng Panganib sa Kalusugan Form HRSA2 (1 kada punto ng emisyon).
  • Mga Fee sa Aplikasyon: Ikaw ay sisingilin para sa mga fee sa aplikasyon sa panahon ng pagsusuri ng Distrito ng Hangin sa iyong aplikasyon para sa permiso.
    Ang mga fee sa aplikasyon ay kabilang ang isang fee sa paghaharap, isang unang fee, at isang fee sa pagsusuri ng panganib sa kalusugan. Ang mga karagdagang fee sa aplikasyon ay maaaring isama para sa mga makinang nakainstala nang walang Awtoridad na Magtayo ng Distrito ng Hangin at para sa mga makinang pinatatakbo nang walang Permiso Upang Magpatakbo ng Distrito ng Hangin. Mangyaring sumangguni sa Regulasyon 3, Mga fee. Ang fee sa paghaharap ay tinukoy sa seksiyon 3-302 ng Regulasyon 3. Ang una, pagsusuri ng panganib, permiso na magpatakbo, at mga fee sa dagdag na singil sa nakalalason ay tinukoy sa Iskedyul B ng Regulasyon 3.
  • Para sa mga makinang ikinabit sa loob ng 1,000 talampakan ng isang lugar ng paaralan, ang batas ng California ay nag-aatas na ang Distrito ng Hangin ay magbigay ng paunawa sa publiko.
    Upang sumunod na iniaatas na ito, ang Distrito ng Hangin ay namamahagi o nagpapakoreo ng isang Pampublikong Paunawa. Ikaw ay sisingilin para sa pinakamababang karagdagang fee na $2,100 upang iproseso ang Pampublikong Paunawa. Kung ang mga gastos ng Distrito ng Hangin sa paghahanda at pamamahagi ng Pampublikong Paunawa ay himigit sa halagang ito, ikaw ay padadalhan ng isang nakahiwalay na invoice na may mga karagdagang fee upang saklawin ang mga gastos na ito. Kung ang mga fee sa Pampublikong Paunawa ay humigit sa mga gastos ng Distrito ng Hangin, ang Distrito ng Hangin ay magsasauli sa iyo ng diperensiya.
Mga Tala

  1. Form ICE
    Lahat ng impormasyong hiniling sa pormang ito ay DAPAT makumpleto o ipagkaloob. Karamihan sa impormasyon tungkol sa makina na hiniling sa porma ay maaaring makuha mula sa tagamanupaktura/tagapamahagi ng makina.
  2. Form HRSA
    Lahat ng impormasyong hiniling sa pormang ito ay DAPAT makumpleto o ipagkaloob. Kung may kulang na impormasyon, ang aplikasyon ay hindi mapoproseso. Ang espesyal na tala na ang isang mapa ay nagpapakita ng iyong lugar at mga nakapaligid na tirahan at negosyo ay iniaatas.

Contact Us


Pangkalahatang Impormasyon sa Inhinyeriya

415.749.4990 permits@baaqmd.gov


Pangkalahatang Impormasyon Tungkol sa Pagsunod

415 749-4795 compliance@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 12/18/2019