Programa ng Pagsusuri ng Panganib ng Hangin sa Komunidad

Ang Pagsusuri ng Panganib ng Hangin sa Komunidad ay pinag-iisa ang gobyerno, mga komunidad, at mga negosyo upang tugunan ang mga lugar ng concentrated na pagpaparumi sa hangin at mga kaugnay na epekto sa kalusugan ng publiko sa Bay Area.

Habang ang kabuuang pagpaparumi sa hangin ay patuloy na nababawasan sa Bay Area, ang ilang komunidad ay nakakaranas pa rin ng mas mataas na antas ng pagpaparumi kaysa iba. Ang mga komunidad ay pangkaraniwang malapit sa mga pinanggagalingan ng pagpaparumi (tulad ng mga freeway, mga abalang sentro ng pamamahagi, at malalaking pasilidad na pang-industriya) at ang mga negatibong epekto sa pampublikong kalusugan sa mga lugar na ito ay mas malaki. Ang Programang CARE ay naglalayong bawasan ang mga epektong ito sa kalusugan na kaugnay ng lokal na kalidad ng hangin.

Ang mga hangarin ng Programang CARE ay upang:

  • Tukuyin ang mga lugar kung saan ang pagpaparumi sa hangin ay unang-unang nagdaragdag sa mga epekto ng kalusugan at kung saan ang mga populasyon ay pinakamadaling maapektuhan ng pagpaparumi sa hangin.
  • Gumamit ng mahuhusay na siyentipikong paraan at estratehiya upang bawasan ang mga epekto sa kalusugan sa mga lugar na ito.
  • Palahukin ang mga grupong pangkomunidad at ibang mga ahensiya upang bumuo ng mga karagdagang aksiyon upang bawasan ang mga lokal na epekto sa kalusugan.

Mga Apektadong Lugar

Ang mapa sa ibaba ay nagpapakita ng mga lugar na may tumaas na antas ng pagpaparumi batay sa mga detalyadong imbentaryo ng mga emisyon at pagmodelo ng pagkalat ng hangin na natukoy ng Distrito ng Hangin na naapektuhan. Available rin ang mga ArcGIS shapefiles para sa mga lugar na ito  pati rin ang PDF na mapa.

Ulat ng Programang CARE

Noong 2014, ang Distrito ng Hangin ay nag-isyu ng isang ulat na nagbubuod ng mga nakamit ng Programang CARE at nagtalaga ng Puwersang Tagakilos sa nakalipas na dekada. Inilalarawan ng ulat kung paano nagbibigay ang programa ng isang kapaki-pakinabang na balangkas para sa paggabay sa mga desisyon sa patakaran, pagbuo ng mga mabisang programa sa kalidad ng hangin sa mga apektadong lugar, at pagpapayaman ng mga positibong ugnayan sa mga grupong pangkomunidad.

Ang ulat na ito, ang mga lokal field study, at iba pang mga dokumento sa Programang CARE ay makukuha para suriin.

Contact Us

Virginia Lau
Nakatataas na Tagapayo sa Nauunang Proyekto

415.749.4696 vlau@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 4/17/2020