|
|
Binabawasan ng Distrito ng Hangin, estado ng California, at ng pederal na mga hakbang sa pagkontrol ng nakakalason sa hangin ang mga emisyon ng lason sa hangin sa pamamagitan ng pag-target sa mga partikular na nagpaparumi o paghiling ng mga kontrol para sa mga partikular na uri ng mga pinagmumulan ng emisyon.
Ang mga sumusunod na lokal na hakbang sa pagkontrol ay naaangkop sa mga partikular na nakakalasong compount o mga partikular na uri ng pinagmumulan.
Regulasyon sa mga Mapanganib na Pamparumi
Ang regular ng Distrito ng Hangin na ito ay nagtatakda ng mga pamantayan ng mga emisyon at/o pagganap para sa maraming mapanganib na nagpaparumi sa hangin at mga aktibidad.
Nilalayon ng mga sumusunod na hakbang sa pagkontrol na bawasan ang nakakalasong nagkokontamina sa hangin, toxic air contaminant o TAC, na mga emisyon sa lugar at sa bansa.
Mga Hakbang sa Pagkontrol ng Dala ng Hangin na Nakalalason
Pambuong-estadong gumagalaw at nakapirming dala ng hangin na mga Mga Hakbang sa Pagkontrol ng Dala ng Hangin na Nakalalason (Airborne Toxic Control Measures, mga ATCM), mula sa Batas sa Nakalalasong Nagkokontamina sa Hangin ng California.
Batas sa Nakalalasong Nagkokontamina sa Hangin ng California (AB 1807)
Itinatag noong 1983, gumawa ng pamamaraan ang batas na ito para sa pagkilala at pagkontrol ng mga TAC upang protektahan ang kalusugan ng publiko.
Programa ng Mga Hot Spot ng Nakakalason sa Hangin ng California (AB 2588)
Pinagtibay noong 1987 bilang tugon sa alalahanin ng publiko tungkol sa mga emisyon ng TAC, ang programang ito ay nag-aatas sa mga pasilidad na iulat ang kanilang mga emisyon sa Distrito ng Hangin.
Pambansang mga Pamantayan sa mga Emisyon para sa mga Mapanganib na Pamparumi ng Hangin
Ang mga pederal na pamantayan sa emisyon para sa mapanganib na mga pamparumi sa hangin, mula sa Batas sa Malinis na Hangin.
Pederal na batas na idinisenyo upang kontrolin ang pagpaparumi sa hangin sa antas na pambansa. Ito ay nag-aatas sa Ahensiya ng Proteksiyon ng Kapaligiran ng U.S. na bumuo at magpatupad ng mga ugnayan upang protektahan ang publiko mula sa pamparuming dala ng hangin na kilalang nakakapinsala sa kalusugan ng tao.
Last Updated: 4/17/2020