Pagpopondo sa Gawad

Mag-apply para sa Pagpopondo

Updated 6/25/2024

Mahigit $90 milyong pondo ng incentive ang iniaalok taun-taon para matulungan ang mga negosyo at pampublikong ahensya na bawasan ang kanilang mga emisyon sa pamamagitan ng pag-upgrade ng sasakyan at equipment at paglalagay ng zero-emission na imprastruktura.

Bukas Ngayon

Bukas na ngayon ang competitive na solicitation para sa imprastruktura ng electric charging para suportahan ang mga sasakyan sa kalsada, off-road na equipment, sasakyang pandagat, at locomotive. Hanggang $35 milyon ang available para sa paglalagay ng bago - o para sa pagpapalawak ng - mga electric charger at imprastruktura na naa-access at hindi naa-access ng publiko. Ang pondo ay para sa paglalagay at pagpapatakbo ng permanenteng de-kuryenteng imprastruktura na magpapasimula sa paggamit ng mga zero-emission na sasakyan at equipment sa Bay Area, magpapabilis sa mga pagpapaganda sa kalidad ng hangin at sa pag-transition sa zero-emission sa Mga Priyoridad na Komunidad, at ipe-place sa serbisyo sa unang bahagi ng 2027. 

Paano Mag-apply

Para mag-apply sa solicitation ng imprastruktura, bisitahin ang online na portal na ito ng aplikasyon:
Mag-apply Ngayon 

Bisitahin ang web page na Imprastruktura para sa higit pang detalye tungkol sa open solicitation, iskedyul ng programa, pagiging kwalipikado ng proyekto, mga priyoridad sa pagpopondo listahan ng kinakailangang dokumentasyon, at higit pa. Para manatiling updated sa mga solicitation sa hinaharap, mag-sign up para sa email list ng Distrito ng Hangin sa ibaba ng page na ito.

Mga Gabay ng User para sa Online na System ng Aplikasyon

Magbibigay ang mga sumusunod na gabay ng user ng sunud-sunod na tagubilin sa paglalagay ng impormasyon sa Online na System ng Aplikasyon batay sa kategorya ng kagamitan na susuportan ng iminumungkahing proyekto sa imprastruktura: 

Para ma-access o ma-update ang isang dati nang aplikasyon na isinumite bago lumipas ang Abril 11, bisitahin ang online na portal na ito ng aplikasyon:
I-access ang Mga Aplikasyon 

Mga Workshop at Event

 
Page Loading

Contact Us

Grants Programs Information Request Line

415 749-4994 grants@baaqmd.gov

Contact Us

Spare the Air Status

Last Updated: 6/25/2024