Alamin ang tungkol sa at magparehistro para sa Programang mga Benepisyo ng Nagbibiyahe.
Ang Programang mga Benepisyo sa Nagbibiyahe sa Bay Area (PDF) ay nag-aatas sa lahat ng mga tagapag-empleyo sa hurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin na may 50 o higit na buong-oras na mga empleyado na mag-alay ng mga benepisyo sa nagbibiyahe sa kanilang mga empleyado. Ang mga tagapag-empleyo ay makakapili mula sa sumusunod na apat na opsiyon (PDF):
- Bago-ang-buwis na benepisyo - Nagpapahintulot sa mga empleyado na tanggalin ang kanilang mga gastos sa transportasyon o vanpool mula sa nabubuwisang kita (hanggang $130 kada buwan).
- Tulong na ipinagkakaloob ng tagapag-empleyo - Nag-aalay ng tulong upang bawasan o saklawin ang mga buwanang gastos ng empleyado sa paghahatid o vanpool (hanggang $75 kada buwan).
- Paghahatid na ipinagkakaloob ng tagapag-empleyo - Nag-aalay ng libre o murang serbisyo sa paghahatid ng mga empleyado, tulad ng serbisyo ng bus, shuttle, o vanpool.
- Alternatibong benepisyo sa nagbibiyahe - Nag-aalay ng alternatibong benepisyo sa nagbibiyahe na mabisa rin sa pagbawas ng iisa-ang-sakay na mga biyane tulad ng ibang mga opsiyon.
Para sa karagdagang impormasyon at upang magparehistro para sa programa, bisitahin ang webpage ng Programang mga Benepisyo sa Nagbibiyahe.